Third Person's POV "I told you na iuuwi kita kahit anong oras ko gustuhin." Sabi ni Dax habang naglalakad ng mabilis hanggang sa makalabas na sila sa pinto ng fire exit. Nagpumilit si Macy na bumaba pagdating sa parking lot. Nahiya siyang pinagtitinginan sila ng mga nandoon. Kung may halong pagtataka sa mga mata ng guest ng hotel na naroon ay kabaliktaran naman sa mga empleyadong nasasalubong nila na kilala na sila at sanay na sa kanilang dalawa na parating nagbabangayan. Nawalan na bigla ng gana si Macy kahit nasa isip niyang bumalik sa function room dahil siguradong hinahanap na siya doon. Mabilis siyang naglakad at tinungo ang kotse ni Dax. Padabog niyang binuksan at sinara ang pinto ng kotse pagpasok niya. Napapakamot naman ng ulo si Dax na umupo sa driver's seat. "Macy para sa'yo

