Tahimik siyang umiiyak sa dulong bahagi ng terasa ng kanilang barracks, ayaw niyang makipag usap sa kahit na sino. Pakiramdam niya ay wala ng saysay ang buhay niya, kahapon nangyari ang interview pero sariwang sariwa pa sa kanyang isipan ang mga nangyari at ang mga sinabi ng ina nito sa interview. Batid naman niyang ayaw sa kanya ng pamilya ng lalaki kaya masakit para sa kanya na sa kabila ng kaalaman nito sa lahat ng sakit na pinagdaanan niya ay nagawa parin siya nitong i hit and run. "Here o." Si Jana na may isang supot ng paperbag sa kamay, maliit lang ang supot at magaan. "Ano to?" Tanong niya sa babae. Ayaw na niyang manghula pa sa kung ano ang laman niyon, lalo at wala naman siya sa mood na makipag biroan sa mga ito. Pero mukha namang walang halong kalokohan ang laman niyon,

