Karga karga niya ito papasok sa unit niya, malaki ang unit na nilipatan niya, binenta na niya ang dati niyang unit dahil lalo lang siyang nadi depressed pag nakikita niya ang bawat sulok ng unit na yun. Naging double na ngayon ang laki niyon, gulat na gulat ang dalawang kasama niya sa bahay nang mabistahan ang mukha ng babaeng karga niya. "Hala buhay nga siya!" Bulalas ni Yaya. "Hsssh ang ingay niyo Yaya, pagod na pagod siya sa biyahe baka magising." Saway niya sa dalawa na agad namang napahagikhik. "Sorry natuwa lang, masaya ako para sayo Jhai. Naayos ko na ang higaan nyo, dalhin mo na yan doon at nang makatulog ng maayos." Sabi ni Yaya na pinagbuksan pa sila ng pinto ng kwarto. "Welcome home sweetheart!" Bulong niya dito nang mailapag niya na ito sa kama nila, no more lonely nig

