Patuloy ang buhay, yun nalang ang iniisip niya matapos na ma hospital, it's been four months simula nung masama ang dating katipan sa misyon na naging mitsa ng buhay nito at ng baby nila sa sinapupunan nito. Hanggang ngayon ay alaala niya parin, kahit yata ilang buwan o taon ang lumipas ay ganun parin ang sakit na hatid sa kanya ng pagkawala ng mga ito sa buhay niya. Mahirap man tanggapin sa umpisa ngunit alam niyang kalaunan ay matatanggap din niya. Unti unti lang muna lalo at bagong bago pa, nakakasama na din siya sa inuman ng mga kaibigan niya lalo na ngayon na nag normal living na siya. Paminsan minsan ay umuuwe siya sa kanilang bahay na mag anak, pero di na siya nawalan ng kasambahay, pinasama na sa kanya ang Yaya niya at ang isang kasambahay. Bantay niya daw pag may binabalak na

