Jhai pov Lumipas ang magdamag na wala ng tawag pang muli mula sa asawa ni Dos at kay Mama Rose. Di na niya inaasahan pa na tatawag sa kanya si Aqua, halata naman na iniiwasan na siya nito. Di nila talaga ma trace ang tawag ng mga ito, although medyo panatag na siya dahil alam niyang buhay ang mga ito at ligtas. Ay iba parin yung nakikita, nakakasama, nakakausap ang mga ito. Kahit papaano ay nakita na niyang nakangiti ang mag aama. At syempre masaya siya na buhay ang babaeng mahal niya na tila ayaw nang makipagbalikan pa sa kanya. "Hanggang ngayon ay di ko parin ma trace ang IP adress ng call nila. Di ko alam kung sira ba ang monitor pad ko o sadyang sa kakaibang planeta lang talaga sila naroon." Si Ryon na kanina pa kinakalikot ang tila monitor nito. Kanina nang tumawag ang mga ito ay ka

