The New Beginning'
Malaki na ang pinagbago ng buhay ni Aiden makalipas ang dalawang taon.Malayo ito sa dati,ang dating ganda ng buhay,may gintong kutsara sa hapag kainan--ngayon pag sisikap sa trabahon para sa isang butil.Nawala ang kayamanan,nawala ang kapangyarihan,dahil sa hindi inaasahan.
Amang butihin,nagpaalam ng biglaan.Nawasak ang puso ng binata ng itoy mangyari,dalawang tao nanaman kase ang nawala sa kanya buhay.Ang lalaking minamahal at ang amang makapagkalunya.Hindi nya alam kung saan sya pupulutin,pinagsisihan nya na hindi sya nag aral ng inhenyero katulad ng kanyang ama.Ngayon pagpipinta lamang ang kanyang alam,hindi nagagamit sa trabaho na kanyang inaaplayan.
Ibig mang maghinagpis ni Aiden,sarili nya lamang ang kanyang maaasahan.Kaya kahit mahirap ang trabaho itoy papasukin nya.
Simula ng umuwi ang mag amang Porter mula sa isla Elostrea.Napansin ni Aiden ang malaking pag babago ng kanyang ama.Madalas na itong nakikipag sa kanya at mas madalas na itong pala usap sa kanilang hapag kainan.Malaking katanungan ito para sa binata,pero hinala nya bahagi ito ng nangyari.Mas maganda na ganto sila dalawa,sa isip isip ng binata,atlis mas nakikilala nila ang isat isa.Masaya na sana ang lahat,kakalimutan nya na sana ang huling lalaking minahal mula sa isla.Dahil sa samahan nila ng kanyang ama,aaminin nya na bahagya nyang nakalimutan ang pangungulila dito.Pero siguro nga,may hangganan ang lahat lahat,ang saya,ngiti at galak sa tuwina.Napalitan ng lungkot pang hihinayang,at mga luha sa mata.
Nabalitaan ni Aiden,na may lukimia sa utak si Mr.Archimeds.Malala na ito,at nagsisimula ng manghina ang buo nyang katawan.Dahil sa kalagayan ng ama,napilitan silang ibenta ang ilang ari-arian,napundar na lupa,at naipong pera.Alam ni Mr Archimed na hindi na sya gagaling,hindi na nya hinayaan pang gastusin ng binata ang ilang pamanang pera dito.Kaya nang makalipas pa ang mahigit na anim na buwan.Namaalam na si Mr.Archimed.
Kasabay ng pagsikat ng araw,ang pagdilat ng mga mata ni Aiden mula sa umagang ito.Paupo syang bumangon at pinag masdan ang buong paligid ng kanyang silid.Sapo sapo nanaman nya ang kanyang dibdib nawaring may masakit dito.Tsaka nya lamang napansin na basa nanaman ang kanyang mga pisngi.Puno nanaman ng mga luha,napapaisip na lamang ito kung ang ama ba ang iniiyakan nya sa loob ng dalawang taon o di kaya ang binata mula sa islang kanilang pinuntahan.
Sa loob ng nakalipas na dalawang taon lagi itong may luha sa mata sa tuwing gigising sa umaga.Marahil alam nito kung sino ang iniiyakan sa una,ngunit ngayon dalawa na sila ng kanyang ama.
Nagbuntong hininga nalang ang binata,sanay na syang dedmahin ito.
Kaya naman inihanda na nya ang kanyang sarili para sa trabaho,tumayo ito sa harap ng salamin na nakadikit sa malaking aparador.Pinagmasdan ang sarili habang kunot kunot ang mga mata.Nasilayan nya mula sa replika nito ang mga pinta nya mula sa kanyang likuran.Napaharap sya dito at bahagyang napangiti,may naisip syang ediya para sa mga bagay na ito.Lumapit sya sa mga ito at iniabot ang isa na may nakapintang bulaklak na kulay pula.Pinagmasdan nya lang ito at muling ibinalik sa lagayan.Dapat wat titingin pa sana sya sa iba ngunit napadako ang kanyang mga mata sa isang nakabukod na pinta mula sa pader.
Alam nyang pinta nya ang bagay na ito ngunit bahagya parin syang nagulat dito.Ito kase ang pinta nya na may larawang matipunong gwapong lalaki,may maliit na saplot sa maselang bahagi at blonde ang buhok.Napalingo nalang ang kanyang ulot bahagyang napa tawa.
"Matagal ko ng nakita ang binata sa pintang iyan Aiden" sabi nito sa sarili "Kamukhang kamukha nya ang lalaki sa pintang iyan..matipuno din ito at may gwapong pagmumukha,yun nga lang hindi ko na sya makikita.Masaya na sya kung saan sya nagmula" nagpakawala sya ng malalim na hininga kasabay ang pagpasok ng kanyang Nana mula sa pinto.
Nilingon ito ng binata,mabait parin pala sa kanyang ang panginoon kahit maaga syang nangulila.Sa tuwing makakaramdam kase sya ng lungkot,dumadating ang kanyang Nana upang damayan ito.Nawala sa kanya ang lahat,at hindi na nya kailangan pa ng tulong ng isang Yaya dahil wala na syang maibabayad dito.Pero nanatili parin ito sa kanya,sa katunayan nga sobra sobra na ang ginawa at naitulong nito dahil pinatira pa sya sa kanyang bahay kasama ang binatilyo nitong anak.
Ngayon,tatlo nanaman ang miyembro ng kanyang pamilya "umiiyak ka nanaman.." saad ng Nana,pagkalapit sa binata pagkatapos ay hinagod nito ang mga mata na may luha."Wag mo nang masyadong isipan pa ang iyong ama.Masaya na ito kung san man to naroroon.Kaya ngumiti kana ok?"
Alam ng Nana na pilit lang ang ngiti ng binata,sa dami ng pinag daanan nito ay hindi naiintindihan nito ang pinag dadaanan ng anak anakan "Opo Nana,ngingiti na po ako pangako".
"Masaya ako,kase hindi ka nag sariling buhay,may pera ka at sapat yun para magsimula ka.Pero heto,nandiko ka sa hindi kalakihan na bahay ni Nana.Nagtitiis kasama namin ng anak ko.Pagpasensya mo na,gustong gusto talaga ni Nana at nagaalala sya sayo na mamuhay mag isa e,hindi ka nya gustong pabayaan nalang.Pero ito lang ang maibibigay nya e" bahagya itong tumawa "Hindi mayaman si Nana"
"Nana,sobra sobra napo yung ginawa nyo.Kahit hindi po kasing laki ng mansyon namin ang tahanang ito,punong puno po ito ng pagmamahal dahil sa inyo" sagot ni Aiden at niyakap nya ang butihing katulong na ngayon tinuturing na nyang tunay na Ina "Maraming maraming salamat po..."
Nasa kalagitnaan sana ng kadramahan ang dalawa ng pabalagbag na binuksan ng isang nilalang ang pintuan.Galit ang mukha nito at naka kunot ang mga noo.Matalim ang tingin nito sa magina "Ano? Tuwing umaga ba ganyan kayong dalawa magdadramahan? Wala pang umagahan oh,nagugutom na ako" sambit ng binata.
Nagkatinginan ang dalawa,basa ang ang mga mata nito.Kilala na nila ang ugali ng binatilyo.Bastos at pilyo ito kung minsan.
Kung suwerta sa bagong ina si Aiden,malas naman ito sa bago nyang kapatid.Ang nagiisang anak ni Nana,binatilyo ito at may edad na labing pito.Ngunit sa edad nito ay malayo ito sa kanyang itsura dahil sa kagisigan ng katawan.Tamad ito,spoiled brat kung baga pero masipag ito pag dating sa pag aalaga ng kanyang katawan.Pinalad man si Aiden sa bago nyang buhay,may peste naman syang bagong makakasama.
Alam ng binatang ito,na ganun din ang tingin sa kanya ni Aiden.Hindi nya ito gusto,ayaw nya sa mga malalambot at pinong gumalaw na isang lalaki.Ayaw nya sa mga bakla,kaya naiintindihan ng ina na mabigat ang loob ng kanyang anak sa bagong ampon nitong si Aiden.Hindi madali pero kailangan balansihen nya ang dalawa.
"O sya anak,maghanda kana para sa trabaho mo.Tatanghaliin kana naman ok" singit nalang ni Nana,hindi pinansin ang nag aalburutong anak.
Alam nito na nag seselos ito kung minsan.Pero sinisiguro ni Nana,na pantay ang tingin nito sa dalawa.
Kumalas na sa pag kakaakap si Aiden pero narinig pa nya ang bahagyang pag tawa ng binata "Nauna mo pa talaga syang alalahanin no,kaysa sakin na hindi pa kumakain ng agahan.Swerte mo Faggot.Swerte ka sa nanay ko"Binalingan nito ang ina.
"Blake ano ba? Ano nanaman bang inirereklamo mo?" Singit ng ina.
"Wala po ina,masaya lang po ako na lagi nyong pinaparamdam dyan sa faggot nayan na hindi sya nagiisa"
"oo nga pala,may bago akong nahanap na kumpanya na ma aaplyan mo.Para hindi kana mag tsaga dyan sa crew mong trabaho sa Burger Cafe'" ngumiti ito ng nakakagago "Mag aply ka sa bagong kumpanya ng mga Greystoke.Nahanap na nila ang bagong taga pagmana"
Natigilan si Aiden dahil sa sinabe ni Blake."A-anong sabi mo?"tanong nito sa binata.
"Bingi kaba? O ayaw mo lang magapply sa magandang kumpanya?"Bakas ang pag kainis sa sagot nito"Akala ko ba nakapag aral ka sa mamahaling paaralan dito sa England? Mga kagaya mo hindi lang pag ce-crew ang dapat na trabaho.Pumasok ka sa magandang kumpanya para naman makatulong ka sa nanay ko--"
"Blake ano ba? Wag mong pag sasalitaan ang kapatid mo ng ganyan"Natigilan si Blake ng mag salita ang ina"Masipag syang mag trabaho,at hindi ko inaantay na ibalik ni Aiden ang lahat ng tulong natin sa kanya.Kung tutuosin tayo ang may utang na loob sa kanya dahil sa pag tatrabaho ko sa kanila ng ilang taon.Magpasalamat ka don"
"Huh? Wow..." Sambit ng binata habang tatawa tawa pa "Patas na kami ngayon" tumingin ito kay Aiden "Patas na tayo dahil parehas na tayo ng buhay,kasing hirap ka na namin.Baka nakakalimutan mo na hindi mo na katulong si Mama ngayon.Isang ina inahan mo na sya na may malaking pagkakautang na loob--"
"Alam ko Blake,alam ko..." Pagsasalita ni Aiden upang bahagyang matigilan ang binata "Wag kang mag alala,habang buhay akong tatanaw ng utang na loob sa inyo.Kaya nga ako nag tatrabaho e,kahit saan" dumako ang mga mata ng binata kay Nana,tsaka ibinalik kay Blake"Wag lang po sa kumpanya ng mga Greystoke"
"At bakit naman?" Tanong ng binata.Nag simula ng lumakad papalabas si Aiden sa pinto upang maiwasan ang usaping Greystoke.Hindi na nya kailangan pang ipaalam sa bagong kapatid nito ang buong pangyayare noon na ayaw na nyang balikan pa "Wala ka nadun..." dugtong ng binata ng tuluyang makalabas.
Kasunod na lumabas nadin si Nana,at naiwang magisang nakatunganga ang binatang si Blake sa pinto.Napalingo nalamang habang napadako ang mata sa kalooban ng silid ni Aiden.Dito nya nahinuan na kay rami pala nitong painting at halos lahat ay kay gaganda nito.Hindi nya namalayang nagumpisa na syang maglakad papaloob at lumapit sa mga ito.Sa mapagmasid na mga mata nito,dumako ang paningin nito sa pinta ng isang lalaki na nakasabit sa dingding.Napasukbit nalang ang kanyang mga braso at napalingo ng ulo,ang pintang ito kase ay ang lalaking may malaking katawan at bahag lamang ang kasuotan. "That Faggot..." Tatawa tawa nitong sambit.Sa pag kakataong ito,nagkaroon sya ng maliit na balak para sa binata.
AN:Hello,readers! Kamusta first chap? Feeling ko kase ang drama masyado e.Pero sa tingin nyo? Anong magiging papel ni Blake sa buhay ni Aiden?
Bumalik na ba ang tunay na taga pag mana?
Abangan...