
"Aiden..." Ani Brice na bumasag sa katahimikan "Ipangako mo sakin na tatapusin mo muna ang lahat.Tapos babalik kana sakin huh?"
Napabaling sya sa binata kapagkuwan ay pinahigpit ang hawak sa braso nitong nakayakap sa katawan nya.Mariing syang ngumiti bago nya ito sinagot.
"Oo,pinapangako kong babalik ako" ani nya "Tatapusin natin to ng magkasama at mabubuhay tayo ng masaya at maligaya" tumikhim sya,bago nya naramdaman ang paghalik nito sa gilid ng ulo nya.
"Pangako yan diba?" Tanong ng binata.Muli syang ngumiti habang kinukuha ang kanang kamay ng binata na nakapulupot sa katawa nya at pinagsiklop iyun.
Bahagya muna nyang nilangon ang binata bago sumagot "Oo my king of the jungle.Pinapangako ko po" sagot nya.
Unti unti,nabubuo sa pusot isip ng binatang si Aiden ang determinasyon sa dibdib nya.Sa mga nangyare sa kanila ni Brice,isang pinto ang nagbukas upang pasukin nya.Ang hindi nya lang alam,wala ng ibang paraan para makalabas.At siguro,hindi na nya hahayaang makalabas pa.
Ipaglalaban na nya ang binata.Magiging matapang na sya sa abot ng makakaya nya at hindi isang Clayton lamang ang makakasira sa kanilang dalawa.
Gagawa sya ng paraan kung paano nya mapoprotektahan ang ina.Isang malaking pader ang babanggain nya.Hindi na sya natatakot at hinding hindi na sya matatakot dahil nandyan sa tabi nya ang binata.
Lalaban sila,lalaban silang magkasama.
Makalipas ang ilang segundo.Wala ng nagsalita ni isa sa kanila.
Banayad silang natahimik habang nararamdaman na nya ang unti unting pagbigat ng talukap ng mga mata.Inaantok na sya.Kaya naman ipinikit na nya ang mga mata at ipinihanga na nya ang sarili,pero bago pa man sya sakupin ng papatulog na diwa narinig nyang muli ang boses ng binata.
"Ipag lalaban kita Aiden,hindi ko hahayaang may makapaghiwalay pa

