Pagkagising ni Roxanne kinabukasan ay ‘di agad siya bumangon. Tinapik-tapik pa niya ang kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala na nag-propose na sa kanya si Arthur Totoo ba talaga ‘yong nangyari kagabi? Hindi ba ako nananaginip? I’m engaged!
Naalala pa ni Roxanne ang sinabi ni Arthur kagabi, “Pag nagpakasal na tayo, I’m sure there will be a lot of adjustments.”
Hindi maiwasang mag-isip at magtanong ni Roxanne kung ano ang mga adjustments na tinutukoy ni Arthur at ano kaya ang magiging buhay nila bilang mag-asawa? Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman ni Roxanne. Matulad din kaya siya sa nangyari sa parents niya? Sana naman ay hindi.
Maganda sana ang buhay nina Roxanne kung naging mabuting asawa at ama ang Daddy niya. Magandang lalaki at simpatiko ang Daddy ni Roxanne kaya naman minahal ito ng todo ng Mommy niya. Subalit iyon din ang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Nagkaroon ang Daddy niya ng ilang relasyon sa ibang babae at natuto rin itong magsugal kaya naman naisanla nila sa bangko ang kanilang ari-arian hanggang sa tuluyan itong mailit nang unti-unting malugi ang kanilang negosyo.
Dumating din sa punto na iniwan na silang mag-ina ng Daddy niya at sumama sa ibang babae. Nakita niya kung paanong nasaktan ang Mommy niya na halos ikabaliw nito. Makalipas lang ang mahigit isang taon ay bumalik ang Daddy ni Roxanne sa kanila sa kadahilanang may malubha itong karamdaman at iniwan na ng kanyang kinakasama. Dahil sa sobrang pagmamahal ng Mommy niya sa kanyang Daddy, tinanggap niya ito na parang walang nangyari.
At the age of sixteen, Roxanne’s Dad passed away. Dinamdam na mabuti ng Mommy niya ang pagkamatay ng Daddy niya. Naging malungkutin ito at nawalan ng ganang mabuhay. After three months, sumunod na rin ang Mommy niya. Naiwan siya sa pangangalaga ng Auntie Neneth niya, bunsong kapatid ng kanyang Mommy. Mabait ang Auntie ni Roxanne, sinuportahan siya nito sa pag-aaral kahit may sarili na rin itong pamilya.
Nang makatapos si Roxanne sa pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho ay sinikap niyang tumulong sa gastusin ng pag-aaral ng kanyang mga pinsan ngunit hindi ito tinanggap ng kanyang Auntie Neneth at Uncle Robert. Maayos din naman ang takbo ng kanilang negosyo kaya inipon na lang niya ang kanyang sweldo.
Nagkaroon pa siya ng dalawang trabaho bago siya nakapagtrabaho sa law firm ni Drake. May kalayuan ito sa bahay ng Auntie niya kaya nagdesisyon si Roxanne na kumuha ng sariling condo unit na malapit-lapit sa opisina ni Drake. May sapat naman siyang ipon kaya hindi siya nahirapan pagdating sa financial. Ngayon ay magtatatlong taon na siyang nasa law firm ni Drake.
Dahil sa nangyari sa mga magulang ni Roxanne, she became more careful. Ayaw niyang matulad sa Mommy niya kaya mas naging mapili siya sa pagtanggap ng mga manliligaw. Kaya ng makilala niya si Arthur, sinigurado niya na isa itong responsable at may pagpapahalaga sa pamilya. May ilang mga bagay na hindi sila pinagkakasunduan pero positive si Roxanne na magiging maayos din ito oras na ikasal sila.
Napilitan si Roxanne na bumangon nang marinig niya ang kanyang alarm clock. Hudyat iyon na kailangan na niyang mag-prepare for work.
Pinark ni Drake ang kanyang kotse at pinatay ang makina pero hindi siya agad lumabas. Sa halip, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa manibela at tumitig sa windshield ng kanyang kotse. It’s been two weeks since he had seen Pauleen at sandali lang siyang namalagi sa funeral ng kanyang ina. Hindi rin sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap. Nang araw ring ‘yon kinailangan niyang pumunta ng Singapore dahil may importanteng kaso siyang dapat na asikasuhin. Sobrang late na siya nakabalik kagabi at sa tindi ng pagod niya wala na siyang ibang gustong gawin kundi matulog.
Habang nasa Singapore, ilang beses niyang tinawagan si Pauleen and it’s very obvious that there was something wrong with her. Pag tinatanong naman siya ni Drake, Pauleen is diverting their conversation to other topics. Drake convinced himself that maybe she wants to tell it to him personally. Naisip din niya na maaaring may kinalaman ‘yon sa kanyang namayapang ina o trabaho. Noon pa man ay tanggap na ni Drake na mahihirapan siyang mapapayag si Pauleen na magpakasal sa kanya dahil sa trabaho nito oras na mag-propose siya. Isa siyang uprising fashion model. Pero titiyakin niyang magpapakasal na sa kanya si Pauleen.
Ibinulsa ni Drake ang susi ng kotse niya at naglakad na papasok ng mansyon ng mga Diaz. Nang makalabas siya sa private elevator patungo sa penthouse lobby ay sinalubong siya ni Pauleen. Pakiramdam ni Drake ay nagbalik siya sa pagiging teenager on his first date. Pauleen has a white complexion that matches her long black hair and dark eyes. Her slender body revealed her high and full breasts.
She seemed very cool and relaxed, but she kissed Drake passionately. Hinila siya nito sa napakalawak nilang living room.
“You still look very gorgeous inspite of your trip,” sabi ni Pauleen habang kumukuha ng wine.
“Maagap naman ako natutulog when I was in Singapore. Tinamad ako gumimik,” nakangiting paliwanag ni Drake.
“Good to hear that,” mahinang sabi ni Pauleen habang umiinom ng wine.
“What’s bothering you? Tell me, is it something to do with your Mom?”
“No,” matipid na sagot ni Pauleen.
“Trabaho?”
Tumango lang si Pauleen.
“Well, what are you worrying? Pag naging mag-asawa na tayo hindi mo na kailangan magtrabaho.”
“Importante sa akin ang career ko Drake, hindi ko pwedeng basta iwan ‘yon."
This time, si Drake naman ang kumuha ng wine and sipped it. Pilit niyang itinatago ang galit na nararamdaman.
“Bakit ba importante sa ’yo ‘yon ay kayang-kaya ko namang ibigay ang nakasanayan mong buhay? “
“Alam ko naman. Pero hindi ganon kadaling balewalain ‘yong opportunity na binigay sa akin. Syempre, pag kinasal na tayo, kung ano ang mayroon ako ay magiging sa iyo na rin. Just give me five years.”
“Five years? Bakit ganon katagal?”
“I just renewed my contract with Cat Walk.” Ito ang kompanyang magma-manage sa career ni Pauleen.
“And so?” nalilitong tanong ni Drake.
“One of the conditions is to stay single and don’t get pregnant for five years. They promised that I would go to U.S. Eto na ‘yon Drake. This is what I’m waiting for!” paliwanag ni Pauleen.
“Wala akong intention na maghintay ng limang taon para pakasalan ka.” Ibinaba ni Drake ang hawak niyang goblet na halos pabagsak. “Tama na ang ilang taon na pinaghintay ko.”
“Puwede naman tayong magsama, it doesn’t matter kung hindi pa tayo kasal.”
“It matters to me!”
Pauleen looked surprise. “Really? Sa panahong ito?”
“Oo! Look, Pauleen, hindi lang ako basta lawyer-naniniwala ako sa pagsunod sa batas. Maaring hindi na mahalaga sa iba ang kasal, but to me, it is!”
Napuna ni Drake na nagulat si Pauleen sa pagtaas ng boses niya. Pinilit niyang magpakahinahon. “I want a lasting life with you and not just a casual relationship, Pauleen.”
“Hindi naman ito permanente, Drake,” pakiusap ni Pauleen. “Gagawin ko lang ang nakasulat sa kontrata at pagkatapos ng limang taon pwedeng-pwede na tayong magpakasal. Maging reasonable ka naman. Nakakapanghinayang kung basta ko na lang babalewalain ‘yong ganito kagandang opportunity.”
“Hindi ko hahayaang ang kontrata mo ang magdikta ng buhay natin sa loob ng limang taon. Mahal kita at gusto kitang pakasalan, ngayon. Pauleen, I’m already thirty-five at wala akong intention of waiting to become forty bago maging tatay.”
“Bakit ba mas pinapahalagahan mo pa ‘yang values mo? Hindi ba dapat ay ang pagmamahal mo sa akin?”
“Kung may dapat na magtanong tungkol sa pagmamahal, hindi ba dapat ay ako? Come on, Pauleen. Tell me. Gaano kahalaga sa ’yo ang pagmamahal ko? Siguradong hindi kasinghalaga ng career mo, if you are just more than willing to marry me.”
“At kailan ko sinabing ayaw kong magpakasal?” naluluha si Pauleen habang sinasabi ito. “Ang sinasabi ko lang naman ay i-delay muna natin at maghintay ng ilang taon pa.”
“Ayoko ng maghintay pa.” Mabilis siyang lumapit kay Pauleen at hinila palapit sa kanya. Ramdam ni Drake na nag-init ang pakiramdam niya the moment na magkalapat ang kanilang mga katawan. “Hindi ba importante sa iyo na maging asawa ko? Hindi ba obvious na gusto ko ng ipagsigawan sa buong mundo that you’re my wife?”
“Pwede pa rin naman nating gawin ‘yan. I could still be your wife. Pero sana maintindihan mo ako Drake.”
“At ano ang gusto mong mangyari? Gawin akong kept man? ‘Yan ang pinaparamdam mo sa akin!”
“Please don’t talk to me like that, as if you are an old-fashioned man.” Tuluyan nang umiyak si Pauleen at itinulak palayo si Drake. “Ang gusto mong mangyari ay hindi kagustuhan ng isang tunay na lalaking nagmamahal sa akin, kundi ng isang selfish na lalaking hindi makapaghintay ng tamang panahon. I am willing to be with you, hindi pa ba sapat ‘yon?”
“Pinapamukha mo lang sa akin na second place lang ako sa career mo.”
Pinamulahan ng pisngi si Pauleen sa sinabi ni Drake dahilan din para magalit ito. Pero naging mukhang maamong tupa itong muli at napuno ng luha ang mata ni Pauleen.
“Hindi ko akalain na ganyan ang tingin mo sa akin. Na parang pinapalabas mo na hindi kita mahal. Iniisip ko lang naman ang future natin. It will increase our security.”
“Hindi natin kailangan ang career mo para maging secure, sapat na ang sa akin.” Pagkasabi nito ay lumakad na palabas ng pinto si Drake. Hinabol siya ni Pauleen at humarang sa daraanan niya.
“Hindi ka pwedeng umalis. Mahal natin ang isa’t isa, right?”
“No, Pauleen, mahal kita,” pagtatama ni Drake. “Pero mas mahal mo ang career mo.”
“Nagpapakatotoo lang ako!” sagot ni Pauleen. “You’re just being too proud to believe that you are better than anybody else.”
“That’s what I get from wanting a wife and a mother for my kids?” Drake pushed her gently and went his way to the elevator.
“Hihintayin kita!” sigaw ni Pauleen. “Ikaw lang ang lalaking gusto ko and I won’t settle for anybody else!”
Hindi sumagot si Drake pero habang pababa na siya ng ground floor at nang makapasok ng kotse niya ay nag e-echo pa rin sa tainga niya ang mga sinabi ni Pauleen.