bc

Love Rebound

book_age16+
3.2K
FOLLOW
11.6K
READ
love-triangle
contract marriage
dominant
submissive
dare to love and hate
twisted
humorous
lighthearted
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Kasal na lamang ang kulang upang matupad ang pangarap ni Drake Contreras na magkaroon ng masayang pamilya. Natupad ito pero hindi sa piling ng kanyang long-time girlfriend na si Pauleen Diaz, kung ‘di sa kanyang Executive Assistant na si Roxanne Tolentino.

Hindi na tumutol pa si Roxanne kahit batid niya na panakip-butas lamang siya ng lalaki. Maliban sa nabuntis siya nito nang minsang malasing, ay mahal na niya ang lalaki noong una pa lang.

Nagsama sila kahit walang pagmamahalang namayani sa kanilang pagitan.

Nagbalik si Pauleen kung kailan handa na si Drake magsimulang muli. Tinupad nito ang hiling ng huli, ang anak na bubuo ng pangarap nila.

Katotohanang tila punyal na sumugat sa puso ni Roxanne. Magagawa ba niyang panindigan ang pagiging martyr kung gabi-gabi’y iba ang hinahanap ng asawa?

Sino ang pipiliin ni Drake? Ang babaeng iniharap sa dambana dahil sa anak o ang babaeng inanakan dahil sa pagmamahal?

Hanggang saan, hanggang kailan sila dadalhin ng pagsasamang walang simula, walang kasalukuyan at walang hinaharap.

Ang kuwentong susubok sa tunay na halaga ng kasal, pag-ibig at sakripisyo.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Walang emosyong pumasok si Drake sa opisina ng kanyang executive assistant na si Roxanne Tolentino. Nakatayo si Roxanne sa kanyang office chair para maglagay ng bond paper sa printer.  Nang makalapit siya rito ay napasilip siya sa may bintana. Kahit nasa eleventh floor siya ay kitang-kita niya ang mahabang traffic sa kahabaan ng Edsa due to rush hour.  Hindi alintana ni Roxanne ang presensya ng kanyang Boss. Abala siya sa kanyang working area para i-cue ang ipi-print niyang letter na pinapagawa ni Drake. Habang nagpi-print ay tumayo siya at nag-stretching ng bahagya nang biglang magtama ang kanilang mga mata. Hindi maiwasan ni Roxanne na pagmasdan ang boss niyang si Drake. Matangkad ito sa taas na limang talampakan at labing isang pulgada, napakatikas sa suot niyang business suit at dahil mahilig ito sa sports napanatili niyang maganda ang pangangatawan.  Ganoon na lamang ang pamumula  ng pisngi ng magtama muli ang kanilang mga mata.  Naiiling na napapilig ng ulo si Drake. Pasimple niya rin sinipat ang sarili. At tila Adonis na proud na proud sa sariling kakisigan. Pero lately mas napapadalas ang paglalaro niya ng golf at surfing kaya mas naging moreno ang kulay ng kanyang kutis na lalo pang nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. Halatang pagod na ito dahil tatlong hearing ang pinuntahan niya maghapon. Nakatitig siya kay Roxanne na tila wala sa sarili.  "Well, siguro si Pauleen Diaz na naman ang nasa isip ni Drake," isip ni Roxanne.  Si Pauleen Diaz ang babaeng pinakamamahal ni Drake ng ilang taon. Matagal ng may lihim na pagtingin si Roxanne sa binata. Pero dahil alam naman niya na wala siyang panama kay Pauleen at imposibleng magustuhan siya ni Drake, sinagot niya si Arthur Cristobal. Isa itong Senior Accountant sa isang multi-national na kompanya.    Nagkakilala sila ni Arthur dalawang taon na ang nakakaraan sa may LRT Station sa EDSA. Umuulan noon at medyo siksikan sa pag-akyat pa lamang ng sakayan. Hindi namalayan ni Roxanne na may isang magnanakaw na pala ang tinatastas ang bag niya. Nagkataon naman na nasa likuran niya noon ang binata at agad na napigilan ang tangkang pagnanakaw. Laking pasasalamat ni Roxanne. Nagkapalitan ng cellphone number, nagkaligawan, naging sila and the rest is history.    Sa rami ng nakarelasyon ni Drake, siya ang kadalasang nakikipaghiwalay sa mga ito. Pero sa kaso ni Pauleen, nag-iba ang takbo ng istorya, si Drake ang habol ng habol kay Pauleen. Napansin ni Roxanne na bahagyang nakakunot ang noo ni Drake kaya agad niya itong binati. “Good evening, Atty. Is there anything I can do?” malambing na tanong ni Roxanne kay Drake. “What?” tila natauhan ito ng binati ni Roxanne. “Ah . . . yes, actually. Pauleen’s Mom passed away two hours ago due to a car accident.”  “Ho?” gulat na reaksyon ni Roxanne. “You heard me right. Pauleen is alone right now. Her Dad is still on business trip.” “Saan po siya naaksidente?” tanong dito ni Roxanne na tila hindi pa rin makapaniwala.   “Sa Cebu. On her way to their board meeting. I need to accompany Pauleen so could you please book a flight for me to Cebu tonight?” “Of course! Ilang araw po kayo mag-stay roon para makapagpa-reserve na rin po ako sa hotel?”   “No need for that. Babalik din ako mamaya pagkahatid ko kay Pauleen.” “Ah, okay po. Sige po magpapa-book na po ako ngayon.” Lumabas na si Drake at bumalik sa kanyang private office. Hindi niya isinara ang pinto ng office ni Roxanne kaya nakita nito na dali-daling inilagay ni Drake ang mga papel na nasa ibabaw ng table niya sa kanyang briefcase. Bumalik itong muli kay Roxanne na dala na ang kanyang gamit. “I want you to send that letter to our client early in the morning, tomorrow.” Itinuro ni Drake ang pinagawang letter kay Roxanne. “And I promised Pauleen that I would help informing her friends about what happened. Could you do it for me, please?” “Sure, Atty. Just hand me the list of persons to call.” “Sorry I don’t have the list. But you can refer to my address book and call all the people written there.” “Okay, I’ll do it!”   Tumango lang si Drake tanda ng pasasalamat at agad na umalis. Pumunta si Roxanne sa office ni Drake para kunin ang address book at nagsimula ng magtawag. Inabot din nangg mahigit isang oras bago natapos si Roxanne sa pagtawag. Pagkababa ng receiver matapos na matawagan ang huling nasa list sa address book ay hindi naiwasang mapangiti ni Roxanne habang kinukuha ang kanyang bag. May date ito at ang kanyang boyfriend na si Arthur at kung hindi siya magdudumali ay tiyak na male-late na siya. Bago tuluyang bumaba ay dumaan muna si Roxanne sa powder room para mag-freshen up. Dumiretso na siya sa elevator para hintayin si Arthur sa ibaba. Ayaw nitong pinaghihintay siya at siguradong iinit ang ulo nito sa buong gabi na magkasama sila. Naalala pa ni Roxanne one-time na na-late siya sa usapan nila ni Arthur dahil may pinatapos pa sa kanya si Drake. “Nagpapakabayani ka riyan sa boss mo, hindi ba niya naiintindihan na may personal life ka rin? Sana lang naa-appreciate niya ang ginagawa mo.” “Look, I’m sorry dahil na-late ako. Pero hindi ko ‘yon ginagawa para lang ma-appreciate. Ginagawa ko ‘yon dahil parte ‘yon ng trabaho ko,” malumanay na paliwanag nito kay Arthur. Simula noon ay siniguro ni Shaneline na lagi siyang on time pag may date sila ni Arthur. Tiningnan ni Roxanne ang kanyang relo and realized that she’s ten minutes early. Hindi naman nagtagal at nakita na niya ang kotse ni Arthur na nangingintab sa linis tulad ng may-ari nito. Tumigil ito sa harap niya at pinagbuksan ni Arthur ng pinto si Roxanne. “Mukhang ang saya mo ah.” Ngumiti ito kay Roxanne nang makapasok siya. “Kanina ka pa ba naghihintay?” “Mga five minutes pa lang.” “Ah, okay.” Binuhay na muli nito ang makina ng kotse at dumiretso na sila sa Rockwell. “Gusto mo bang kumain muna tayo bago manood?” tanong ni Arthur. Umiling si Roxanne. “Busog pa ako. Later na lang.” “Are you sure?” muli nitong tanong. Tumango lang si Roxanne. “Yup, nagmeryenda naman ako kanina. Baka tumaba ako,” pagbibiro nito. Tiningnan siya ni Arthur mula ulo hanggang paa. “What’s wrong with your figure, Roxanne? Kung mayroon man iyon ay sobrang perpekto ng katawan mo.”   “Sobrang perpekto?” nalilitong tanong ni Roxanne. “Hindi mo ba nakikita? Nakatingin sa iyo ang mga lalaki and I don’t like it,” seryosong sagot ni Arthur.   “Arthur! Don’t tell me nagseselos ka!” “Oo. At kung puwede lang kitang takluban, ginawa ko na.” Hinawakan siya ni Arthur sa siko at nagpatuloy sa paglalakad. Mataas lang ng ilang pulgada si Arthur kay Roxanne at five feet eight inches. Pag kasama niya si Arthur, hindi siya nagsusuot ng high heels dahil halos magkasingtangkad na sila. Bukod sa height, she finds him good-looking. Noong unang magkakilala sila ni Arthur inakala ni Roxanne na isa rin itong lawyer dahil sa get up niya. Later on, she realized na almost the same pala ang usual attire ng isang accountant. “Masaya ako ngayong araw na ito,” sabi Arthur na pinutol ang pagiisip ni Roxanne. “I was commended by my boss about my presentation.” “Talaga! Ibig sabihin ba niyan ay mapo-promote ka na? Hindi ba matagal mo ng iniintay na mapabigay sa ’yo ‘yong vacant position sa France?” “Actually, ini-offer na sa akin kaninang umaga!” “Really?” tumigil sa paglalakad si Roxanne at tumingin kay Arthur. “Bakit ‘di mo agad sinabi sa akin?” “Kaya nga sinasabi ko na ngayon.” “Ibig ko sabihin bakit hindi kanina pa noong magkita tayo?” “Sasabihin ko talaga over dinner pero ayaw mo pa kumain so I decided to tell you now.” Naisip ni Roxanne kung may plano rin kaya itong ayain na siyang magpakasal. Ilang buwan na rin itong pinapangarap ni Roxanne. “My boss wants me to fly immediately,” pagpapatuloy ni Arthur. “Ano’ng ibig mo sabihing immediately?” “Basta matapos lang lahat ng papers ko at visa, in one-week time, I might immediately fly.” “One week? Bakit ganoon kabilis? Wala ka na bang ibang dapat asikasuhin?”  “Wala naman masyado sa office dahil from the same department naman ang papalit sa akin so alam na rin niya ang mga responsibilities.” Nagpatuloy na si Arthur sa paglalakad at sumunod si Roxanne. “Lahat naman almost arranged na,” dagdag pa nito. “Meron na ring interesadong mag-rent sa condo ko at willing siyang bilhin ‘yong mga fixtures as it is.” “Well, ang galing mo naman to quickly arrange all that.” Pilit na binabasa ni Roxanne kung may plano rin ba itong isama siya sa France. Kung mayroon man, siguradong hindi niya kakayanin na tapusin ang mga dapat ihanda in only one-week time. “Hindi ko kayang gawin iyan lahat ng ganoon kabilis,” dagdag pa ni Roxanne. “Babae ka kasi. Lahat na lang ay gusto n’yo dalhin. Kung ako ikaw, malamang kulang ang isang buwan bago ka matapos.”  “Hindi naman siguro, probably several weeks will do. But I can’t see myself transferring to other place in the future,” mahinang sagot ni Roxanne. Nang sabihin ito ni Roxanne si Arthur naman ang tumigil sa paglalakad. Hinawakan niya ang braso ni Roxanne. “Look, napakalaking adjustment ng pag-tranfer ko, Roxanne. I have to get settled first. It’s the same company but it’s a new environment and a new boss. Pero pag-settle na ako roon, I shall want a home and a wife. Naiintindihan mo naman ako hindi ba?” “Hindi masyado. Ano’ng ibig mo sabihin?”  Ngumiti si Arthur. “Mahal kita, Roxanne. I thought I made it obvious.”  “Hindi masyado.” Nginitian din ni Roxanne si Arthur. “Ano pa ba ang dapat kong gawin? Almost everyday na nga tayo magkita. To be honest, hindi ‘yong tipo mo ang pinangarap kong pakasalan pero-” Napansin ni Arthur na nagulat si Roxanne sa sinabi niya. “Ang ibig ko sabihin, simpleng babae lang ang gusto ko. Pero ikaw, Roxanne, sobrang ganda mo. Higit pa sa pinangarap ko.” “Pinasaya mo ako,” mahinang sagot ni Roxanne. Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Roxanne at pinisil ito. “I promise you, basta naka-settle na ako sa France I will arrange for your transfer.” “Ha? Bakit?” “Bakit? S’yempre, para pakasalan ako.” “Gaano ka kasigurado na papayag ako? Hindi mo pa nga ako tinatanong Arthur.” “Oh, Roxanne, I’m sorry nakalimutan ko. Will you please marry me?” “Sobrang oo!” nakangiting sagot ni Roxanne. She was expecting that Arthur would kiss her. Pero niyakap lang siya nito at agad ding inilayo. Then he put an arm around her waist and unexpectedly kissed her lips. Humawak naman si Roxanne sa balikat ni Arthur at tinugon ang halik nito. Humiwalay ng konti ang huli. “Not here, Roxanne, nakatingin na sila sa atin.” Inginuso ni Arthur ang ilang tao sa paligid na nakatingin sa kanila. “I don’t care!” Tumawa si Roxanne. “Hindi naman kasi araw-araw mayrong nagpo-propose sa akin, eh.” Hindi nakapag-concentrate si Roxanne sa panonood ng sine dahil sa proposal ni Arthur. Matagal na niyang hinintay na mag-propose ito pero hindi niya inaasahang ngayon na agad-agad. Ni walang sing-sing. What would it be like to be married to Arthur? Adventurous siya, sobrang seryoso naman ni Arthur. Well at least, naisip ni Roxanne, hindi magiging unfaithful si Arthur sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook