Masama ang loob ni Police Officer Laurenne Manzano nang ilipat siya sa Burglary Pawnshop and Money Remittance Division. Pero laking gulat niya nang sabihin ng guwapong si Detective Maynard Santiago na siya ang magiging partner nito.
Pakiramdam ni Maynard ay naninikip ang kanyang dibdib nang makita ang kanyang bagong partner, lalo na nang lapitan siya nito sa kanyang office table. Hindi siya makapaniwala, imposibleng magustuhan niya ang bago niyang partner na parang pinaglihi sa sama ng loob dahil lagi itong mainit ang ulo. Hindi si Manzano ang tipo niyang babae, pero hindi maikakaila ang atraksyong kanyang nararamdaman sa bagong partner.
Drawn to Maynard like steel to a magnet, pinilit iwaksi ni Laurenne ang kagustuhang tugunin ang mga yakap nito, but hot and dangerous desire made her to go on, and Maynard found her responses tempting.
Naniniwala si Laurenne na walang forever, but could Maynard convince her to be his partner for life even if the latter was already committed to someone?
Si Gabrielle Alexandra B. Opistan o Gabie ay nakahiligan na ang mag-forward ng mga inspirational text messages sa lahat ng mga naka-save sa kanyang phonebook sa umaga, tanghali at gabi. Naniniwala siya na nakagagaan ito sa pakiramdam oras na mabasa nila.
Nagseselos si Engr. Romeo Paderes Jr. sa madalas na pag-text ng diumano ay kaklase sa Masteral ng kanyang girlfriend. Napapansin niya ang kakaibang ngiti nito the moment she received a text message from the sender named Gabrielle. Lingid sa kaalaman ng kanyang girlfriend, sinave niya ang numero nito. Tinext at tinawagan niya ito upang pagbantaan na tigilan na ang kanyang girlfriend.
Laking gulat ni Gabie nang makatanggap siya ng text at tawag mula sa hindi niya kilalang numero. Pinagbantaan nito ang buhay niya kung hindi raw siya titigil sa kate-text sa kanyang girlfriend.
Nagtataka si Gabie kung ano ang kinalaman niya sa girlfriend noong tumawag sa kanya. Pero ang mas tumatak sa kanya ay ang pamilyar nitong boses. Kaboses nito ang kanyang ultimate crush noong college na si Omeng!
Sino ang lalaking ʼyon at ano ang koneksyon ni Gabie sa sinasabi nitong girlfriend? Paano kung totohanin niya ang kanyang banta?
Ang mga halimaw ang salot ng lipunan. At dito sa Pilipinas, naglipana ang mapamuksang halimaw na walang alam gawin kundi puksain ang mga inosenteng mamamayan. Isa si Fianna Gonzales at ang buong pamilya nito sa mga naging biktima ng mga naturang halimaw.
Nais ni Fianna na puksain ang mga halimaw. Ngunit paano niya ito gagawin gayong kulang siya sa sapat na kaalaman at kakayahan?
Nang dumating ang oportunidad na pinakahihintay ni Fianna, hindi na siya nagdalawang-isip, tinanggap niya ito agad - ngunit hindi naging madali ang lahat. Una na dito ang hindi maayos na pakikitingo sa kanya ng lider ng asosasyon na kanyang kinabibilangan. Idagdag pa ang magkakaibang prinsipyo at pag-uugali ng mga miyembro.
Mapuksa kaya nila ang mga halimaw gayong magkakaiba ang kanilang layunin sa pagsali sa asosasyon?
Hanggang kailan nila kayang pakisamahan ang bawat isa sa kabila ng iringan at walang-humpay na pagtatalo?
Tunghayan ang pakikipaglaban ni Fianna Gonzales at ng buong Dark Hunters mula sa mga nilalang ng dilim.
Kasal na lamang ang kulang upang matupad ang pangarap ni Drake Contreras na magkaroon ng masayang pamilya. Natupad ito pero hindi sa piling ng kanyang long-time girlfriend na si Pauleen Diaz, kung ‘di sa kanyang Executive Assistant na si Roxanne Tolentino.
Hindi na tumutol pa si Roxanne kahit batid niya na panakip-butas lamang siya ng lalaki. Maliban sa nabuntis siya nito nang minsang malasing, ay mahal na niya ang lalaki noong una pa lang.
Nagsama sila kahit walang pagmamahalang namayani sa kanilang pagitan.
Nagbalik si Pauleen kung kailan handa na si Drake magsimulang muli. Tinupad nito ang hiling ng huli, ang anak na bubuo ng pangarap nila.
Katotohanang tila punyal na sumugat sa puso ni Roxanne. Magagawa ba niyang panindigan ang pagiging martyr kung gabi-gabi’y iba ang hinahanap ng asawa?
Sino ang pipiliin ni Drake? Ang babaeng iniharap sa dambana dahil sa anak o ang babaeng inanakan dahil sa pagmamahal?
Hanggang saan, hanggang kailan sila dadalhin ng pagsasamang walang simula, walang kasalukuyan at walang hinaharap.
Ang kuwentong susubok sa tunay na halaga ng kasal, pag-ibig at sakripisyo.
Para kay April Joy “Ajhae” Sibullen Llaniguez, isang bangungot ang magising mula sa comatose. Animo’y bumalik siya sa ground zero kung saan wala siyang maalala. At higit ang kaalamang kasal siya kay Jolemuel “Joem” Santiago Ybiernas.
Kung gaano kasaya ang nararamdaman ni Joem sa pagbabalik ni Ajhae, kaakibat naman nito ang takot at pangamba. Dahil siya ang pangunahing rason ng paghihirap nito.
Nakahanda ba silang harapin ang katotohanan sa likod ng aksidente? O hahayaan na lang ni Joem manatiling bilanggo sa nakaraan si Ajhae upang protektahan ang kanilang pagsasama?