bc

Wanted: Partner For Life

book_age18+
1.6K
FOLLOW
5.9K
READ
love-triangle
second chance
arrogant
brave
humorous
enimies to lovers
virgin
colleagues to lovers
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Masama ang loob ni Police Officer Laurenne Manzano nang ilipat siya sa Burglary Pawnshop and Money Remittance Division. Pero laking gulat niya nang sabihin ng guwapong si Detective Maynard Santiago na siya ang magiging partner nito.

Pakiramdam ni Maynard ay naninikip ang kanyang dibdib nang makita ang kanyang bagong partner, lalo na nang lapitan siya nito sa kanyang office table. Hindi siya makapaniwala, imposibleng magustuhan niya ang bago niyang partner na parang pinaglihi sa sama ng loob dahil lagi itong mainit ang ulo. Hindi si Manzano ang tipo niyang babae, pero hindi maikakaila ang atraksyong kanyang nararamdaman sa bagong partner.

Drawn to Maynard like steel to a magnet, pinilit iwaksi ni Laurenne ang kagustuhang tugunin ang mga yakap nito, but hot and dangerous desire made her to go on, and Maynard found her responses tempting.

Naniniwala si Laurenne na walang forever, but could Maynard convince her to be his partner for life even if the latter was already committed to someone?

chap-preview
Free preview
Chapter One
November 27, huling araw ng roll call ng kasalukuyang buwan. May announcement si Sergeant Alvin Villones, ang squad leader ng kanilang shift. “Manzano, starting December 1, you will be transferred to Burglary Pawnshop and Money Remittance Division.” Hindi inaasahan ni Police Officer Laurenne Manzano ang ibinalita ng kanilang squad leader. Hindi ito kagaya ng iba na matalino, father-figure sa iba na marunong mangaral at nagbibigay ng advise during roll call. Masyado itong formal na akala mo ay business manager. Hindi tumatagal ng dalawang minuto ang roll call nila sa presinto. Nang matapos ang roll call, nagsibalikan na sa kani-kanilang pwesto ang mga police officers para simulan ang kanilang trabaho. Nilapitan ni Laurenne ang sarhento sa halip na pumunta sa kanyang working area. “Sergeant Villones, ayokong mapalipat sa Burglary. I want to stay right where I am,” naiinis na sabi ni Laurrene. Nagtaas lang ng balikat si Villones. “Galing sa itaas ang desisyon, Manzano. Kailangan ng Burglary ng additional na tao and you’re the one to go.” “But it doesn’t make sense, Sarge!” Nakakuom ang mga kamay ni Laurenne. “Magaling naman ako sa ginagawa ko ʼdi ba? Alam ko na ang paikot-ikot dito. Kahit tingnan mo pa ang mga buy bust operations ko nitong mga nakaraang buwan.” “Manzano, syempre alam ko naman ang mga arrest records mo,” sagot ni Villones. “Pati na rin ang pagkakahuli mo roon sa isang tinyente, doon sa kapitan at sa isang hepe. At kahit ang hepe natin, alam din kung paano ka magtrabaho at kilala niya ʼyong mga dinampot mo. Pati nga ʼyong mayor sa kabilang bayan hindi lumusot sa ‘yo.” “Dapat lang naman! Naturingan siyang mayor pero siya pa ang nag-o-operate ng prostitution!” malakas ang boses na sagot ni Laurenne. “Nagpanggap pa nga akong naglayas na teenager. Tapos nilapitan niya ako at nag-propose na maging escort niya. Kadiri siya!” “Oo na. Mahihiya ang mga mayors sa’yo. At meron ka pang pinadampot na mga protectors at nagpopondo ng jueteng,” pagpapatuloy ni Villones. “Served them right!” “And of course, andiyan din ang anak ni Senator Romero--” “Bryle Romero,” mabilis na sagot ni Laurenne. “Spoiled brat! Palibhasa mayaman. Dapat narinig mo kung ano ang gusto niyang ipagawa sa akin.” “Sinulat mo ʼyon sa report mo. Tama ka, brat nga siya, pero--” “Pero maimpluwensiya ang kanyang ama,” sabat ni Laurenne. Bumuntong-hininga na lang si Villones habang inaabot kay Laurenne ang papel na hawak. Maliwanag na gusto nang ibahin ni Villones ang kanilang pinag-uusapan. “Eto na ang transfer notice mo sa Burglary.” “Bakit basta na lang nila ako ililipat?” tanong ni Laurenne. “Ililipat nila ako dahil ginawa ko ng tama at maayos ang trabaho ko? That’s so unfair!” “May mga reklamo kasi ng mga entrapments…” simula ni Villones. “Kasinungalingan lahat ʼyon, Sergeant Villones! Basahin mo lahat ng reports ko. Wala kang makikitang entrapment. Habang nagpapanggap ako, nilapitan ako ng mga lalaking ʼyon, they solicited me and voluntarily handed me the money. Malinis ang pagkakahuli namin,” paliwanag ni Laurenne. “But it’s their word against yours,” malungkot na sagot ni Villones. “Kung ni-record mo sana…” Pero hindi siya nag-record. Nagtagis ang mga bagang ni Laurenne dahil sa frustration. Parang David vs. Goliath ang sitwasyon nila, isang baguhang pulis laban sa mga lalaking maraming koneksyon sa iba’t-ibang lugar. Pero sa kasalukuyang panahon, hindi nanalo si David sa laban. Kaya na-transfer si Laurenne sa Burglary. Kumunot ang noo ni Villones. “Hindi ka naman dine-demote ng department, Laurenne. Nililipat ka lang sa isang division na kailangan talaga ng tao. Kung gusto mo, pwede mo naman i-brought up sa union ang concern mo, pero sa totoo lang, walang kasiguraduhan ʼyon. Sa Burglary pa rin ang bagsak mo, pero mas makikilala ka na reklamador at matigas ang ulo. It’s not a good career move.” Nanahimik saglit si Laurenne at muling nagsalita. “Baka naman pwedeng sa bagong taon na lang, Sarge. Gusto kong magpasko dito,” pakiusap ni Laurenne. “Kailangan ka na ng division Laurenne. Wala akong magagawa d’yan,” umiiling na sagot ni Villones.   Walang nagawa si Laurenne kundi ikipit sa kili-kili ang transfer notice at lulugu-lugong bumalik sa kanyang working area. Burglary Division. Hmp!   Sa katapat lang ng kasalukuyang building ni Laurenne ang lokasyon ng Burglary. May kanya-kanyang lamesa ang bawat detectives, malawak ang lobby, at bawat opisina ay may computer kung saan maaring gumawa ng daily report. Nakaupo sa tapat ng computer, hawak ni Detective Maynard Santiago ang isang stick. “Si Santiago ang nakakuha ng pinakamaiksing stick,” nakangiting sabi ng isang detective. “Siya ang maswerteng makaka-partner nung babae galing sa kabilang department.” Nakahinga din ng maluwag ang grupo ng burglary detectives na noon ay nagkakape. Lahat sila ay ayaw magpalit ng bagong partner. At dahil tumatanggi ang mga detectives, nag-propose si Sergeant Kenneth Pascual na magbunutan nang ibinalita niya ang pag-transfer ni Officer Laurenne Manzano. Nilapitan niya si Maynard at ngumiti. “Congrats Maynard!” Nagkibit-balikat si Maynard. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang resulta ng bunutan. “No problem, Sarge.” Pilit siyang ngumiti. “Hindi naman siguro siya mangangagat.” Tumawa ang sarhento. “Hindi naman,” paniniguro nito. “Magaling siyang pulis. Twenty seven pa lang siya pero malaki ang posibilidad na maging detective na siya next year. At pag nangyari ʼyon, isa siya sa pinakabata sa pwersa natin.” Saglit na huminto sa pagsasalita ang sarhento. “ʼYon nga lang, base sa narinig ko, minsan daw ay napapasobra ang galing at walang kinatatakutan kahit mataas na opisyal,” dagdag pa ng sarhento. “I see.” Hindi naman natinag si Maynard sa sinabi ng sarhento. Kung ganon ang ugali ng bago kong partner, who happened to be a woman at mas bata sa akin ng halos anim na taon, I need to adjust. Ako pa ba? Simula nang pumasok si Maynard sa police department sampung taon na ang nakakalipas, ni minsan ay wala siyang tinanggihan na kahit anong assignment o humingi ng pabor at special privilege. Ginampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin kaya naman nakuha niya ang respeto at paggalang mula sa kanyang superiors at mga katrabaho. Nagboboluntaryo siyang pumasok kahit holiday at willing siya na makipagpalit ng day off sa kanyang mga kapwa detectives kung kinakailangan. Isa siyang ulirang pulis base na rin sa feedback ng kanyang mga katrabaho at naging mga hepe. Nabanggit minsan ni Sergeant Pascual kay Maynard na may plano na itong magretiro sa susunod na taon, at alam niya na isa siya sa kinokosidera para sa posisyon. Nakapasa na siya sa exam para maging sarhento at may sapat na siyang bilang ng panunungkulan. Excellent ang performance evaluation niya at mayroon din siyang rekomendasyon para sa promotion. Sarhento ang kasunod na ranggo sa police administrative, plano ni Maynard na tumaas pa ang ranggo para matupad ang kanyang ambisyon -- ang maging hepe ng Police Department. At para matupad ang pangarap niya, kasama don ang magkaroon ng bagong partner na babaeng nagmamagaling. “Okay! Bring it on! Kailangan kong pakisamahan ang bago kong partner sa loob ng isang taon. Twelve months lang naman, hindi naman magtatagal,” pagkumbinsi ni Maynard sa sarili. Nakatingin sa kanya si Sergeant Pascual, natutuwa siya sa bukas-loob na pagtanggap ni Maynard sa bagong partner. Ngumiti si Maynard. “Don’t worry Sarge, we’re going to get along just fine.” Ngumiti din ang sarhento kay Maynard. “Excuse me, ako po si Laurenne Manzano.” Lahat ng nasa loob ng opisina ay napahinto sa ginagawa. Napalingon sila sa maganda at sexing babae na nakatayo sa may pintuan. Walang nakapagsalita agad. Animo ay tumigil ang orasan at nahinto ang tao sa pag galaw. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook