Simula nang makita ni Drake nung gabing halikan at yakapin ni Arthur si Roxanne, parang lumugso ang kanyang mundo. Aaminin niya na nagselos siya at nagalit. He felt that he was betrayed. Dahil dito, nabawasan ang tiwala niya sa sarili. Mahirap ba talaga akong mahalin? Naniniwala si Drake na hindi nakatulong ang muling pagbabalik ni Arthur. Ang muling pag-eksena niya kay Roxanne ang nakakapigil dito na ipakita ang totoong nararamdaman. Bumuntong-hininga si Drake sa kanyang pagkakasandal sa upuan. What a mess things were! At parang sinusubok ang katatagan ni Drake. Sa panahong malungkot siya, bumalik si Pauleen. Naging madalas ang kanilang pagkikita. Hindi niya kayang tanggihan ang dalaga sa tuwing pupuntahan siya sa opisina. Isang haplos lang ni Pauleen sa kahit anong parte ng katawan ni

