Laglag ang panga ko nang nasa harap ko ang isang resort dito sa Batangas. Wait, bakit dito niya ako dinala? Ano naman ang gagawin namin dito? At saka, naka-corporate attire ako tapos sa beach ako dinala ng lalaking ito?! Ito bang home na tinutukoy niya? Hindi tugma ang suot ko sa lugar na ito! My goodness gracious!
"Aldrie?" alanganing tawag ko sa kaniya.
Bumaling siya sa akin na malapad ang ngiti. "Hmm?"
"B-bakit dito mo ako dinala? Look, we're both wearing corporate attire—"
"You don't have to worry about it, my candy." masigla niyang sambit. He caught me off guard, pinulupot ng isang braso niya sa bewang ko kaya mas lalo siya napadikit sa akin. "My home is already inside, they're all waiting for us." at dinampian niya ng maliit na halik ang aking sentido.
"Sino ba kasi ang tinutukoy mo...." mas humina ang boses ko sa huling salita na aking binitawan nang gumalaw na kami papunta na sa loob ng naturang resort. Pansin ko naman na may mga nakahilerang sasakyan dito sa Parking Lot, hindi kasi peak season kaya ganoon. Hindi pa naman summer.
Nakaramdam ako ng pagkamangha nang marating na namin ang loob ng resort. Sinalubong kami ng mga nakahilerang puno at mga halaman. Mukhang eco-friendly ang dating resort na ito. May isang building kung nasaan ang mga kuwarto ng mga guest ng naturang resort na ito. Bibihira lang ang mga tao na nakikita ko. May mga staff at may mga guest din. Nakatikom lang ang aking bibig habang dire-diretso lang kami sa pupuntahan. Sumusunod lang ang katawan ko kung saan man ako dalhin ni Aldrie.
Hanggang sa unti-unti na bumubungad sa akin ang beach. Dama ko na ang hangin na galing sa karagatan. Ang tunog ng alon, may mga tawanan at may mga naglalaro sa dagat. Bigla akong tumigil kaya napatigil din siya sa paglalakad. Bakas man sa mukha niya ang pagtataka ay tila wala akong pakialam. Yumuko ako at hinubad ko ang stilletos ko. Tumayo na ako ng tuwid at ngumiwi sa kaniya. Napapapasukan na kami ng buhangin ang sapatos ko at hindi na ako komportable. Napangiti siya na akala mo ay natuwa siya sa ginawa ko. Walang sabi na inagaw niya mula sa akin ang pares ng aking sapatos.
"Let me handle this for you." masuyo niyang sambit.
"Kahit huwag na...." pagtatanggi ko.
"Nope, ako ang nagdala sa iyo dito. Responsibilidad kita at pagsisilbihan kita, my candy." mas lumapad ang kaniyang ngiti.
Bumuntong-hininga nalang ako, tanda ng pagsuko. Hindi ko na magawang makipagtalo pa. Ipinagpatuloy pa namin ang aming paglalakad hanggang sa unti-unti ko na ang natatanaw ang mga nagkukumpulan na tao sa parte ng resort na ito. Puros mga halos kasing edad ni Aldrie, may mga babae, may mga may edad, may mga bata din na abala sa paglalaro sa buhangin.
"Aldrie ahia!" isang babaeng sumalubong sa amin, chinita, nakatirintas ang buhok, nakafloral na two-piece. May suot siyang sunglasses. Balingkitan ang katawan at maputi! Wait, siya ba si...
"Eilva." tawag ni Aldrie sa babaeng sumalubong sa amin. "Where's mama and baba?"
"Oh!" lumingon siya sa direksyon kung nasaan ang tinutukoy ni Aldrie. "Over there, kasama nila sina tita Inez at tito Vladimir!" bumaling pa siya sa akin. Tumaas ang isang kilay niya. "You're with someone, ahia..." then she grinned.
Ramdam ko na mas yumapos pa si Aldrie sa bewang ko. Mas idinikit pa niya ako sa kaniya. "Yeah, she's Dra. Eliza Cutillion, Eilva. My candy, this is my sister, Eilva Ho, your idol..."
Bigla nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Aldrie! Oh God...
"Idol?" nagtatakang ulit pa ni Eilva.
"She shared she's idolizing you when it comes in fashion. That's all I know for now." dagdag pa ni Aldrie.
Tumawa si Eilva. "Oh, I like you na, Dra. Eliza. By the way, it's great to meet you." ang hindi ko lang inaasahan ay bigla niya akong niyakap. Mas lalo ako nahiya! Kumalas din siya. "Oh well, ihahatid ko kayo kung nasaan sina mama at baba." nauna na siyang naglakad.
Sumunod kaming dalawa sa kaniya. Napukaw ng atensyon ko ang iba pang tao dito sa paligid. Napagtanto ko na puros mga kamag-anakan ni Aldrie ang naririto! Ang iba pa sa kanila ay napatingin sa gawi ko, bakas sa mga mukha nila ang pagtataka dahil kasama ako ni Aldrie kahit wala silang ideya kung sino ako.
"Mama! Baba! Aldrie ahia is already here! And, he's with someone! A pretty one!" biglang sigaw ni Eilva na malapit na kami sa parents ni Aldrie.
"Aldrie! Anak!" isang may edad na babae ang lumapit sa amin. Niyakap ito ni Aldrie at hinalikan sa noo. "Mabuti atnakarating ka dahil sa pangungulit ko." nakangiting sambit niya nang kumalas siya ng yakap.
"Matitiis ko po ba kayo?" natatawang sabi ni Aldrie. Muli na naman niya akong hinawakan sa bewang at mabilis na nakadikit sa kaniya. "Ma, this is Dra. Eliza Cutillion, my date."
Natigilan ang ginang sa narinig. Napangiwi ako. Teka, bakit hindi man lang ako nagreact nang banggitin ni Aldrie na kadate daw niya ako?! "You're dating, Aldrie? Exclusively?"
"Yes, mama." seryosong tugon niya.
"Sutheeeeeeerrrrr! Ikakasal na ang panganay natin!" biglang sigaw ng nanay nina Aldrie at Eilva. "Tawagan mo ang kilala mong judge! Ipakasal na sila, now na!" at bigla niya akong niyakap. "Ang ganda mo naman, iha. Ang galing talaga pumili ng panganay ko. Ay, welcome ka nga pala sa family namin." sunod naman niyang ginawa ay hinawakan niya ang isang kamay ko at hinila niya ako palayo kay Aldrie. Magsasalita pa sana ako pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon! "Hiramin mo muna ang mapapangasawa mo, Aldrie! Magbihis ka na muna at dala ko ang swimwear mo! Magpalit ka na! Mamaya bibili ako para sa asawa mo."
Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na sa sun lounge. Inalokan ako ng maiinom.
"Heto iha, uminom ka muna—Suther! Dalhin mo mga pagkain dito para makakain na ang magiging manugang natin, aba!"
"Yes, my kitty!" sagot ng tatay ni Aldrie.
My kitty?!
"Alam naming mahaba ang byahe ninyo. Magpahinga ka mamaya pagkatapos mong kumain, ha? Tapos, papadalhan ka na namin ng maisusuot mo habang kasama ka namin sa bakasyon." nakangiting pahayag ng nanay ni Aldrie. "Ay, muntikan ko nang makalimutan, Laraya ang pangalan ko. Pero tawagin mo na akong mama at papa naman sa tatay ni Aldrie. Taga saan ka pala, iha?"
"C-Cavite po—"
"Ay! Kababayan pala kita! Ang saya naman! Taga Cavite din ako, taga-Indang. Doktor ka ng ano, iha?" sunod niyang tanong.
"s*x therapist po." direstahan kong sagot.
Natigilan siya sa naging sagot ko. "s*x therapist?" ulit pa niya, wari'y nabuhay ang kuryusidad niya sa naging trabaho ko. "Ano ang ginagawa ninyo sa propesyon na iyon, iha?"
"Uhm... We do counseling intended to help individuals and couples resolved s****l difficulties, to deal with their performance anxiety or relationship problems po, ma'm—"
"Anak, mama na ang itawag mo sa akin, okay?" malumanay niyang pakiusap. "By the way, hindi ko pa narinig na may ganyan palang trabaho. Bihira lang yata ang ganyan dito sa Pilipinas...."
"Sort of po, ma'm—I mean, mama..." Oh my, anong nangyayari?!
"By the way, nakakatuwa naman, ngayon lang may dinalang babae si Aldrie at ipinakilala sa amin. Mukhang seryoso nga sa iyo ang panganay ko." saka humagikhik siya.
**
Sa totoo lang, nawindang ako sa kamag-anakan ni Aldrie. Lalo na ang nanay niya. Hindi ko sukat-akalain na ganoon siya kakalog. Ramdam ko na hindi siya nakikipagplastikan. Nakilala ko din ang iba pang kapatid ni Aldrie, maliban sa bunso nila dahil ang kwento sa akin ni Madame Laraya, nasa isang probinsiya ito at kasalukuyang nagtetraining. Natural lang daw na ipapatapon nila sa malayong lugar ang mga anak nila para matrain. Naadopt na daw nila ang tradisyon na iniwan ng Grande Matriarch, sa totoo lang ay hindi ko siya kilala, basta ang alam ko ay lola sila ng pamilyang ito.
Tulad ng sabi sa akin ni Madame Laraya, binilhan nila ako ng damit pamalit. Nakakahiya man sa kanila, sinabi ko sa kanila na babayaran ko nalang pero tumanggi sila. Huwag na daw dahil regalo na daw nila sa akin iyon. Hindi ko akalain na sobrang bait nila. 'Yung tipong, ngayon lang kami nagkakilala pero ang trato nila sa akin akala mo parte na akong pamilya. Inaasikaso nila ako, isinasali nila ako sa mga recreational activities nila. Inaaya ako ng mga pinsang babae ni Aldrie na lumusong sa dagat, pinagbigyan ko naman sila. Nakikipagkwentuhan sila sa akin, nalaman din nila kung anong trabaho ko at tulad ni Madame Laraya ay nagkucurious din sila kung anong ginagawa ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanila.
Ang sinabi sa akin ni Aldrie, he will give me time to realized everything. At ang napansin ko, sobrang layo ng pamilya na meron siya sa pamilya na meron ako. Kahit kailan, hinding hindi ko naranasan sa nanay ko mismo kung anong klase tratong ibinibigay sa akin ni Madame Laraya na akala mo siya pa ang nanay ko sa lagay ko kanina. Nakausap ko din naman ang tatay ni Aldrie, hindi ko mapigilang hindi siya maikompara sa tatay ko. Nalaman ko sa kanila na sila ang tipong hindi sumusuko kung ano ang gusto nila. Mas nanaig ang pagmamahal ng pamilya kaysa sa kayaman—kaya nilang talikuran ito kung hindi man nila makasama ang taong pinakamamahal at dahilan ng pagiging masaya nila.
Marahas kong nilagok ang beer habang nakaupo ako sa dalampasigan. Nakatuon ang tingin ko kawalan, nagsindi kasi sila ng bon fire na kasama din sa activities nila. Ang mga pinsan ni Aldrie ay abala sa pagjajam, kumanta ang iba sa kanila habang ang pinsan niyang si Nilus ang nagkakaskas ng gitara habang si Alder naman ay tumutugtog ng beatbox. Ang mga magulang naman nila ay bumalik na sa Villa upang magpahinga.
"So, how's my home?"
Tinagilid ko ang aking ulo. Kita ko na tumabi sa akin si Aldrie, tulad ko ay may hawak din siyang beer. Ipinatong niya ang mga braso niya sa magkabilang tuhod niya. "Totoo nga ang sinasabi mo, you have an almost perfect home..." sabi ko at uminom ulit ng beer sa bote. "Kung pupwedeng ganoon na lang din ang pamilya na meron ako."
"What makes you mad anyway?" sunod niyang tanong.
"I hate them, especially my father. He manipulated my life. Gusto niya ay gusto niya, kung anong gusto ko ay ayaw niya. I love doing this, being a professional s*x therapist. Naalala ko ang mukha niya kung papaano ang pagkadisgusto niya sa gusto kong mangyari. Ang nanay ko naman, nagiging tanga na sa tatay ko, kahit mali, sinusunod niya kung anong gusto ng tatay ko." saka mapait akong ngumiti. "Since then, I cannot forgive and must focus on surviving to reach my dreams and goals. There's one question always comes into my mind, is it okay to blame or to not forgive them if they been unfair to you?"
Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "No one is perfect, Eliza." aniya sa pamamagitan ng seryosong tono. "Anger is self destructive. If you keep it within yourself for certain time, the fire of anger will destruct your strength. If you want to be free, go. Forgive and move on."
"Aldrie..."
Ginawaran niya ako ng ngiti. "You know what, nakakagawa din ng mali sina mama at baba. Sometimes, they didn't understand what I really feel. Napapagalitan din ako, nasisigawan, hindi man ako nakatikim ng palo pero tatamaan ka kapag magsasalita ng masakit si mama, pero ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Because I'm ready to forgive and forget. I just can't afford to have a heavy baggage and rage for them. Pinalaki nila akong may takot sa Diyos, may respeto sa pamilya at maging masaya. Mag-enjoy. Mas tinitingnan ko ang good sides nila kaysa sa mga bad sides nila."
Muli ako uminom ng beer. Marahas akong huminga ng malalim. "Dahil iba ang magulang mo sa magulang ko, Aldrie." wika ko at bumaling ulit sa kawalan.
"I know. Hindi ko naman sinasabi na magpatawad ka ngayon o ura-urada. Forgiveness comes from within. It is not something that can be forced. The choice is yours, my candy." tumayo na siya at nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "For now, let's enjoy this one. Let me try to wiped out all negativity in your mind, let's changed it into colorful and memorable one... Until you heal."