Nakaupo lang ako sa buhanginan. Yakap-yakap ko ang mga binti ko habang nakatanaw lang ako sa magpipinsan na masayang naglalaro sa dagat. Si Aldrie ay tinawag ng kaniyang ama para kausapin, wala naman akong ideya kung ano ang pag-uusapan nila. Ang tanging kasama ko ngayon dito sa buhanginan ay ang mga anak ni Ma'm Sarette. Tahimik lang silang naglalaro at ako ang nagprisintang magbantay sa kanila. Nakakatuwa lang ang mga batang ito dahil hindi sila makukulit na tulad ng inaasahan ko. May mga katanungan lang siya pero nagagawa ko ding sagutin 'yon. Tita na ang tawag nila sa akin. Narinig ko kasi mula kay Ma'm Sarette na 'yon ang itawag sa akin, dahil sa masunurin ang mga anak niya, 'yon na ang tawag ng mga ito sa akin.
"Tita Eliza," rinig kong tawag sa akin ni Geneva.
Tinanggal ko ang tingin ko sa karagatan. Bumaling ako kay Geneva na nakatingala ngayon sa akin. Nakanguso siya na dahilan upang ako'y magtaka. Nilapitan ko siya. "Yes, Geneva? May problema ba?" malumanay kong tanong sa kaniya.
Tumayo siya't dumapo ang kaniyang mga palad sa kaniyang tyan. "I'm hungry na po... Pwede po ba tayo kumain kahit wala pa pong lunch...?" magalang niyang tanong sa akin.
Umawang ang aking bibig. Bumaling ako sa kinaroroonan ni Miss Sarette na ngayon ay karga ang kanilang baby, katabi niya ang kaniyang ina na si Madame Pasha na mukhang masayang nag-uusap. Binawi ko din ang aking tingin. Lumuhod ako sa harap ni Geneva para maging kalebel ko siya. Hinawi ko ang kaniyang takas na buhok. "Tanungin muna natin ang mama mo, ha? Para alam natin kung pupwede na. Ayos lang ba sa iyo 'yon?"
Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti saka tumango. Humawak siya sa kamay ko. Bago man kami umalis ay sumundo pala sa amin ang kakambal niya. Nakikipagkulitan ang mga ito sa amin hanggang sa marating na namin ang kanilang ina. Dahil sa ingay ng kambal ay napukaw namin ang kanilang atensyon kahit sa malayo palang.
"Oh, Dra. Cutillion. There's any problem?" nagtatakang tanong sa akin ni Ma'm Sarette nang salubungin niya kami.
"Gutom na daw po kasi si Geneva..." pahayag ko sabay tingin sa bata.
"I see." lumapad ang ngiti niya. Binalingan niya ang kaniyang anak. "Ako na ang bahala sa kanila. You can stroll somewhere, Dra.—"
"Eliza nalang po, Ma'm Sarette..."
"Sarette nalang din ang itawag mo sa akin, Eliza." bumingisngis siya. "Hindi naman ako nagpapatawag ng pormal. Hindi rin naman kita empleyado. Magiging in law na din naman kita... So, Sarette nalang."
Ngumiti na din ako't yumuko dahil sa hiya. "O-okay po, Sarette."
"Thank you for taking care of my kids. Sandali, nasaan pala si Aldrie?" pagbaling niya ng ibang topic.
"Kausap siya ngayon ng papa niya." sagot ko.
Bago siya nagsalita ulit ay luminga siya-linga siya paligid. "Oh! Verity! Vesna!" tawag niya sa mga nakakabatang pinsan. Sinundan ko 'yon ng tingin. Lumapit ang dalawa sa amin. "Samahan ninyo naman itong si Eliza. Wala si Aldrie ngayon, kausap daw ni tito Suther. Okay lang naman siguro?"
"Oo naman, atsi. Walang problema sa amin. Susunod na din naman sa amin si Eilva sa amin." si Verity ang sumgot. Tumingin siya sa akin na malapad ang ngiti. "Let's go?"
"N-naku, ayos lang naman ako—" hindi ko na madugtungan pa ang sasabihin ko nang bigla akong itinulak-tulak ng dalawa.
"Kami lang 'to, huwag ka nang mahiya." natatawang saad ni Vesna sa akin. "Kailangan magenjoy ka. Kami ang bahala sa iyo habang wala si Aldrie."
At tuluyan na nga akong natangay ng dalawang pinsan na babae ni Aldrie! Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakalusong na sa dagat. Winelcome ako ng iba pang pinsan niya. Ipinakilala ako sa mga ito. Kahit ang dami nila ay pili lang ang natatandaan ko. Bahala na siguro, marerecall ko din naman ito sa oras na tawagin ang mga pangalan nila mamaya.
"Nasaan ba si Aldrie? Dapat hindi niya iniiwan ang girlfriend niya dito." wika ng isa sa mga pinsan nila, sa pagtatanda ko ay siya ang tinatawag na kuya Rowan nila. My goodness, ang dami nila! Goodluck na talaga sa akin kung matatandaan ko talaga ang mga pangalan nila!
"Oo nga pala, Eliza. Huwag na huwag kang mawawala mamaya, ha?" biglang sabad ni Verity sa akin. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Bridal shower mamaya ni atsi Nell." sabay turo niya sa tinutukoy niyang atsi Nell. Nakahiga ito sa sun lounger ng resort na ito. Mukhang nagsa-sunbathing.
"Yeah, right. Ikakasal na nga siya." dagdag pa ni Maisie nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin. "Kahit wala dito ang groom to be niya."
Pakurap-kurap akong tumingin sa kanila. "Kahit wala ang groom?" ulit ko pa.
Nagbuntong-hininga si Maisie. "Masyadong workaholic si ate Nell. Minsan napapansin na nga namin na handa na ang isang 'yan maging old maid. Kaya tinatawanan nga siya ni Aaron dahil ang isang 'yon, hindi naniniwala sa forever. Bitter kasi."
"Ang kasal niya ang magiging susi para mas lumago pa ang kaniyang negosyo na resto." segunda pa ni Vesna. Ngumuso siyang tumingin sa direksyon ng pinsan nila na si ate Nell. "Wala naman nangpepressure sa kaniya na maging successful sa negosyo. Actually, supportive lang kaming angkan sa kung anuman ang gugustuhin niya, kahit na sabihin naming adopted siya pati si Maisie. Pero, nakakatuwa lang sina tito Archie at tita Jay dahil inari nila ang magkapatid na akala mo, tunay nilang anak."
Bumaling din ako sa direksyon ni ate Nell. Sumagi sa isipan ko na maswerte siya. Dahil nakatagpo siya ng pamilya o angkan na handang tanggapin siya, kahit ang nakakabata niyang kapatid na si Maisie. Ibinigay ng foster parents nila kung ano ang pangangailangan nila. Samantalang ako, naturingan nga akong tunay na anak pero ni isang beses ay wala akong karanasan ni isang pursyento na suporta mula sa magulang ko.
Napagpasyahan kong umalis muna sa dagat. Pinili kong lapitan si Nell. Hindi lang ako sigurado kung nakatulog ba siya sa sun lounger o hindi, dahil nakasuot siya ng itim na sunglasses. Minsan nagtataka ako kung bakit hindi siya naging model tulad ng iba pa niyang pinsan, maganda naman siya at maganda ang kurba ng katawan. Pero mukhang mas gusto niya ang tahimik na mundo at iyon ay maging negosyante.
Tahimik akong umupo sa bakanteng sun lounger.
"Oh, ayaw mo nang magbabad sa dagat?"
Halos matalon ako sa gulat sa nagsalita na nasa tabi ko. Kita ko kung papaano niya tinagilid ang kaniyang ulo para tingnan ako. Umawang lang aking bibig habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko magawang magsalita. Umiba siya ng posisyon at bumangon. Humarap siya sa akin. Itinaas niya ang isa niyang kamay na akala mo ay may tinawag siya. May lumapit na waiter, may dala siyang tray. Marahan niyang ipinatong ang isang baso ng blue iced tea sa tabi ko. Nagpasalamat ako bago ito umalis.
"Mukhang napagod sa kanila." nakangiting sabi ni Nell sa akin. Kinuha niya ang apple juice na nasa tabi niya. Pinaglaruan niya ang straw bago niya iyon sinipsip.
Ginawaran ko siya ng ngiti. "Hindi naman. Nacurious lang ako sa sinabi nila sa akin tungkol sa iyo..." sagot ko.
Wari'y natigilan sa sinabi ko. Kita ko ang pagtalikwas ng isang kilay niya. Marahan niyang ipinatong ang baso ng juice sa kaniyang tabi. "What did they tell to you about me?" kahit na nakangiti siya sa akin ay may bahid na kaseryosohan sa kaniyang boses.
Ipinagdikit ko ang mga kamay ko. "Ang sabi nila sa akin, bridal party mo na daw mamaya... kahit hindi ka naman daw seryoso na magpapakasal ka sa groom mo..."
"And?"
"Nag-aalala sila sa iyo dahil masyado ka daw workaholic. Wala naman daw nampepressure sa iyo..."
Inilapat niya ang kaniyang mga labi. Bumaling sa karagatan kung nasaan ang mga pinsan at mga kapatid niya. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "As expected, they know my plan. And yes, I'm not very serious for this wedding." humalukipkip siya. "I don't think if they are aware in my competitive side. Gusto ko lang kasing may mapatunayan ako sa angkan na ito. Me and my sister were in foster care. I still remember my father was very abusive to and my sister, especially to my mother. Sila baba Archie at mama Jay ang nagligtas sa amin ng mga panahon na 'yon. Iniligtas nila kami na akala ko habang buhay lang kami mabubuhay sa bangungot na 'yon. Kaya ginagawa ko din ang lahat para masuklian ko ang kabaitan na ipinakita nila sa amin. Ayoko kasing... Kahit na adaopted ako, wala akong ginagawa."
"Pero mukhang hindi naman nila 'yon kailangan." sabi ko pa. "I mean... They want you to be happy. To find your own happiness, sa tingin ko, 'yon ang gusto nila..."
Mapait siyang ngumiti. Yumuko siya. "Alam ko naman 'yon. Pero, ayokong umasa sa pera nila. Kahit ganoon, sobrang nagpapasalamat ako dahil sa kanila kami napunta. Kung hindi, hindi namin nalam kung saan kami pupuluting magkapatid. Me and my sister never felt unloved or that we didn't belong to this family." bumaling siya sa akin. "If I die and give me another chance to born again, I want Papa Archie and Mama Jay will be my parents. For real."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Nang marinig ko sa kaniya ang mga salita na 'yon, tila may humaplos sa aking puso. Nakakatuwa at napaswerte nina Nell at Maisie dahil napunta sila sa mga Hochengco. Kahit hindi sila ang tunay na anak, hindi man nila ito kadugo, nagawa silang palakihin magkapatid na walang pagkukulang. Samantalang ako, naturingan na nga akong anak lahat-lahat, ni minsan ay hindi ako nalasap ang ganoong pagmamahal na ibinibigay nina Mr. Archie at Mrs. Jaycelle Ho kina Nell at Maisie.
"By the way, pinapasabi pala sa akin ni Aldrie kanina, before 3 PM, you should meet him in the entrace. Iyon lang naman."
"Pero... Papaano ang bridal shower mo?"
Marahan siyang tumawa. "Don't mind my bridal shower, Eliza. Ang importante sa ngayon ay kayong dalawa ni Aldrie. Have fun with him."
**
Inilapat ko ang mga labi ko nang tagumpay akong nakababa ng hagdan. Now I'm wearing a polka dots dress na ipinahiram pa sa akin nina Eilva. Sina Verity at Vesna naman ang nag-ayos sa akin. Wala akong ideya kung bakit parang binonggahan nila ang gabi na ito. Simpleng gala lang naman ang mangyayari mamaya, tulad ng sinabi sa akin ni Nell kanina.
Pero tumambad sa akin si Aldrie na nakasandal sa kaniyang sasakyan, nakahalukipkip siya't animo'y may hinihintay siya sa mga oras na ito. Nang umangat ang kaniyang mga tingin ay nagtama ang aming tingin. Sumilay ang mga ngiti sa kaniyang mga labi. But damn, bakit parang kinakapos na naman ako ng hininga sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na 'to? Bakit mas bumibilis ang t***k ng puso ko?
Humakbang siya palapit sa akin. Nilahad niya ang isa niyang palad sa akin. Hindi ako nag-atubiling tanggapin 'yon.Hindi matanggal ang tingin namin sa isa't isa.
"Good evening..." nahihiya kong bati.
"Mas gumanda ang gabi ko, my candy." he murmured. Marahan niya akong inilapit sa kaniya. "How's your day?"
"Nag-enjoy akong kausapin ang mga pinsan mo..."
"That's great. So, it's my time."
Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Masosolo naman kita ngayon. Ako na muna ang oras namin." hinawi niya ang takas kong buhok. "Your beauty is incomparable, as always, my candy."
Heto na naman ako, hindi na naman makahinga sa mga pinagsasabi niya! Umiwas agad ako ng tingin. Hindi pa kami nakakaalis pero nag-iinit na ang magkabilang pisngi ko! "S-saan pala tayo pupunta...?"
"To a perfect place. Is that okay?"
Tumango ako, hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. "Anywhere with you is a great place for me." tugon ko.
Bigla niya akong dinampian ng halik sa aking noo. "And I will keep doing this until I got a gray hair, my candy."