7

2121 Words
"Aldrie, saan ba kasi tayo pupunta?" hindi ko na matandaan kung pang-ilang tanong ko na 'yon. Hindi naman kasi niya sinasagot ang tanong ko. Kahit na patloy namin sinusuyod ang kakahuyan ay mas humigpit ang pagkahawak ko sa kaniya. Medyo nakakaloka lang daw pormal ang mga suot namin tapos dito lang pala kami pupunta. Hindi naman kasi nag-eexpect ako, ang akin lang ay hindi bagay ang suot namin sa lugar na pupuntahan namin. Lalo na't hindi maayos ang paglalakad namin dahil paahon ang dinadaanan namin. "Malapit na tayo." iyan lang ang tanging naisagot niya sa akin. Patuloy pa rin niya ako inaalalayan sa paglalakad. Lumipat sa harap ang tingin ko sa harap. At saka napapansin ko ding mukhang kabisado na ni Aldrie ang daan kaya naman kampante ako. Bahagyang umawang ang aking bibig nang may natatanaw akong ilaw. May mga LED lights na nakapalibot sa mga puno, para bang sinasabi nito na tama nga ang daan na nilalakaran namin. Hanggang sa tumigil kami. Bumungad sa amin ang isang malawak na tent namay mga nakasabit na mga ilaw. Ang romantic lang sa paningin. "And here we are." anunsyo ng kasama ko. Tumingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. Malapad ang kaniyang ngiti, para bang alam na niya kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makita ko ang sopresa niyang ito "Aldrie..." tanging pangalan lang niya ang masasambit ko. "Yes, my candy?" Bago ako nagsalita ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Ang ganda din ng location, nasa bangin kami pero matatanaw ang city lights sa hindi kalayuan kaya ang gandang pagmasdan. Napatingala ako sa kalangitan. And suprisingly, ang daming mga bituin sa itim na kalangitan na mas natutuwa ako. Ibinalik ko ang aking tingin kay Aldrie, inaabangan niya ang magiging kumento ko. Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Ang ganda..." mahina kong sabi. "And thanks to Tonya. She told me about your ideal date, actually." pag-amin niya. Imbis na magalit o magtampo sa aking nalaman at napayuko ako saka natawa nalang. Hindi sumagi sa isipan ko na mababanggit ni Tonya kay Aldrie ang mga bagay na ito. Ngayon ay nakukuha ko na, dahil sa abala ako sa ginagawa kong pag-iwas noon sa kaniya dahil sa protocol ko bilang s*x Therapist ay kay Tonya siya kumuha ng ideya at paraan para tuluyan siyang makalapit sa akin. "Ang mabuti pa, kumain na tayo." malambing niyang aya sa akin. Marahan niya akong hinatak patungo sa tent. Bago man kami pumasok ay bigla siyang lumuhod sa harap ko. Inalalayan niya akong maghubad ng sapatos hanggang sa nakapasok na kami sa loob. May mga malalaking unan at comforter dito. Ibig sabihin, dito kami matutulog mamaya? Tumingin ako kay Aldrie nang may hawak siyang manipis na kahon. Binuksan niya 'yon. Tumambad sa amin ang isang pizza. Kinuha din niya ang isang bote ng alak at mga wine glass. Sabay kami kinain ang pizza na'yon para sa dinner. Teka, bgila may naalala ako sa pizza... Damn you, Eliza. Ano na naman ba itong pinag-iisip mo? "Aldrie?" Bumaling siya sa akin. "Yes, my candy?" Ngumuso ako. "Bakit nga pala tayo naka-formal attire kung magka-camping pala tayo?" "Because I want this date will be more special." turan niya. Tumango-tango ako na parang naikukuha ko ang ibig niyang sabihin. Patuloy ko kinain ang pizza. Tahimik ang paligid. Maliban nalang sa mga puno na nakikipagsabayan sa hipan ng hangin, mga tunog mula sa mga insekto sa paligid. Pakiramdam ko, naging panatag ang kalooban ko. This is why I love nature. Nakakatulong sila para matakasan ko ang reyalidad ng buhay kahit pansamantala lang. Napapakalma nila ang sistema ko, nakalimutan ko ang bigat at pasakit na ibinibigay sa akin ng pamilya ko. "So... How do you feel?" bigla niyang tanong habang nanguya siya. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Niyakap ko ang mga binti ko kahit patuloy ako sa aking pagkain. "Much better. Lalo na noong nakilala ko ang angkan mo." tugon ko. Tumango siya. "I see. At least, nakapagrelax ka." he said. Tumabi siya sa akin bigla. "Nakausap ko din si ate Nell kanina. Ngayon na pala ang bridal shower niya. Sayang lang, hindi tayo nakapunta doon." dagdag ko pa. "Inimbitahan pa naman ako ng mga pinsan mo." "Saka nalang tayo pupunta kapag tuluyan na siyang mahulog sa groom to be niya." Tama siya, nasabi din sa akin nina Vesna na hindi naman seryoso ang kasal ni ate Nell sa magiging groom to be niya. Nalaman ko sa kanila kung bakit papakasalan niya ang sinasabing groom to be niya. Para lang daw mapalago ang negosyo nito. Sa makatuwid, gagamitin niya ito. Pero sana nga, mahulog siya sa lalaking 'yon para naman mahanap na din niya ang kaligayahan niya. Sa gayon naman ay hindi siya mag-iisa hanggang sa pagtanda niya. Bigla nalang din sumagi sa isipan ko kung naranasan na din ba ni Aldrie na magmahal. I mean, bago ba niya ako nakilala, nagkaroon na ba siya ng karelasyon noon? Iniisip ko din kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng erectile dysfunction. Base din kasi sa record niya, wala naman siyang medication o anupaman. Tumingin ako sa kaniya. "Aldrie," lakas-loob kong tawag sa kaniya. Bumaling siya sa akin. "May naging girlfriend ka na ba?" diretsahan kong tanong. Medyo nagulat siya sa naging tanong ko. Nanatili siyang nakatitig ng ilang segundo bago man niya sagutin ang tanong ko. "Meron na, pero matagal na kaming wala." sagot niya. Inilapat ko ang mga labi ko. Hindi naman ako nasaktan o anuman. Actually, I'm secretly doing a diagnostic criteria for his s****l disorder. Ipinagpatuloy ko ito. "What happend? Bakit hindi kayo naging sa huli?" sunod kong tanong. "I'm willing to listen. I want to know more about you." marahan na tono ang ginamit ko. Nag-indian sit siya. "Because she cheated." then he wince. "Automatically, I want a break up but she refused. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit nagawa ko pa siyang pagbigyan. Ilang pagkakataon na ang nasayang niya. Especially, she threatened me to kill herself if I leave her alone so many times. Wala pang dalawang linggo, may lalaki na naman siya. Nahuli ko siya sa akto, sa kuwarto niya nang bumisita ako. I let her family know what's happening. Sila mismo ang nagsorry sa akin na imbis ay siya dahil siya mismo ang may kasalanan sa akin." kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Simula noon, hindi na mawala sa isipan ko ang eksenang nakita ko. Ang hirap tanggalin." Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Sa loob-loob ko, parang sinaksak ng matalim na punyal ang puso ko. Nasasaktan ako sa nalaman ko. Hindi ko aakalain na ganoon pala ang sinapit niya sa dati niyang karelasyon. Tinanggal ko ang tingin ko sa kaniya. I slowly released a sighs. Kahit ako, nagtataka kung bakit nagawa niyang maging martir sa babaeng 'yon. "Saan ka humuhugot ng lakas ng loob para harapin mo ang mga ito, Aldrie?" hindi ko mapigilang sambitin ang mga katagang 'yon. Nagkatinginan kaming dalawa. "Bakit sumugal ka pa rin kahit alam mong malulugi ka na?" "That's what they called love." he answered. "Every situation and decision is up to me. Kung magtatanim ako ng galit, pakiramdam ko, walang mangyayari. It is ultimately not healthy. Mas pipiliin ko ang tama. But I've already told you, I am easily forgive someone who hurted me. That's mama and baba taught us."" Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi ko. Kung katulad ko lang si Aldrie, siguro madali para sa akin na patawarin at makalimutan kung ano ang ginawa sa akin ng pamilya ko. Hindi ko namalayan na may pumatak na luha mula sa aking mga mata. Napasinghap ako saka tumingala. Pinunasan ko ang mga 'yon. Damn it, si Aldrie ang nagkukwento ng nakaraan niya pero baki ako ang nasasaktan? Bakit naging kabaliktaran ang nangyari?! "My candy, are you alright?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumingin ako sa kaniya saka hilaw akong ngumiti. "Sana may ganyan din akong lakas ng loob, Aldrie." kumento ko pa, patuloy ko parin pinunasan ang aking mga luha. Nang mahimasmasan ay nagbuntong-hininga ako. Muli akong tumingin sa kaniya. "Can you come with me?" Napalitan ng pagtataka sa kaniyang mukha. "I need you to be my strength, Aldrie. I need you as I'm facing them." ** Nagtatalo ang katawan at ang isipan ko. Kung papasok ba ako o hindi. Kahit naririto pa kami sa loob ng kotse ni Aldrie ay rinig ko ang jazz music mula sa loob ng malaking bahay. Hinahayaan lang ako ni Aldrie ay mag-ipon ng lakas ng loob bago man ako makapagpasya. Inilapat ko ang mga labi ko saka inaya ko na ang kasama ko na pumasok na sa loob. Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya. Nang nakalabas na kami sa sasakyan ay nakakapit ako sa braso ni Aldrie habang papasok na kami sa malaking bahay. Tulad ng inaasahan ko ay ginapangan ako ng kaba sa aking sistema. Napupukaw pa namin ang atensyon ng ibang bisita. Ito ang isa sa mga pinakaayaw ko, nakaramdam ako na hindi na ako komportable sa mga mata nakatingin sa aming direksyon. Pinipilit ko pa rin balewalain ang mga iyon. Sige pa rin ang paglalakad namin. "Eliza?" Tumigil kami sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Tinagilid ko ang aking ulo. Umawang ang aking bibig nang makita ko si Manang Luz. May hawak siyang tray. Pareho kaming nagpalitan na hindi makapaniwalang tingin. Siya kasi ang naging yaya ko noon. Umukit ang kasiyahan sa aking mukha. Napabitaw ako mula sa pagkahawak ko kay Aldrie upang daluhan ko si Manang Luz. Dahil sa kasiyahan ay nagawa ko siyang yakapin. "Naku, anak naman. Amoy-pawis na ako. Nakakahiya." natatawang saway niya sa akin. "Namiss kita, yaya!" para akong bata sa lagay na ito. Kumalas ako ng yakap mula sa kaniya. "Kamusta ka na po?" sinuri ko siya. "Bakit parang nangangayayat ka? Kumakain ka pa ba? Huwag mo naman pagudin ang sarili mo. Magpahinga ka naman." "Naninibago ka lang, anak. Alam mo namang abnormal ang pangangatawan ko. Minsan nangangayayat, minsan nanaba. Ikaw talaga." Ngumiti ako. Hindi ako makapaniwala na nakabalik ako sa bahay na ito na minsan ay itinuring ko ding Impyerno at bangungot sa buhay ko. Pero isa si Manang Luz ang dahilan kung bakit nanatili ako. Dahil sa kaniya ay pakiramdam ko din ay may kasangga ako sa buhay. Siya ang naging sandigan ko sa mga panahon na nasasaktan ako. Bumaling ako kay Aldrie. Hinila ko siya para maipakilala ko siya sa itinuring kong nanay. "Manang, si Aldrie po pala. Kasama ko po." nakangiting saad ko. Napanganga si Manang nang iniharap ko siya sa kasama ko. "Aba! Ang guwapo naman niya, Eliza. Sigurado ka bang kasama mo lang siya? Hindi mo ba siya boyfriend?" "Manliligaw palang po." nakangiting sabat ni Aldrie. Napatutop ng bibig si Manang sa naging sagot ni Aldrie. Sa mukha palang niya, hindi na niya mapigilang kiligin. Kulang nalang ay magtatalon-talon na siya sa tuwa. "Liz?" Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Halos manigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin ang mga magulang ko. Si mama ay parang maiiyak na siya sa galak, kulang nalang ay sugurin niya ako't mayakap pero ang aking ama naman ay malamig na tingin ang iginawad niya sa akin. Humakbang pa sila palapit sa akin. This is the time, Eliza. Nakaharap mo na sila. Huwag mong sabihing aatras ka? "Anak..." pagsusumaong tawag sa akin ni mama. Lakas-loob akong tumingin sa kanila. "Hindi rin po ako magtatagal..." sabi ko. "Who is he, Liz?" malambing na tanong ni mama. Sabay silang napatingin sa katabi ko. Agad nilahad ni Aldrie ang kaniyang palad sa magulang ko. "I'm Aldrie Hochengco. It's nice to meet you, Mr. And Mrs. Cutillion..." "Hochengco?" ulit ng aking ama, kumunot ang noo. Pinaningkitan niya ng tingin si Aldrie. "Kamag-anakan mo ba si Damien Hochengco?" "Yes, sir. Tatay po siya ng tito ko. Si Suther Hochengco naman po ang ama ko." paglilinaw niya pa. Tinanggap ng aking ama ang palad ni Aldrie. Bumaling siya sa akin. "For your entire life, this is the first time you made a right choice, Eliza." malamig niyang saad. Bumitaw siya kay Aldrie saka humarap sa akin. "Kaysa sa nagkukulong ka sa walang kwenta mong propsesyon. s*x therapist? Ha!" tumawa siya na may halong panunuya. Pinili kong manahimik. Yumuko ako. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko kasabay na pinipiga ang puso ko sa aking narinig. s**t, Eliza. Don't cry. Huwag na huwag. Baka aakalain nilang mahina ka. "Mahiya ka't isang Hochengco ang kasama mo." dagdag pa niya. "Excuse me, sir. But there's nothing wrong with her profession." muling nagsalita si Aldrie. Gulat akong tumingin sa kaniya. "It's her choice and support her no matter what happens." "A-Aldrie..." "Kaya rin po kami narito para hingin ko ang kamay ng anak ninyo." "W-what...?" pareho silang nagulat, kahit naman ako. "Huwag kayong mag-alala, padating na ang pamilya ko para makausap kayo. On the spot po kami mamanhikan sa inyo." Ano?! "Aldrie... Teka..." "Kukunin ko na po si Eliza sa inyo at ako ang magpupunan ng kasiyahan at kalayaan na matagal na niyang gustong makamit na hindi niya natanggap mula sa inyo." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD