8

1973 Words
Nanumbalik ang ulirat ko, kusang gumalaw ang dalawang kamay ko. Walang sabi na hinatak ko si Aldrie palayo sa mga magulang ko. Lumingon ako para tingnan ang distansya mula sa kanila kung sapat na. Pero hindi makatakas sa aking paningin na kunot-noo kami tiningnan ng aking ama, si mama naman ay napasapo sa aking bibig dahil sa pagkagulat. Narinig ko ang pagrereklamo ni Aldrie kung kaya napukaw niya ang aking atensyon. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Hinila ko pa ang isang mangas ng kaniyang polo. Ngumiwi ako. "Anong pinagsasabi mo sa mga magulang ko, ha?" mariin at frustrated kong tanong sa kaniya. "Why? I'm just stating the fact." aniya. Balak pa sana niyang lumingon sa mga magulang ko pero pinigilan ko pa siya. Bakas sa mukha niya na wala siyang magawa kaya napayuko siya ulit. Marahas akong huminga ng malalim. "Pero... Joke lang naman na pupunta ang pamilya mo dito, hindi ba? 'Yung mamanhikan thingy?" Ngumisi siya. "Kung hindi ako seryoso, dudugtungan ko ng joke 'yon. Pero seryoso ako sa sinasabi ko." pagpapaliwanag niya. "Kahit—" hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko nang may naririnig kaming usap-usapan na nasa gilid namin. Pareho kaming napatingin ni Aldrie sa direksyon na 'yon. Laglag ang panga ko nang makita ko ang iilang magkaanak na Hochengco na nakapasok dito. Namilog pa ang mga mata ko nang makita ko si Madame Laraya, ang asawa niya na si Mr. Suther Ho pati ang mga kapatid at mga pinsan ni Aldrie! All of them are wearing elegant and classic clothes. Ramdam ko sa kanila ang pagiging dominante nila, 'yung tipong hinding hindi mo sila magagalaw sa estado nila. 'Yung pakiramdam mong manliliit ka nalang sa sarili mo at ayaw mong lumapit sa kanila. Bumilis ang t***k ng aking puso nang makita ko sila. Wait, guni-guni ko lang siguro ito. Hindi ito totoo, hindi ba? Talagang totoo nga ang sinasabi ni Aldrie kanina sa mga magulang ko. Sumunod nga sila dito. Teka, okay lang ba na pumasok sila dito? O gate crashers sila or something? Jusme, ginapangan na ako ng kaba ngayon. Tumigil sila sa paglalakad nang nasa harap na sila ng mga magulang ko. Kitang kita ko kung papaano matamis ngumiti sa kanila si Madame Laraya habang nakikipagtagisan siya ng titig sa aking ama. Bakit ganoon? Ang layo ng vibes na naramdaman ko noong nasa Beach kami kaysa ngayon? Ibang-iba talaga sila. Hindi ko tuloy mahulaan kung ano ang sunod nilang gagawin. "Good evening, Senator Cutillion. Mrs. Cutillion..." malumanay na bati ni Madame Laraya sa kanila. Mabilis nilapitan ni Aldrie ang mga ito. "Mama, baba." tawag ni Aldrie sa mga magulang niya. "Aldrie," tawag ni Madame Laraya. "Are you sure about this? Narito na kami, alam mo ang ibig kong sabihin." "Yes, mama." Tumango laman si Madame. Muli niyang binalingan ang mga magulang ko. "I'm sorry for the interrupting the birthday party. We got a call from my eldest son, Aldrie. He told us to go here. Kung hindi ninyo naman mamasamain, ayos lang naman siguro kung makilala namin ang pamilya ng magiging manugang ko." Napalunok ako. Bakit ganoon? Mas kinakabahan ako kaysa sa kanina. Tumikhim si Senator, taas-noo siyang tiningnan si Madame Laraya. "Sure, no problem. We're kinda surprise to meet you unexpectedly." pormal na sagot niya. "It's our privilege to face the one of the most powerful clan in Asia. Let me lead the way to receiving area." nilahad niya ang isa niyang palad para ituro kung nasaan ang receiving area. "Ang iba, maiiwan. Kami na bahala dito." utos ni Madame sa mga kasamahan niya. "Sure, tita." sagot ni Verity sa na malapad ang ngiti. Nagkatinginan kaming dalawa. Kumindat pa siya sa akin, hinatak niya ang iba niyang pinsan papunta sa Garden at Pool Area kung nasaan ang ginaganap ang party. Nagsimula na kaming pumunta Receiving Area. Mahigpit nakahawak sa akin si Aldrie habang naglalakad kami. Hindi ko alam dahil ba sa kinakabahan ba siya o ano. Pilit ko nalang balewalain 'yon. Nang narating namin ang Receiving Area ay inalukan ng aking ama ang mga bigating bisita ng maupuan. Sina Madame Laraya pati ang ibang tiyahin ay umupo sa malapad na sofa. Ang mga tiyuhin naman niya ay nasa likod ay hinayaan na nakatayo. Hindi ko na mabilang kung nakailang lunok na ako dahil sa kaba. Aminado ako, nakakahiya dahil baka may masabi ang Senador na hindi maganda laban sa akin. Wala siyang sinasanto. Ilang beses na din akong kumawala ng malalim na buntong-hininga. Nanatili akong tahimik sa isang tabi. May mga maid na sumunod na pumasok dito para maghatid ng pagkain at mga inumin. Umupo naman ang mga magulang ko sa tapat ng mga bisita. I saw Madame Laraya gracefully received a glass of red wine. I heard she said thank you. Nagtama ang tingin naming dalawa. Matamis siyang ngumiti sa akin. Bahagya akong yumuko pero nanatili parin sa kaniya ang tingin ko. Siya ang unang bumawi ng tingin na 'yon. Diretso niyang tiningnan ang mga magulang ko bago siya nagsalita. "Maaari na ba tayo magsimula?" marahan niyang tanong sa kanila. Tumango ang dalawa bilang pagsang-ayon. "Naririto kami para hingin ng anak ko ang kamay ng anak ninyo, Senador Cutillion. I'm sure you're already aware about that." "Yes, Mrs. Ho." tugon ni Senador. "But we have no idea, kung gaano na sila katagal magkakilala. Hindi kaya masyado siya nabigla upang ayain pagkasalan ang anak ko?" I gritted my teeth. Like, what the hell? 'Anak ko?' At kailan niya ako tinawag na anak? Kapag may kaharap siya na ibang tao? Ganyan naman siya, kapag may kaharap siya na ibang tao, akala mo isa siyang mabuting ama sa amin. Pero kung kami-kami na ang magkakasama sa iisang bubong, halos isuka na niya ako bilang kapamilya niya. Hindi siya naging ama sa akin. Hindi niya ako itinuring bilang anak! At ngayon, tatawagin niya ako ng ganyan? How dare him! "For us, it doesn't matter. As long as my son love her, wala kaming karapatan na harangan 'yon. Instead, we supporting him whatever it takes." tumuwid ng upo si Madame Laraya habang iniikot-ikot niya ang alak sa glass wine. Isang pekeng ngiti ang iginawad ng aking ama sa kaniya. "I'm wondered, anong maitutulong ni Eliza sa pamilya ninyo kung nagkataon? Malayong malayo ang propesyon na meron siya. Natitiyak kong hinding hindi ito makakatulong sa pag-unlad ng negosyo ninyo." matalim siyang tumingin sa akin. "At ang isang tulad niya ay hindi marunong makinig, I'm worried na siya pa ang magiging dahilan para sumakit ang ulo ng anak ninyo." Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Lihim ko kinagat ang aking labi. Kinuyom ko ang aking kamao. Umaahon na naman ang galit at inis sa aking sistema. Kahit sa gilid ng aking mata, kita ko pa rin na napasulyap sa akin si Madame Laraya. Para mabawasan ang sama ng loob na aking nararamdaman, dinadaan ko nalang sa pagbuntong-hininga. Ayokong umiyak. Kailangan maging matatag ako kahit anuman ang mangyari. Ayoko rin sanang maging kaawa-awa ako sa harap ng mga bisita, lalo na kay Madame Laraya. "Eliza," biglang tawag sa akin ni Madame Laraya. Tila natauhan ako sa pagtawag na 'yon. Awtomatiko akong napatingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tila binabasa niya kung ano ang ikinikilos ko. Mas lalo ako natatakot dahil baka mawala na parang bula noong trato niya sa akin noong nasa Batangas kami. Baka umiba ang pagtingin niya sa akin. "P-po...?" sa huli ay nagawa ko pang sumagot. "Are you okay?" Hindi ko alam pero napatulala ako sa tanong niya. Para akong kakapusin ng hininga sa tanong niya. Ang akala ko... "Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo, it's okay. You can leave for a while, kami na ang bahala." "My candy..." nag-alalang tawag sa akin ni Aldrie. Ibinuka ko ang aking bibig. "A-ayos lang po ako... Kaya ko pa po." pangungumbinsi ko. Hindi ako nakakuha ng tugon. Sa halip ay tinititigan pa ako ni Madame Laraya ng ilang segundo pa. Inilipat niya ang kaniyang tingin kay Senador. "Hindi naman siguro tama na ganyan ang sasabihin mo, Senador." kalmadong wika niya. "Nagsasabi lang ako ng totoo. I don't think she will be worthy for your son." Inilapag ni Madame Laraya ang hawak niyang kopita sa mababang mesa. Mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Hindi ba, anak mo si Eliza? Bakit parang may ginawa siyang masama sa iyo kung itrato mo? Is that your style as a parent?" Bumuga ng malalim na buntong-hininga si Senador. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sofa. Kalmado siyang nakipagtagisan ng titigan kay Madame. "Sinasabi ko lang nag katotohanan, ayoko naman magsisisi ang anak ninyo sa huli. Ayoko lang na pagkaaksayahan ninyo ng oras ang isang tulad niya na hindi marunong sumunod sa sinasabi ko." Naniningkit ang mga mata niya. Taas-noo niya tiningnan ang aking ama. "Stop manipulating your daughter's life, Senator Cutillion." Ngumisi ang aking ama. "I am her father and I know what's the best for her." Mapait ngumiti si Madame Laraya. "Pero iniisip mo ba kung magiging masaya ba siya sa inaakala mong makakabuti sa kaniya? No, and this is the outcome of your being a control freak." Nagtiim-bagang siya. Galit siyang tumayo. "How dare you to question me about to raising my kids!" Tumayo na din si mama para aluhin ang Senador. Nagsisimula na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Umaalab na ang apoy! Nagiging mainit na ang sunod na nangyayari. Tumingala sa kaniya si Madame Laraya. Hindi na rin niya mapigilan ang kaniyang sarili kung kaya tumayo na din siya. Malamig na tingin ang iginawad niya. Humalukipkip siya. "Nagtatanong ako ng maayos. Huwag kang ano 'dyan." Tumayo na din ang ibang tiyahin ni Aldrie. "Laraya naman, senador na kalaban mo. Wala ka talagang sinasanto." kalmadong pag-aawat ni Madame Inez. Ngumiwi si Madame Laraya. "Wala akong pakialam kung senador siya! Bago siya gumawa ng kabutihan sa kapwa, unahin niya muna ang pamilya niya!" malakas niyang sabi. "What the—" nanggagalaiti sa galit si Senador. Susugurin niya sana ang nanay ni Aldrie. Napasinghap ako dahil sa takot. Pero agad nilapitan ni Aldrie ang aking ama, gayundin si Sir Suther. Hinawakan nila ito sa magkabilang kamay para pigilan. Napasapo ako sa aking bibig. Naniningkit na ang mga mata ni Sir Suther. "Sino ka para sasaktan mo ang asawa ko, Senator?" matigas at halatang galit na galit siya nang tanungin niya 'yon. "Ano? Pagbubuhatan mo ng kamay ang babae? Sige, ituloy mo! Isang tawag ko lang, kulong ka na! Lulutyayin ko ang pera ng asawa ko makulong ka lang!" singhal ni Madame Laraya na pinanlalakihan pa niya ito ng mga mata. "Tama na, Laraya..." wika naman ni Madame Pasha habang inaawat niya ito. Tiningnan niya muna ang mga kasamahan niya. "Teka, last na ito." binalik niya ang tingin niya kay Senador. Dinuruan pa niya ito. "Hoy, Senator Cutillion! Ikakasal na ang panganay mo sa anak ko. Hindi ka invited. Ban ka mula simbahan hanggang reception. Naiitindihan mo?!" "Sino ka para sabihin 'yan?!" singhal niya habang nagpupumiglas. "Ikaw na rin ang nagsabi. We, the Hochengcos are one of the most powerful clan in Asia. Isang pitik ko lang, talsik ka na sa posisyon mo. Kaya hindi mo ako matatakot sa mga pagbabanta mo." inilipat niya sa akin ang kaniyang tinginan. "Iwan mo na ang pamamahay na ito, Eliza. At huwag na huwag ka nang babalik dito. Simula ngayon, kami na ang kikilalanin mong pamilya." "Ma-Madame..." Humakbang siya palapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Tumitig siya sa akin. "I don't care if you are a s*x therapist or a black sheep of this family. Hangga't mahal ka ng anak ko, tatanggapin pa rin kita." Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko na kaya pa, kumawala nanang tuluyan ang mga luha na gustong gusto nang bumagsak kanina pa. Lumingon siya sa aking mga magulang. "Kaya ka nag-anak para sa oras na tumanda at manghihina ka na, may mag-aalaga sa iyo, may aalalay sa iyo. Pero kung ganito ang ipinapakita mo, hindi na ako magtataka na balang araw, mag-isa ka na sa malaking bahay na ito. Mark my word." Nakawala ang Senador mula sa pagkahawak sa kaniya. Kasabay na hinila na ako si Madame Laraya palayo sa lugar na ito. Nagawa naming iwan ang mga magulang ko na tila hindi makapaniwala sa nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD