9

2070 Words
Yakap-yakap ko ang aking sarili. Tumapak ang mga paa namin sa loob ng isa sa mga guest house dito sa Hochengco Mansion. Malawak at napakaminimal ang mga kagamitan sa loob. Pero may closet dito, vanity mirror at mini sala set. May isa pang pinto sa silid na ito na panigurado banyo ang naroroon. Marahan akong inakay ni Aldrie, dinaluhan namin ang kama saka pinaupo niya ako sa gilid nito. He do a lower squat infront of me. Tahimik lang siyang nakatitig sa akin na parang pinag-aaralan niya ako, kasabay na masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Dinampian niya ng maliit na halik ang likod ng aking palad. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. "Aldrie..." mahinang tawag ko sa kaniya. "Yes, my candy? Do you need something?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. Hindi ko na ipinagtataka 'yon. Dahil nalaman niya ang pamilya na meron ako, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kaya pa rin nila ako tanggapin. Na sila pa ang nagkusang suportahan ako na dapat ay ang pamilya ko. Lahat ng mga bagay na hindi ko naramdaman sa mga magulang ko, sa angkan ko na ito ko lang naramdaman. Gusto ko nang maiyak. Umiyak nang umiyak hanggang sa mamanhid na ako. Hanggang sa mawala na ang sakit na naramdaman ko sa haba ng panahon, ngunit hindi ko magawa. I gasped and licked my lips first before I slowly released a sighs. "Thank you." madamdamin kong sambit. Ibinuka ko ang aking bibig, nag-iisip pa ng sasabihin. Tumingin ako ng tuwid sa kaniyang mga mata. "Kahit na binigla mo ako, hindi ko maiwasang maging masaya. Lalo na't ipinagtanggol ninyo ako sa tatay ko." Marahan siyang pumikit, dahan-dahan siyang tumango na tila naiitindihan niya ang ibig kong iparating. Dumilat siya't ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "My candy, kung anuman ang gugustuhin ng pamilya ko ay gugustuhin na din nila. Kung ano ang magiging desisyon ko at sino ang pipiliin ko, ibibigay nila ang suporta na meron sila." malumanay niyang wika. Humigpit ang pagkahawak niya sa aking kamay. "Wala akong pakialam kung hindi maganda ang pamilyang pinanggalingan mo basta gagawin ko ang lahat para maging masaya ka, kasama ko." Tumayo na siya. Sunod niyang dinampian ng halik ay ang noo ko. "You should take some rest tonight. May pasok ka na bukas sa clinic mo. Ako na mismo ang maghahatid-sundo sa iyo." Tahimik akong tumango. "Ihahatid ng mga maid dito ang mga damit na isusuot mo. Pwede mo gawin ang mga gusto mo dito. If you need something, just tell me right away." Kusang gumalaw ang isa ko pang kamay. Mahina kong tinapik ang espasyo na nasa tabi ko. Nakuha ito ng atensyon ni Aldrie. Umukit sa kaniyang mukha ang pagtataka pero mukhang naiitindihan naman niya ang ibig iparating n'on. Tumayo siya't umupo siya sa aking tabi. Agad din ako humilig sa kaniyang balikat na tingin ko ikakagulat niya. Bumaling ako sa malaking bintana ng silid na ito. "Kahit ngayon lang, Aldrie. Kahit ngayon lang, may masasandalan naman ako kahit papaano." mahina kong saad pero nanatili pa rin akong nakatingin sa bintana. Rinig ko ang pabuntong-hininga niya. Hanggang sa naramdaman ko nalang na inakbayan niya ako. Masuyo niyang hinahaplos ang isang balikat ko bilang suporta sa ganitong posisyon. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Bakit sa tuwing naririto si Aldrie sa tabi ko, kahit wala man siyang ginagawa, napapakalma niya ako? Nagiging payapa ang nasa paligid ko. Ramdam ko din ang pagiging kuntento ko sa tuwing nasa tabi ko siya. Ano nga bang meron sa kaniya at mas nanaisin ko pang nasa tabi ko siya kahit noon ay ipinagtutulakan ko siya? Lihim ako napangiti habang sinasariwa ko sa aking mga alaala ang mga bagay na 'yon. Parang kailan lang buhat nang tumapak siya sa aking Opisina sa inaakala na magiging kliyente ko siya. "Aldrie," tawag ko sa kaniya kahit na napapikit ako. "Hmm?" "Mukhang alam ko na kung saan ka nagmana." "What do you mean?" "Tingin ko, mana ka kay Madame Laraya. Pareho kayong matapang. Kaya ninyong harapin kung sinuman ang magiging kontrabida sa buhay ng mga taong mahal ninyo. Mana ka din sa daddy mo kasi ang tyaga at sinusuportahan ninyo ang mga taong mahal ninyo." Marahan niyang idinapo ang kaniyang palad sa gilid ng aking ulo. Hinihimas niya ang aking buhok. "Marami ding nagsasabi sa akin niyan. Halos lahat sa aming magkakapatid. Maliban nga lang kay Pierson na tahimik at suplado." Umukit ang ngiti sa aking mga labi. "Maswerte ang mapapangasawa mo, Aldrie. Dahil mabait ang pamilya mo." "I know. And for the woman who's beside me, I will make her happy and contented as what I am now." Mas lalo lumapad ang ngiti ko sa aking mga narinig. Hindi nga lang ako sigurado kung napansin pa ba niya 'yon. Umalis ao mula sa pagkasandal ko sa kaniya. Umayos ako ng pwesto. Humarap ako sa kaniya. Pinapanood lang niya kung ano ang ginagawa ko. Ikinulong ng mga palad ko ang kaniyang mukh at walang sabi na sinunggaban ko siya ng halik sa labi. Light kiss lang naman. Token of gratitude lang gagawin ko dahil hindi siya umalis o nagtangkang iwan ako habang kaharap namin ang mga magulang ko kanina. Nang humiwalay na ang mga labi namin ay nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. Natigilan lang ako nang bahagya nang umayos siya ng harap sa akin. Mas ikinawindang ko pa ay bigla niyang pinulupot ang isang braso niya sa aking bewang. Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Tumigil siya saglit para titigan ang aking mga labi at ganoon din ako sa kaniya. Muli niya inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Kusang pumikit ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko. Mas humapit pa siya sa aking bewang, samantalang ako naman ay pinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg habang nagpapalitan kami ng matatamis na halik. Sumakop ng isang palad niya ang isang dibdib ko. Nilaro niya 'yon pero tumigil din siya dahil tila hindi pa siya kuntento. Ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng tank top ko. Dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi ko namalayan na nakalas niya ang suot kong bra. Bahagya niya iyon ibinaba kahit nasa loob pa rin ito ng aking damit. Muli niya pinaglaruan ang aking dibdib. Napaungol ako sa ginagawa niya, lalo na't may kinurot siya sa parte ng aking dibdib. Dahil d'yan ay mas lalo dumiin ang mga labi ko sa kaniya. Dahan-dahan din niyang ibinaba ang kimono pattern cardigan vest ko. At wala na akong pakialam kung saan na 'yon nakarating dahil abala kami pareho sa aming ginagawa. Marahan niyang akong inihiga sa malambot at malapad na kama, hindi niya magawang humiwalay sa aking mga labi. Nanatiling nasa batok pa rin niya ang mga palad ko. Nasa ibabaw ko na siya at mas lalo kami naging mapusok sa lagay naming ito! Bumaba ang mga labi niya sa aking panga, gumagala ito patungo sa aking leeg. Hinalikan din niya ang collar bone ko. Pumikit ako at dinadama ko ang kaniyang ginagawa. "Aldrie..." nakikiusap kong tawag sa kaniya. Tahimik pa rin niyang inaangkin ang aking katawan ko. Hindi ko na mabilang kung nakailang singhap na ako sa bawat kilos niya. Mas lalo nagiging mainit ang paligid! "Titoooooooooooooo!" Napadilat ako na nanlalaki ang mga mata nang marinig namin ang mga pamilyar na boses na 'yon. Dahil sa pagkabigla ay walang sabi na malakas kong naitulak si Aldrie. Aligaga kong hinahanap ang cardigan vest ko. Mabuti nalang ay malapit lang sa akin kaya agad ko kinuha iyon saka itinakip sa aking sarili. Napasapo ako sa aking bibig habang nakatingin ako malapit sa pinto. Tumambad sa akin ang triplets na nakatingin din sa amin! Bakas sa mukha nila ang pagtataka. "Lagot, Genesis." wika ng isang batang babae, sa pagkakaalala ko ay Geneva ang pangalan niya saka napasapo siya sa kaniyang bibig. Nanlalaki ang mga mata niya nang sulyapan niya ang katabi niya, si Genie! Kahit ito ay nagtataka na nakatingin sa amin. Bumaling ako kay Aldrie na ngayon ay napasuklay sa kaniyang buhok. Nahahalata ko ang frustration at pagpipigil sa lagay na 'yan. "Anong ginawa ko?" nagguguluhang tanong ni Genesis sa mga kapatid niya. "Nakaistorbo tayo." halos pasigaw na sagot ni Geneva. "They're making a baby! Ano ka ba naman?" Aldrie's groaned caught our attention. "What are you doing here?" matigas niyang tanong sa mga pamangkin. "Pinapasabi po kasi ni ahma Laraya na bumaba daw po kayo ni tita Eliza. Celebration daw po." si Geneva ang sumagot. "Takbo!" malakas na utos ni Genesis sa mga kapatid. Nagsitakbuhan sila palabas sa silid na ito. Napasulyap ako kay Aldrie at nagmamadaling umalis sa ibabaw ng kama. Nakarinig din ako sa kaniya ng ilan pang mura. "Anong ginagawa mo, Aldrie?" malakas kong tanong sa kaniya. Naguguluhan. Bumaling siya sa akin. "The triplets are dangerous. We need to save ourselves first." aniya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sandali, wala akong naiitindihan, Aldrie!" halos pasinghal na 'yon. Humarap siya sa akin sabay turo niya sa pinto. Nakahawak naman ang isa niyang kamay sa bewang niya. "Sasabihin nila sa angkan kung ano ang nakita nila kanina lang." kalmado at matigas niyang tugon. "Walang sikreto na hindi nabubunyag sa kanila." Umawang ang aking bibig na tila naiitindihan ko na ang sitwasyon ngayon. Nagmamadali akong kumilos. Ikinabit ko muna ang bra ko. Sabay kaming lumabas ni Aldrie sa guest room. Patakbo kaming dumaan sa hallway ng Mansyon. Dahil sa laki at lawak nito, hindi namin agad matatagpuan ang triplets. Damn it, bakit kasi hindi nakalock ang pinto?! Tanaw namin ang dalawang tao na makakasalubong lang namin sa palapag ng bahay na ito. Sina Pierson na isa sa mga kapatid ni Aldrie at ang sinasabing fiancee nito, si Lovely Montano! Tumatakbo din sila. Tumigil lang siya nang makita nila kami. Pareho silang hapong hapo sa estado nila ngayon. "What happened?" nagtatakang tanong sa kanila ni Aldrie. "Kanina pa namin hinahanap ang triplets." si Peirson ang sumagot. "Biniktima din ba nila kayo?"  "Unfortunately, yes." he answered and he gritted his teeth. "Baka nasa Dining Area sila." Muli kami nagmamadaling pumunta kung nasaan ang Dining Area. Hind ako athletic na tao ay ramdam ko ang pagod bago man namin marating ang Dining Area. Natigilan kami nang madatnan namin ang halos buong angkan dito sa ibaba. Kaniya-kaniya silang batian. "Oh, f**k. Bakit sila narito?" mariing tanong ni Pierson sa tabi namin. "Especially the Grande Patriarch." "Huwag muna natin problemahin sina angkong. Ang importante ngayon ay mahanap natin ang triplets." seryosong sabi ni Aldrie. Nangunguna siyang bumaba. Sumunod kaming tatlo. Namataan ko ang direksyon kung nasaan ang magkakambal. Kasama nila ang nanay nina Aldrie at Pierson. Si Madame Laraya! Pinapaligiran siya ng mga ito at masayang nag-uusap. Agad ko silang tinawag para ituro kung nasaan ang mga hinahanap namin. "Oh, Aldrie. Anong nangyari sa iyo?" puna ng isa nilang pinsan na si Ruslan. Tinapik niya ang balikat nito. "Mamaya na tayo mag-usap." "Genesis, Geneva, Genevieve." seryosong tawag ni Aldrie sa mga pamangkin niya. Nakasunod sa kaniya si Pierson na seryoso din ang mukha. Bumaling sa amin ang triplets. Nang napagtanto nila na sina Aldrie at Pierson ang nasa harap nila. Sabay silang yumakap kay Madame Laraya. "Aldrie, Pierson, huwag ninyong takutin ang mga bata!" saway nito sa kaniya. "Hindi namin sila tinatakot, mama. Baliktad pa nga." si Pierson ang nagsalita. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Napupukaw na namin ang mga atensyon nila! My goodness, ano na ang gagawin namin!? Pinaharap ni Madame Laraya ang mga bata sa kaniya. "Genesis, Geneva, Genie... Anong ginawa ninyong tatlo sa mga tito ninyo?" malumanay na tanong niya. Bago sumagot ang mga ito ay nagkatinginan muna. "Hindi po ba, ang sabi ninyo po sa amin, hanapin namin sina tito Pierson at tito Aldrie dahil pinapatawag ninyo po sila?" "Yes. And?" "Una po namin nahanap sina tito Son-son at tita Lovely, nakita po naming pareho po silang naliligo sa banyo. Tapos sunod namin pinuntahan ang kuwarto ni tito Dri-dri, nakita po namin na gumagawa na po sila ni tita Eliza ng baby." si Geneva ang ang nagpaliwanag. Napasapo kami ni Lovely ng bibig. Ang magkapatid na Aldrie at Pierson naman ay napamura at mukhang nabigo. Tumingin sa amin si Madame Laraya. Ngumiwi siya, para bang nahihiya siya. "Pasensya na, iha. Mga dakilang manlalaglag ang triplets. Masyado silang honest..." "Huwag kang tumawa, Eilva." natatawang sabi ni Verity sa gilid namin. Tumingin ako sa kanila na nahihiya. Tumingin sila sa amin. "Don't mind the kids, Eliza." inalok niya sa akin ang glasswine na may hawak na alak. "Inom ka muna, mamaya makakalimutan mo din 'yon." Hiyang-hiya akong tumalikod sa kanila. Pareho kaming napaupo ni Lovely sa sahig. I didn't expect this. Pumikit ako ng mariin, tinakpan ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan! Ayoko na sa Earth! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD