10

1906 Words
Dalawang araw bago ako tuluyang nakarecover. Ang dahilan, kahihiyan. Nang mga oras na 'yon, gusto ko nang umalis sa Hochengco Mansion. Hindi lang ako, pati na din si Lovely. Ilang beses na din kaming nakumbinsi ng ibang myembro ng angkan, lalo na si Madame Laraya na huwag kaming umalis dahil sa totoo lang ay balewala lang sa kanila ang isyu na 'yon. Likas na natural na daw ang panlalaglag ng magkakambal. Hindi lang daw kami nina Aldrie ang naging biktima ng mga ito, marami pa sa kanila kaya huwag na huwag daw kami mag-alala. Sina Ma'm Sarette at Sir Fabian na mismo ang humingi ng dispensa sa ginawa ng kanilang triplets. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga pagkatapos kong itiklop ang folder. Kakatapos ko lang din kausapin ang mga naging kliyente ko. Ilang araw lang naman ang nagdaan buhat nang nakilala ko ang buong angkan sa Batangas hanggang sa nakaharap ng mga magulang ko ang mga Hochengco, pero pakiramdam ko ay ilang araw na nagdaan dahil sa dami nang nangyari. Isinandal ko ang aking likod sa aking swivel chair. Nakipagtitigan ako sa plorera na nasa aking harap. Marahan akong kumurap. Sumagi sa isipan ko ang alaala buhat nang tumapak si Aldrie dito sa aking Opisina at nagpakilala bilang kliyente ko. But it turns out he's now my fiancé. Masyadong mabilis ang pangyayari pero kahit sa maiksng panahon lang na pagkakilala namin sa isa't isa, ramdam ko kung papaano siya kaseryoso. I mean, his gestures and his words. Sa mga panahon na galit na galit pa ako sa aking ama, ramdam ko ang pag-aalala niya para sa akin. Na ayaw niyang magtanim ako ng galit para sa kaniya. Pero nang nakilala niya ito nang personal, tingin ko ay naitindihan na niya ang ugat ang galit ko para sa sarili kong magulang. Gayundin si Madame Laraya kaya madali para sa kaniya na kunin ako. Sa mga oras na 'yon, para akong nakahinga ng maluwag dahil may mga tao pala na kaya akong tanggapin. Bilang ako. Kung ano ang mga kapabilidad na meron ako. Kahit na ang propesyon ko ay hindi naman talaga makakatulong sa kanilang angkan dahil karamihan sa kanila ay mga nasa business world. Napukaw ng aking atensyon ang malamig na bagay na nasa aking palasingsingan. Kumikinang sa ganda at karangyaan ang engagement ring na bigay sa akin ni Aldrie. Now I'm his official fiancee. Lihim ako napangiti sa aking sarili. Naputol ang pagtingin ko sa aking singsing nang may kumatok sa pinto. Malakas akong nagsabi na tuloy. Nasunod 'yon. Dahan-dahan nagbukas ang pinto hanggang sa tumambad sa akin si Tonya na nasa pinto. Sumilip muna siy, tinitingnan niya kung abala ako o nakaistorbo siya sa akin. Tumuwid ako ng upo. "Yes, Tonya?" Bago man siya sumagot ay kita ko kung papaano siya ngumiwi. Maingat siyang pumasok dito sa loob ng aking Opisina. Naglakad siya hanggang nasa harap ko na siya. Nilagay niya sa kaniyang likuran ang mga kamay niya. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Doc, may bisita po kayo." wika niya. Awtomatiko akong tumango. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Si Aldrie ba?" diretsahan kong tanong. Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi po, eh." ** Tumapak ang mga paa ko sa Garden ng Ospital. Palinga-linga ako sa paligid. May hinahanap akong partikular na tao. Nang sabihin sa akin ni Tonya na naririto siya ay dali akong umalis sa aking Opisina para hanapin siya. Natigilan ako nang matanaw ko ang bulto ng taong 'yon. Nasa harapan ko na siya pero nakatalikod ito sa akin. Kahit ganoon ay kilala ko siya kahit nakatalikod. Nakaupo siya sa garden bench, nasa malayo ang tingin na animo'y malalim ang iniisip. Humakbang ako palapit sa kaniya. Dahil may takong ang aking sapatos ay posibleng narinig niya at maramdaman niya ang aking presensya. Agad siyang lumingon sa aking direksyon. Isang malamig na tingin ang sinalubong niya sa akin. Tumayo siya't humarap sa akin. Hindi makapaniwalang tingin ang umukit sa aking mukha. Kahit sa ekspresyon ng kaniyang mukha, kuhang-kuha niya ang mukha ng lalaking kinagagalitan ko. Kahit ganoon ay hindi ibig sabihin n'on ay galit din ako sa kaniya. "D-Duena..." tawag ko sa kaniya na may pang-alinlangan. Hindi siya sumagot. Sa halip ay diretso ang tingin niya sa akin. Suminghap ako. "W-what are you doing here?" Kita ko kung papaano kumuyom ang kaniyang kamao. Humakbang siya palapit sa akin at walang babala na malakas na dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ginawa. Gulat na gulat ako. Napahawak ako sa aking pisngi. Agad kong ibinalik ang aking tingin sa kaniya. "This is your fault, Eliza." mariin niyang sambit. "Kung sinunod mo nalang kung anong gusto ni papa eh di sana hindi na dumating sa punto na ito." "A-anong..." Taas-noo niya akong tiningnan. "Dahil sa iyo, umalis na si papa sa pwesto niya sa Senado! Dahil din sa pagbabanta ng mga Hochengco!" Parang binuhusan ako ng malamig na tubog sa kaniyang sinabi. What? "Hindi ko rin alam kung bakit ba gustong gusto mo ang pagiging s*x therapist! Ano bang mapapala mo d'yan? Magiging kilala ka ba sa propesyon mo na 'yan? Hindi ka ba nahihiya at ipagsabi sa ibang tao na 'yan ang trabaho mo? O baka hindi ka na birhen noon pa man kaya iyan ang napili mo?" Sa mga binitawan niyang salita ay pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. Hindi ko magawang huminga nang maayos. Sa bibig mismo ng sarili kong kapatid, maririnig ko ang mga bagay na ito. Na tipong isinusuka niya ako bilang ate niya. "Duena..." "Nakakadiri ka, alam mo ba 'yon?" dagdag pa niya. Para akong nabasag. Marahas akong huminga ng hangin. Pakiramdam ko, ibang iba na ang kapatid ko. She's not my lovely little sister who I used to be. She's like a spoiled brat. Sumagi sa isipan ko ang suspetsa na nabrainwash siya ng magaling kong ama. Pati ba naman ang kapatid ko, gagamitin niya para lang magalit sa akin? Humakbang pa ako palapit sa kaniya. "Duena..." Bigla niya ako pinagtutulak. "Huwag ka nga lumapit! Nakakadiri ka! Wala akong kapatid na tulad mo! Madungis! Bakit ba naging kapatid kita!?" Biglang may pumigil kay Duena. Hinawakan siya nito sa isang braso saka inangat. Sabay kaming napatingin kung sino 'yon. Isang babae. Maputi, makinis ang kutis. Maganda siya, para siyang manika sa hitsura niya. Mahaba, tuwid at itim ang kaniyang buhok. Base sa kaniyang kasuotan, she looks professional. "Who are you ba? Let me go!" asik ni Duena sa kaniya. Tumaas ang isang kilay ng babae. "Bakit kita bibitawan? Para saktan mo na naman ang kapatid mo?" matigas niyang sagot. "Nakakagawa ka na ng eskandalo, alam mo ba 'yon? Ikaw ang mas nakakabatang kapatid pero ikaw pa ang nanampal sa ate mo? Wow." "Sabing bitawan mo nga ako! Hindi mo ba ako kilala? I am a daughter of a former Senator Cutillion!" "Wala akong pakialam kung anak ka pa ng Presidente." marahas niyang binitawan si Duena, dahil sa naout of balance ang kapatid ko ay bumagsak siya sa damuhan. Dumaing ito sa sakit. Ipinasok ng babae ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa niya. Humakbang siya palapit kay Duena. "Maganda ka nga, bulok naman ang ugali. Kahit mas nakakatanda sa iyo, wala kang galang. Pwes, hindi rin kita rerespetohin." Nanggagalaiting tumayo si Duena. She looks frustrated in her loss. Padabog siyang umalis sa harap namin. Nag-aalala at malungkot akong tumingin sa kaniya. Ni hindi siya lumingon dito. "Ayos ka lang?" Napatingin ako sa babaeng nagligtas sa akin. Nahihiya ajong bawiin ang aking tingin. "S-salamat..." saka pinagpagan ko ang aking damit. Tinitingnan ko din kung may gusto ba o wala. "Bakit hinahayaan mong saktan ka ng kapatid mo?" seryoso niyang tanong. Mapait akong ngumiti. "Siguro dahil hindi ko siya kayang saktan." Rinig ko ang pabuntong-hininga niya. "Sa ginagawa mong 'yan, mas lalo nila aabusuhin ang kabaitan mo." wika pa niya. Bigla niyang nilahad ang kaniyang palad sa akin. "By the way, I'm Gerlie Guevarra. You?" Tinanggap ko 'yon. "Eliza. Eliza Cutillion..." ** Napag-alaman kong bagong hired siya sa Ospital na pinapasukan ko bilang isa sa mga surgeon. Galing pa daw siyang Amerika kung saan siya nag-aral. Nasabi niya sa akin na gusto niyang magserve sa bayan kung saan pinanggalingan ng kaniyang ina. Her biological mother, actually. Ampon daw kasi siya pero maganda daw ang trato sa kaniya ng mga kinamulatan niyang mga magulang. Nag-enjoy ako sa company niya. Nagpapalitan kami ng facts sa isa't isa. Friendly pa siya kahit sa aura niya ay mararamdaman ko. Kahit na nag-uusap kami ay inoobserbahan ko pa rin siya. Isa lang ang napapansin ko—ang mga mata niya. Kahit anong pilit niyang tumawa at maging masaya sa harap ko, nababasa ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Para bang may dinadamdam siya. Hindi ko lang matanong dahil wala ako sa lugar para manghimasok sa kaniyang buhay lalo na't bago palang kami magkakilala. "Dito nalang ako. Baka naghihintay sa akin ang mga client ko." nakangiting pagpapaalam ko sa kaniya nang tumuntong na kami sa lobby ng Ospital. "Oh, sure. No problem. It's nice to chat with you, Eliza." maligaya niyang sambit. Mas lumapad ang ngiti ko. "Same here, doc. Sige, see around nalang." sabay turo ko sa direksyon kung saan ako dadaan. Kumaway siya sa akin. Tinalikuran ko na siya't kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa loob ko habang naglalakad ako pabalik sa aking Opisina. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa magkabulsang buls ng aking white coat. Tumigil lang ako sa paglalakad nang sinalubong ako ni Tonya na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Doktora..." matinis na boses ang ginamit niya nang tawagin niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Oh, bakit?" "May naghahanap na guwapo sa loob ng Opisina mo..." nahihimigan ko ang panunukso sa boses niya. "With matching bouquet pa!" Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon. Galak at naeexcite na akong pumasok sa aking Opisina. Sa pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang kakisigang taglay ng lalaking nasa harap ko. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkaupo niya sa couch. Tulad ng sabi ni Tonya, may dala itong bouquet. Lumapit siya sa akin para abutin ang mga dala niyang bulaklak, pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa sentido. Simpleng kilos pero para akong kinikiliti! "Ang aga mo naman dumaan..." matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. "I just miss my bride." masuyo niyang sambit. Hinawi niya ang takas kong buhok. Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Duena. Parang ayokong banggitin sa kaniya kung anong nangyari, pero may parte din sa akin na kailangan kong banggitin sa kaniya ang bagay na ito. "Miss din kita." kusang lumabas sa aking mga labi ang mga kataga na 'yon. "Almost lunch na, gusto kitang makasabay sa pagkain." aniya. Yumuko ako, tinatago ang ngiti sa aking mga labi. "Sige." saka dinaluhan ko ang aking desk para kunin ang aking sling bag para na din makaalis na kami. Inakbayan niya ako. Lalabas na sana kami nang biglang nagbukas ang pinto. "Eliza, I forgot to ask you..." si Dra. Gerlie. Nang makita niya kami ay natigilan siya sa kaniyang nasaksihan. Lalo na nang lumipat ang tingin niya sa aking kasama. Mas lalo ko ipinagtataka kung bakit nakikita ko na may namumuong luha sa kaniyang mga mata. "Aldrie..." nanghihina niyang tawag sa lalaking pinakamamahal ko. Dahan-dahan akong tumingin kay Aldrie. "Gerlie..." bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan namin tatlo. Kahit hindi man sabihin sa akin, nabubuo na sa aking isipan kung anong koneksyon nila sa isa't isa. Kahit pinipiga na ang puso ko ay alam kong nakaraan nila ang isa't isa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD