Eksaktong alas-tres y medya ng madaling-araw nang makarating si Zam sa vicinity ng kanilang farm. Mula Australia ay umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon sa Surigao kung saan nakatira at pinamamahalaan ng nakatatandang kapatid niya ang kanilang farm. It had been four years since the last she visited her brother. Iyon ay nang una siyang magbakasyon sa Pilipinas kasama ang kanyang mommy. May dahilan ang kanyang pag-uwi. She wanted to talk to her father. Gusto niyang matibag ang pader na ito mismo ang nagtayo. Sa nakalipas na walong taon ay nanirahan sa puso niya ang galit para dito dahil sa hindi nito pinayagan ang kapatid niya na magpunta sa burol ng kanilang Abuela noon. Idagdag pang marami siyang gustong linawin sa kanyang Daddy. Kung bakit hindi ito naging ama sa kanya. Baka kung sa

