Kahit puyat ay maaga pa ring gumusing si Caleb. Naligo muna siya bago bumaba upang saluhan sa almusal ang kaibigan. Sasama uli siya ritong magtungo sa farm. "Good morning, bud, Good morning Nanay Josie," bati niya sa dalawang naabutan sa komedor. "You have a good morning, huh?" puna ni Marco habang naghahalo nang kape na tinimpla rin nito mismo. He smiled. Alam niyang kasalanan sa kaibigan ang pagpapantasya niya sa babaeng kasama nito kagabi. Kahit hindi seryoso sa babae ang bawat isa sa kanila ay nagkasundo silang hindi dapat pang mapunta sa bawat isa sa kanila ang kanilang mga exes o sinumang babae na naugnay sa kanila. Pero ano ang magagawa niya, hanggang ngayon ay naiisip niya ang babaeng nakita niya sa pool kagabi. "Para saan ang ngiting iyan?" kunot-noong tanong ni Marco. "Huh?

