“Nanang, solong anak ho ba ninyo si Brandon?” usisa ni Kylie habang pinatutul9g ang anak sa kandungan. Nakatanaw sa malawak na dagat na kulay asul at puting buhangin si Kylie habang si Nanang naman ay naghahanda ng kanilang tanghalian. Alas nueve pa laman ng umaga, mahigit isang linggo na sila sa Aklan at hindi akalain ni Kylie na napadpad sila sa probinsya ni Nanang. Dahil nga buntis noon si Kylie at bodyguard na niya si Brandon, nakiusap ang lalaki na kung naghahanap ang kanyang Boss ng mag-aalaga ng baby ay kung maaari ay ang nanay na lang niya. Natuwa naman si Kylie kaya isang buwan bago siya manganak kay Sanjito, kasa-kasama na niya si Nanang at katuwang lalo na sa paghahanda ng mga kailangan niya sa araw ng panganganak. Nung nakaraang linggo, nais sana niyang magbakasyon sa Ameri

