“O, siya. Magpahinga ka muna, Mr. Nirvana. Alam kong pagod ka sa byahe, mamaya na lang natin pag-usapan ang kay Ananas.” payo ng matanda kay Sanjo, inabot pa ang bag niya upang tulungan siyang ilapag ito. “Ako na ho. Pero Mr. Altovar, pwede ho bang Sanjo na lang ang itawag mo sa akin. Hindi ho ako sanay na ginagamit ang apelyido.” nakakalokong turan ni Sanjo. “S-Sanjo baka pwedeng Mang Isko na lang din?” hirit naman ng matanda. Nagtawanan ang dalawa dahil sa mga kalokohan nila. Komportable agad si Sanjo sa matanda kahit na ilang beses pa lang niya ito nakita sa personal. “Ah, Sanjo. Anong oras ka mag tanghalian at ng maihanda ko sa kusinera?” tanong ni Mang Isko, sinipat pa nito ang relong suot. Mabilis gumala ang mata ni Sanjo sa loob ng bahay at nakita niya ang wall clock. “Pakihand

