NAPANGITI si Hook habang pinapanood ang mahimbing na tulog at mahinang paghilik ni Melo na nakahiga sa isang braso niya at nakayakap sa baywang niya na para bang takot itong magising na wala na siya sa tabi nito. Nasa pagitan pa ng mga hita niya ang isa nitong binti kaya umaasa siya na hindi ito malikot matulog at baka matuhod nito ang junior niya. His girlfriend looked very satisfied and he was happy and proud to give her that kind of glow. Siyempre, gano'n din ang ipinaramdam nito sa kanya ngayon. But most of all, I'm relieved that you are safe now, Melody Rose. Marahan niyang pinaraan ang mga daliri niya sa rib cage ng girlfriend niya. Wala na ang nakita niyang marka dito kanina. Ibig sabihin lang, tapos na ang parusa dito. Sigurado siya na ligtas na ito dahil ramdam niya na siya na

