OKAY, solo na kami ni Hook. "I brought breakfast pala," sabi ni Hook mayamaya. "I'll get it in the car." Napasinghap si Melo nang may maalala. "I'm sorry, Hook. Hiniram nga pala ni Jooe sina Sunshine, Musky, at Grumpy kagabi kasi nasa condo raw niya ang mga pamangkin niyang mahihilig sa mga aso. Hindi ka pa kasi nagtetext na pupunta ka sa bahay ngayon no'ng dumating si Jo kagabi." "It's okay, Melo," sabi naman nito. "Sakto nga kasi hiniram din ng mommy ko si Gloomy. Ipapasyal daw niya sa bagong dog café na na-discover niya wherein puwedeng magdala ng sarili mong pet." "That's nice," nakangiting komento niya. "Don't worry kasi every Sunday afternoon naman eh nagpupunta si Jooe rito. Kung makakapaghintay ka, ipapadala ko rin sa kanya sina Sunrise at Sunset mamaya para makilala mo ang lah

