"YOU LOOK so exhausted, Melo," nag-aalalang sabi ni Hook habang magkaharap sila ni Melo sa tapat ng bahay ni Sori. Hawak niya ang mga kamay ng babae at nakayuko siya habang nakatingin sa maganda pero halatang pagod na mukha nito. "Are you okay?" "I'm fine," sagot ni Melo, saka ito ngumiti para siguro i-assure siya. "Napagod lang siguro ako kasi buong maghapon tayo naglaro with the dogs." Totoo din naman kasi 'yon. No'ng umaga– bukod sa heavy makeout session nila– ay kinanta at tinugtog din ni Melo sa harap niya ang ginawa nitong jingle para sa dishwashing liquid brand na tinawag nilang Smooth. Then, they went out for lunch. Dinala niya ang girlfriend niya sa isang Italian restaurant dahil nag-crave ito ng pasta dish. Hapon na sila bumalik sa Paraluman Village dahil nagtext dito ang kai

