"THAT was a good presentation, Mr. Rushton," bati sa kanya ni Mr. Olsen– ang professor niya sa Marketing class. "There's a bit of nitpicks in your Marketing plan but still, I was impressed. Happy holidays to you." "Thank you, Sir Olsen," nakangiting sabi naman ni Hook, saka siya nakipagkamay sa professor. "Happy holidays." Nakahinga siya ng maluwag nang umalis na ng classroom ang professor nila. Hindi na siya umaasa sa mataas na marka dahil gaya ng sinabi ni Mr. Olsen, maraming butas ang ginawa niyang Marketing plan. Pero binati siya nito ng "Happy holidays" kaya umaasa siya na ang ibig sabihin no'n ay hindi siya babagsak sa Marketing class at ma-e-enjoy niya ang Pasko. Iyon na kasi ang huling araw ng first semester nila. Christmas is just around the corner but sadly, I still have work

