MELO was so shocked when she saw a man who looked like Dante earlier. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng buhok dahil ang ex-boyfriend niya ay natural na brunette. Pero gaya ng lalaking nakita niya kanina, kulay abo din ang mga mata nito. No'ng una, hindi naman agad niya napansin ang lalaki dahil si Hook ang una niyang nakita habang nakaupo lang siya sa bench at naghihintay. Nagtaka lang siya nang napansin niyang parang mainit ang ulo ng boyfriend niya kaya nagdesisyon na siyang lapitan ito. Para kasing may plano itong manuntok at ayaw naman niyang mapaaway ito. Pero no'ng ilang hakbang na lang ang layo niya sa dalawang lalaki, saka lang siya napatitig sa kausap ni Hook. Akala niya, si Dante talaga ang nakita niya kaya bigla siyang nag-panic. I didn't know that Dante has a twin brother un

