"AND that was how I was able to survive for more than a year," pagtatapos ni Melo sa pagkukuwento niya sa nakaraan niya, saka niya inangat ang pupulsuhan niya sa harap ni Hook. "You can't see it but I have Jooe's mark here. Dahil sa marka niya, nabawasan ang epekto ng punishment ni Dante kaya 'yong mga pinaka-manyak at pinaka-gagong lalaki na lang talaga ang naapektuhan ng parusa niya. Saka hindi na sila sing aggressive gaya no'ng mga unang lalaking na-encounter ko pagkatapos kong matanggap ang punishment niya." Nanatiling tahimik si Hook pero halata sa mukha nito ang matinding galit. His teeth were clenched, hands were balled into fists and the knuckles turned as white as the line around his lips, and had murderous look on his face. Pero hindi naman siya natatakot dahil sigurado siyang

