NAPABUNTONG-hininga si Hook habang pinapanood na matulog si Melo sa kama nito. Hinatid niya ito sa bahay ni Sori dahil sa kuwarto pa lang niya kanina, antok na antok na ito. Nagising lang ang girlfriend niya nang buhatin niya ito at isakay sa Pajero niya. Pagkatapos niyon, nakatulog na naman ito kaya kinailangan niyang buhatin at ipasok sa kuwarto nito. At heto nga, mahimbing agad ang tulog ng babae nang hindi man lang nakakapagpalit ng pantulog. She looks really exhausted. "Melo, aalis na ko para tuloy-tuloy na ang tulog mo," mahinang sabi ni Hook, saka siya yumuko para halikan sa noo ang girlfriend niya. "Good night." Isang malakas na hilik lang ang sinagot ni Melo sa kanya. Napangiti siya kahit nalulungkot siya. He found her cute sleeping deeply like that but at the same time, he w

