"HOW DARE you hurt Sori, you f*****g scumbag," galit na sabi agad ni Melo kay Dante na ngumisi nang makita siya. Naglakad siya palapit dito ng walang takot dahil bukod sa galit talaga siya, ramdam niyang protektado siya ni Jooe na nakatutok na ang pana sa ex-boyfriend niya. Gano'n din 'yong winged-Arrowblood na mukhang kakampi naman nila. "Hindi pa ba sapat sa'yo 'yong ginawa mo sa'kin noon at ngayon naman, pati best friend ko eh idadamay mo?" "I'm surprised you're still alive, my rose," nakangising bati sa kanya ni Dante, saka siya nito tiningnan mula ulo hanggang paa habang dinidilaan ang mga labi. Pagkatapos, umangat ang malagkit nitong tingin sa mukha niya. "You look more gorgeous than ever." Ngumisi lang siya, sabay sapak kay Dante na napaatras at nabitawan ang pana nito. Pakiramdam

