NANLAKI ang mga mata ni Hook sa gulat nang mabasa ang text message sa kanya ni North. Marami rin itong tawag na hindi niya nasagot dahil nasa meeting siya kanina. Ngayon lang siya nagkaro'n ng pagkakataong makita at ma-check ang messages niya sa personal phone. Kaya himbis na bumalik sa work station niya, dere-deretso na siyang sumakay sa elevator papuntang basement kung sa'n naka-park ang Pajero niya. I'll just apologize to my supervisor later. Hindi siya mapapakali ngayong alam niyang may masamang nangyari kanina. Ayon sa text ni North sa kanya, nagpakita raw ang ex-boyfriend ni Melo sa bingsu store ng girlfriend nito at nagkaro'n ng hindi magandang confrontation ang grupo nila sa walanghiyang lalaki. Nasaktan pa nga raw si Sori sa nangyaring 'yon. North must be fuming. Alam niya ang

