HOOK was surprised that Hector let him go easily. Pero siguro, may kinalaman 'yon sa phone call na natanggap nito. Pagkatapos kasi niyon, umalis na ito nang walang sabi-sabi. Hindi na siya nagtanong dahil pagkaalis pa lang nito, sumakay na agad siya sa Pajero niya at nag-drive. Hindi na niya tinawagan si Melo at North dahil gusto baka hindi siya makapagmaneho ng maayos dala ng pag-alala. Hindi siya puwedeng mamatay hangga't hindi siya nakakasiguro na ligtas na si Melo at ang mga kaibigan nila. Melo, wait for me. Mas binilisan niya ang pag-da-drive hanggang sa makarating na siya sa Paraluman Village. Pagdating niya sa bahay nila Sori, naabutan niya sina Wilde at Jooe na nakaupo sa front porch habang nagbabantay. Pareho ring naninigarilyo ang mga ito. "Wilde, Jooe, is everyone safe?" tan

