Chapter 5: Heart attack

1779 Words
Naglakad kami patungo sa plaza. May kalayuan din kasi. Sanay naman na kami sa paglalakad. Dahil wala masyadong sasakyan dito bukod sa golf cart na ginagamit ng mga guests. Hindi na nakakapagtaka kung puro mga matitigas ang buto’t katawan namin. Lalo na ang mga lalaki. Halos mag-laway ang mga babaeng guests kapag sila ay nakikita. Marami din namang mga dalaga na pinagnanasaan parin ang mga binata dito kahit laging nakahubad. Tuwing linggo ay laging nasa plaza lahat ng mga lalaki. Nagpapawis, kaya naman ang mga dalaga ay nagdagsaan upang manood ng game ng mga ito. Mahilig din sa pag-babasketball ang mga kaibigan at kuya ko kaya lagi akong tambay noon sa plaza tuwing linggo. Kasama ko din si Hera dahil napipilit siya ng bunsong kapatid. Ngunit ngayon busy na sila minsan na lamang ako magpunta. Tanaw na tanaw na namin ang Plaza. Nakita ko si Warren na abala sa pagkakabit ng mga palamuti. Kumaway ako ng mapatingin siya sa pwesto namin. Sinenyasan naman niya kaming lumapit sa kanya. Kaya naman tumakbo na ako. Hinayaan ko na si Hera na maglakad pagong. Mukha kasing wala sa mood. Sa totoo lang kami talaga ang nag-aayos dito sa plaza. Sa pagsapit ng kapistahan dito sa isla. Pero ayon nga busy na sila sa kanya-kanya nilang career. Nakakalungkot pero masaya ako para sa kanila. “Hello, ano gagawin?” Tanong ko habang tinitingnan ang flag fiesta. “Ikaw na bahala mag-decorate sa stage.” tugon niya habang bumababa sa convenient na stair folded. Pinatungan niya ito dahil kahit na matangkad siya hindi parin sapat ang tangkad niya para abutin ang pinangkakabitan niya ng fiesta flag. Sinagot ko lamang siya ng ok sign. Tatawagin ko sana si Hera para magpatulong. Pero nakita ko silang dalawa na nag-uusap. Pansin kong hindi komportable si Hera sa pag-uusap nila. Bakit ba hindi man lang niya iyon maramdaman? Kahit kailan talaga napaka selfish niya. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang atensyon ni Hera,”Hera! Tara na! Tulungan mo ako.” Hindi ko man lang siya sinulyapan. Alam kong nakatingin siya sa akin. Kaibigan ko siya pero kaibigan ko din si Hera. Tinatarantado niya yung tao tapos umaakto siyang parang wala siyang ginagawang mali. “Brii,” tawag niya sa akin kaya nagbibingi-bingihan ako. “Hera! Halika na at maaga tayong matapos.” Inabot ko ang aking kamay pero nagdalawang isip siya kung iiwan niya si Tierios. Hindi lumaki dito si Tierios. Simula makagraduate namalagi siya dito sa isla. Isa siyang investor sa hotel ko. Ang kumpanya nila ang nagpatayo halos lahat ng buildings na narito sa isla. Maging ang karaoke bar na pinapagawa ko siya ang may hawak. Kaya naman nagkaroon siya ng access at bahay dito dahil sa wala kaming ibang makuhang kasing galing niya. “Bri,” agaw niya ng pansin ko pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko na hinintay si Hera na abutin ang aking kamay. Bagkus ako na ang lumapit at hinatak siya. Walang imik si Tierios sa naging asta ko. Sa tagal naming magka-trabaho ay napalapit na din siya sa akin. Higit sa lahat naging pamilya na din ang turing namin sa kanya. Mabuti naman nakuha niya na ayaw ko siyang maka-usap. Ewan ko nga rin kay Warren at iba pa naming mga kaibigan. Paano nila naatim na pakisamahan ngayon si Tierios sa ginawa niya kay Herra. Sa trabaho, kinakausap ko siya. Pag hindi na tungkol sa trabaho ay deadma na siya sa akin. Hindi naman sa ayoko siyang kausapin. Sadyang hindi pa umuhupa ang galit ko sa kanya. Tarantaduhin ba naman ang nag-iisang babaeng kaibigan ko. “Anong sinabi sayo?” kunot noo ko siyang tinanong. “Kamustahan lang,” maikli niyang sambit. Alam kong hindi lang sila nag-kamustahan. Seryoso ang mukha kanina ni Hera. Sana naman huwag na siyang guluhin pa ni Tierios. Baka sakaling humupa na ang galit ko kapag linubayan na niya si Hera. Nag-kibit balikat na lamang ako. Inunahan ko na siya sa pag-lalakad. Narinig ko naman ang mga yabag niyang humahabol. Sinimulan na namin ang pag-gugupit. Gumawa kami ng letter na happy fiesta. Gamit ang cartoon at saka foil na ginawa naming cover. Sari-saring kulay ang gamit namin para talagang fiesta theme. Nagkakabit ako, dahil medyo may kaliitan ako ginawa kong patungan ang upuan. Iyong pabilog na upuan kaya minsan ay natatakot ako na baka mahulog. Isang maling galaw lang kasi ay pwede akong mapasalampak sa sahig. Kaya nariyan lang yung si Troy kasama namin nag-dedecorate nakaalalay sa akin at hinahawakan yung upuan. “Okay na ba?” tanong ko kela Hera inaayos ko kasi yung kurtina nilagay namin. Tapos na naming magkabit yung kurtina na patagilid na lamang ang problema. Umiling sila na pinagtataka ko. Feeling ko naman kasi okay na. Kanina pa ako dito nakatayo. Nangangawit na nga yung paa ko. Sinubukan kong umatras pero sa katangahan ko saka ko lamang narealiz na nasa ibabaw ako ng upuan. Kaya ang ending napasalampak ako sa mainit na sahig. But, wait ang lambot naman ng sahig na ito. Kinuskos ko pa ang aking mukha dito. “Ang lambot naman ng sahig na ito,” ani ko habang nakapikit ang aking mata at napapangiti. Kinukoskos ko ulit ang pisngi ko sa malambot na sahig sabay pagmulat ng aking mata. Isang anghel na bumaba sa langit ang tumambad sa akin. May sira na ata utak ko bakit narito si bakulaw. Kinusot ko ang aking mata saka muling minulat. “Ay kalabaw!” naibulalas ko nung narealize ko na hindi pala sa sahig ang bagsak ko kundi sa mga bisig ni bakulaw. Napatayo ako ng wala sa oras. Hindi ko inaasahan na ang pagka-out of balance ko kaya kinabig niya ako. Ang lapit namin na halos marinig ang hininga ng isa’t isa. Ngayon ko lamang lalong napag-masdan ang mukha niya. Ang haba ng pilik mata. Meron pa siyang brown eyes. Matangos na ilong at kissable na lips. Napamulagat ang mata ko ng mas lalo niyang nilapit ang mukha ko at ngumiti. Nagdulot ng kiliti sa akin ng dahan-dahan niyang nilalapit ang bibig sa tainga ko. Kinilabutan ako ng maramdaman ko nag init ng kanyang hininga. “Marami pa lang nagkakandarapa sayo, konte na lang kakatayim na nila ako.” Humarap siya sa akin at ngumisi bago kumindat saka walk out. Tumingin ako sa direksyon kung saan hindi ko nakikita kanina. Sa likuran ko, natagpuan ko roon sila Warren, kuya at Grey. What the f*** naiusal ko na lamang sa isipan ko. Ang talim ng tingin sa akin ni kuya Yuhance. Habang sila Grey at Warren ay masama ang tingin na sinundan si Vlademir. Lumapit ako sa kinaroroonan nila. Ginawa ko lahat para maging kalmado. Para kasing kakatayin na ako ni kuya. Nakakatakot talaga siya. “Ku..ku…ya,” pilit ang ngiti kong ginawaran siya. Sino ba naman kasing di mag-aalinlangan ngumiti. Kung parang susukmal na tigre ang kaharap mo. “Sino yun?” usisa niya na matalim padin na nakatingin sa akin. Gosh, lupa lamunin mo na lamang ako. Jusko po, tulungan niyo naman ako. Natutop ang bibig ko. Wala akong makapang sagot. May umakbay sa akin mula sa likod. Pagtingin ko si Hera na nasisiyahan pa sa nangyayari sa akin. “Kuya Yuhance, paano ba yan? Dalaga na ang baby niyo.” Nang-aasar na ani niya kaya siniko ko siya. Nakakainis tong babaeng ito. Gusto ata akong ipatustado sa naglalagablab na apoy. “Pinagsasabi mo bang babae ka?” Tinaas babaan ko siya ng mata para balaan na huwag ng dagdagan pa ang inis ni kuya. “Deny ka pa, ang sweet kaya sayo ng mestisong guests hahahah.” Talagang ayaw akong tigilan ng babae na ito hanggat hindi ako nag-aagaw buhay. Yari ka mamaya sa akin. Huling halakhak mo na yan. “Ang fafa pa, mukhang may pandesal pa san ka pa, yummy.” May palunok at dila pa siya ng kanyang bibig. Wrong move ka girl. Ito na yung oras para makatakas ako kay kuya. Sininko siya ng dalawa habang nakapikit pa at parang may kinakain na ninanamnam. “Hera!” Babala ni Warren dahil maging siya ay natatakot sa awra ni kuya. Ang babaita hindi talaga nakakahalata. Kaya naman ng imulat niya ang kanyang mga mata ay para siyang nabawian ng hininga. Serve you right b***h hahahha. Nilapit ko ang tainga sa bibig niya,”Total ikaw naman nagtapon sa akin ng trabaho. Baka naman pwedeng ikaw na bahala kay kuya.” Napangisi ako at tumakbo na papalayo. “Hoyyy! Briiii!!” Nakakabingi na sigaw ni Hera pero kinawayan ko lamang siya at tatawa-tawang umuwi na sa bahay ko. Naglalakad ako habang may pasway-sway pa ng mga kamay at bewang. Sa wakas, nakapag-higanti rin ako sa kanya. Kala niya ah walang kaibigan, kaibigan ngayon hahhaha. Nadaanan ko ang mini park ng isla. Kung saan ay mayroong mga sunflower, roses, bugambilia at iba pang mga bulaklak. May swing at siso dito para sa mga batang gustong maglaro. Sa katunayan nga ay tuwing hapon ay nagtitipon-tipon ang mga bata para maglaro sila. Kagaya namin noon nila Warren, Hera at iba pa naming mga kaibigan. Naaliw ako sa mga bulaklak kaya napapakanta ako. Para bang sa princess story na nababasa ko. Paikot-ikot yung princess habang pakanta-kanta tapos bigla niyang mababangga yung prince. Tapos sasaluhin ng prince yung princess na kamuntikan ng matumba. Nakakatuwa lang na sa ganung paraan nag-sisimula ang love story ng dalawang taong nag-iibigan. Parang si papa at mama. Hindi nagmula dito sa isla si mama. Galing siya sa city. Nagkakilala lamang sila ni papa ng lumabas ng isla si papa. Kaya doon sila sa city nagkakilala at nangarap ng pamilya. Pero dito tinupad ang pinangarap nila. Minsan hinihiling ko na sana magkaroon din ako ng lalaking kagaya ni papa. Mula bata ako nakita ko kung papaano alagaan ni papa si mama. Kahit tumatanda na sila wala pa din kupas. Nagmumuni-muni ako ng biglang may sumapo sa pwet ko. Handa na sana akong manapak ng biglang lumantad sa mukha ko si bakulaw. Pinandilatan ko siya ng mata. Tumingin ako sa paligid baka may taong nakakita sa ginawa niya. Kakatapos ko nga lang makatakas sa naglalagblab na apoy ni kuya. Nakahinga ako ng maluwag ng masigurado kong wala naman. “Talaga bang trip na trip mong ipahamak ako?” Nagngingitngit sa galit na sambit ko. “To naman, namimiss na kasi kita.” Pababy ang bakulaw putek. “Umalis ka kasi ng walang paalam kaninang umaga,” dagdag niya pa at biglang yumakap sa akin na kinagulat ko. Gusto ata akong atakehin ng lalaki na ito. Kutang-kuta na siya kanina pa. Tinulak ko siya palayo. Tsaka napatakbo, uuwi na talaga ako promise hindi na ako tatambay. Mas mabuti pa atang magkulong na lamang ako sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD