Prologue
"Ano ba talaga tayo?" deretsahan kong tanong.
Narito kami sa silid na tinitirhan niya rito sa hotel na pagmamay-ari ko. Katatapos lamang naming magtalik ng sumagi sa isipan ko ang mga agam-agam na pilit kong kalimutan.
Hindi siya sumagot pero naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang labi sa aking batok. Ayan na naman siya lagi na lamang ganito ang nangyayari sa tuwing tinatanong ko ang tungkol sa kung ano ang namamagitan sa amin.
Lumayo ako sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata,"Mahal mo ba talaga ako?"
Alam kong huwag ko dapat pagdudahan ang pagmamahal niya sa akin. Kasi ramdam ko naman yung pagmamahal niya. Hindi ko lamang talaga maiwasan na isipin kung ano ba talaga ako para sa kanya.
"Tinatanong pa ba yan?" Sinubukan niya akong yakapin.
Lumayo ako upang bigyan ng distansya ang pagitan namin. Eto na naman siya, paulit-ulit na lamang ganito ang nangyayari.
"Hindi mo ako masisisi Tierios, tinataya ko lahat para sa iyo. Kahit na alam kong magagalit ang pamilya ko at mga kaibigan ko." Mahihimigan ang lungkot sa tono ng boses ko.
Kasi naman ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung tipong pakiramdam ko hindi ako buo. Buo naman ako noong mga panahon na wala pa siya sa buhay ko. Pero bakit ngayon parang nawala ang isang parte ng pagkatao ko.
Ang malambot niyang kamay ay humahplos sa aking likuran,"Hindi pa ba sapat na masaya tayo?"
"Tierios ano ba!" naiinis kong bulyaw.
Hindi siya nag-seseryoso kapag tungkol sa relasyon namin ang pinag-uusapan. Lagi na lang, nakakapagod din umintindi minsan.
"Come on Bri, enjoy na lamang natin ang gabing ito." Nang aakit ang ngiting iginawad niya sa akin.
Sumunod na ginawa niya ang hindi ko inaasahan. Inabot niya ang mga mayayaman kong dibdib at nilamas ito. Sinamaan ko siya ng tingin. Tsaka tinabig ang kamay niya.
Hinila niya ako pahiga kaya naman nasigawan ko na soya,"Namumuro ka na!"
"Bakit? Ayaw mo?" tanong niya habang naglalakbay ang kamay niya pababa sa aking hita.
Ang halay talaga ng bakulaw. Tinapik ko yung kamay niya paalis sa hita ko at tinalikuran siya. Syempre pakipot muna ang atwe niyo.
"Nagtatampo yung mushroom ko?" Malambing na sambit niya kaya naman ang puso ko nakikipag karerahan sa kabayo.
Mushroom yung tawag niya sa akin dahil daw sa maliit ako. Nagkataon pang naka sombrero ako ng bucket cap ng salubungin namin sila dito sa isla.
Britannia naman mag-pakipot ka muna para hindi niya mahalatang patay na patay ka kay bakulaw.
Huminga ako ng malalim saka ako nagtutulog-tulugan. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama at kasunod noon ay ang mga yapak niya. Akala ko lalabas siya pero nagulat na lamang ako ng buhat-buhat niya ako ng pang bridal style.
"Waaaaahhhh! Tierios ibaba mo ako," pinandilatan ko siya pero hindi siya nakikinig.
Ninakawan niya ako ng halik. Kaya naman ginawaran ko din siya ng reward. Sinabunutan ko ang buhok niya.
“Aray! Britannia bitawan mo ang buhok ko,” nagbabanta niyang reklamo.
Mas lalo ko lamang diniinan ang pag sabunot sa kanya. Alam kong para akong bata sa inasta ko. Ewan ko ba, gusto ko lamang umastang bata sa di ko malamang dahilan.
"Tierios! Aaaa…no….baaaa…!" Kiniliti niya ako kaya naman nabitawan ko ang buhok niya.
Pinagpapalo ko pa ang kanyang balikat para itigil niya ang pag-kiliti. Hanggang sa narrating namin ang salas saka lamang niya tinigi. Ibinaba niya ako sa sofa saka siya dumagan sa akin. Ang silid kasi ay para siyang mini house na kumpleto lahat ng kakailanganin ng mga guest.
"Ano tatanggi ka pa ba?" naghahamon na tanong niya.
Hindi ako sumagot, nagpalunod na lamang ako sa mga titig niya. Hinawi niya ang buhok kong tumatakip sa mukha ko.
Naramdaman ko na lamang ang labi niya dinadampian ang aking labi. Gosh ito talagang lalaking ito ang hirap-hirap tanggian.
Kumapit na lamang ako sa batok niya at sinunggaban ang halik na iginagawad niya. Sinubukan kong tumayo para ako ang pumaibabaw sa kanya at nagparaya naman ang bakulaw.
Lumapit ako sa tainga niya saka bumulong,"Alam mo ba?”
Ngumisi ako sa pagitan ng halikan namin,"I never desired to play with a boys d**k,"
Kinindatan ko siya. Imbes na magulat ay napatawa pa ang bakulaw.
"Talaga?" naghahamon ang tinig na sambit niya.
Tumango ako, bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Ngayon ba? Hindi pa din?" Ginaya niya ang kamay ko patungo sa buhay na buhay na niyang sandata.
"I like it, nope, I enjoyed it." Binasa ko ang labi na para bang nang-aakit.
Matapos ko iyong sambitin ay hinaplos-haplos ko ang kanyang sandata sa paraan na alam kong nakikiliti siya. Sa gayon ay mababaliw siya at isisigaw ang pangalan ko.
Hindi ko man makuha ang hinihingi ko sa kanyang assurance. Siguraduhin ko naman na hahanap-hanapin niya ang presensya ko.
"Hindi mo ba na eenjoy?” sumimangot ako.
Nakita ko ang pagpipigil niya. Kaya naman mas lalo akong ginanahan na asarin siya.
"Don't tease me," may banta sa kanyang boses.
Imbes na pakinggan siya ay mas lalo ko pa siyang inasar,"Akala ko ba gusto mo pa? Ikaw nga nang-aasar kanina,"
Nag pabebe ako sa harapan niya. Gusto ko na lamang tawanan ang aking sarili sa pinaggagawa ko.
"Huwag mo akong hinahamon mushroom." Hinila niya ako dahilan upang mas naging malapit ang mukha namin.
Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga,"Tumigil lamang ako dahil sabi mong pagod ka."
Napatayo ako bigla sa ibinulong niya. Masyado naman seryoso ang bakulaw. Yan kasi Britania napapala mo sa pang-aasar, takot ka din naman pala.
"Di ka naman mabiro," napipilitan akong ngumiti.
Pilit ang mga ngiting ginawad ko at akmang tatayo na ng haklitin niya ang kamay ko.Bumalik ako sa ibabaw niya dahil sa paghila niya
"Matulog na tayo," ani niya.
Gusto yata akong baliwin ng lalaki na ito. Hindi ko keri ang init ng katawan niya. Sobra akong napapaso.
"Goodnight, my mushroom." Musika sa pandinig ang boses niya.
Huling sinatinig niya sabay pikit ng mga mata habang naka-yapos ang kamay sa bewang ko. Hindi ko na lamang siya sinagot at sapilitang matulog kahit didistracted ako sa kanyang katawan.
Alam kong pwedeng may hangganan ang saya na nararamdaman ko. Pero ayoko muna isipin yon dahil ngayon lamang ako nakaramdam ng sayang pinaparamdam sa akin ni Vlademir. Ngunit umaasa akong sana pang-habang buhay na ang kaligayahan na nararamdaman ko.