Chapter 1: First Encounter

2186 Words
"WELCOME TO THE PARADISE!" Malugod na pagtanggap ni Hera sa mga guest. Kasama ang mga katrabaho, kaibigan at pamilya ay sinalubong namin ang new sets of guest dito sa isla. Every month kasi ay may dalawampung katao lamang ang tinatanggap naming mag-guest. Ayon sa kasunduan ay magtatanggal lamang sila ng isang buwan dito. Para naman magkaroon ng chance ang iba na bisitahin ang isla. Mahigpit ang seguridad dito sa isla. Ayaw naming mag-papasok ng kung sinuman dahil gusto naming panatilihin ang kapayapaan at kalinisan ng isla. "Mayroon lamang tayong dalawang patakaran sa isla," Si Hera na nag-oorient. "Una, bawal ang cellphone dito sa isla." Nagpalakad-lakad si Hera sa harap nila habang sinasabi ang mga patakaran sa isla. "Kaya kung maari mamaya ay ilahad niyo sa inyong harapan ang mga bagahe upang masuri ito at confiscate namin pansamantala ang kahit na anong gadgets na dala niyo," Tuloy-tuloy na litanya ni Hera. "Pangalawa, respetuhin niyo ang mga tao rito at kapwa niyo guests." Halata mong mataray siya sa boses pa lang. "Ang sino mang mairereport na nambastos at walang galang sa ang pakikitungo sa mga tao dito sa isla. Mapapalayas kahit hindi pa tapos ang kontrata." Diniinan niya ang pagkakasabi dahil talaga naman na mahigpit kami kapag salitang bastusan na ang pinag-uusapan. "Bad mood ba yan?" bulong sa akin ni Warren na nasa tabi ko. "Ewan, manahimik ka na lang," pabulong na sagot ko sa kanya na ikinailing niya. Madaling mairita si Hera. Kaya kung hindi mo siya kayang ihandle mas mabuting huwag ka na lang manlaban sa kanya. "Maliwanag ba ang lahat?" Gusto kong matawa kay Hera dahil para siyang chief police officer at ang mga guests ang trainees. Sumagot naman ng oo ang mga dalawampung guests. Pagkatapos sila ma orient ay naghiwa-hiwalay na sila kasama ang kanya-kanyang tour guide. Gusto ko kasing may kanya-kanyang tour guide ang guest at sila ang makakasama nila sa buong pamamalagi nila dito sa isla. "Tara na.” Sinakbit niya ang kanang kamay sa balikat ko. "Oo nga pala, anong ginagawa mo rito?" dudang tanong ko. Nakakapagtaka lamang kasing narito siya't kasamang sinasalubong ang mga guest palagi pa naman yan busy. "Kasi binulong sa akin ng hangin na miss mo na ako." Nangingiti siyang parang baliw. Inirapan ko siya at nauna nang maglakad. Wala akong mapapala sa kanya kaya mas mabuti pang iwan siya. "Galves!" sigaw ni Herra na nakapagpatigil sa akin. Hinintay ko siyang makatuntong sa kinaroroonan ko. May kasama siya at sa tingin ko ay isa sa mga guest. "Bakit? May problema ba?" formal na hayag ko. "Wala si Sanya," kahit hindi niya na sabihin alam ko na ang ibig niyang iparating. Si Sanya ay isang tour guide. Mahilig kasi siyang mamasyal kaya ang hinuha ko nasa city na naman siya. At oo, pwede kaming maglabas pasok dito basta ba isa kang residente dito sa isla. Ako yung boss dito pero pakiramdam ko isa lang akong utusan. Nakakainis talaga sarap nilang hapasin. "Kaya mo na yan, fighting." Binigyan ko siya ng fighting gesture saka tinalikuran siya. Hindi pa ako nakakalayo ay may humawak sa palapulsuhan ko. Pagtingin ko ay ang maamong mukha ng guests ang aking nasilayan. Ang laki ng ngiti niyang nakatitig sa akin. "Can you be my tour guide?” mahihinuha ang pagmamakaawa ng boses niya. Limang minuto ay natulala ako sa mukha niya. Ang kanyang boses, hindi ko alam kong nilambingan niya ito o normal lang talagang malambing. "Okay." Saka ko lamang narealize ang sagot ko ng magsalita si Warren na nasa tabi ko. "Hindi pwede," awtoridad na sambit ni Warren kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. "Hera, ikaw na lamang ang pumalit kay Sanya." Hindi siya nakikiusap kundi inutusan niya ang babae. "Kailan mo pa ako naging utusan?" Taas ang kilay na sambit ni Herra. "Marami pa akong gagawin kaya iiwanan ko na sa iyong pangangalaga ang guest." Nakatingin siya sa akin kaya tiyak kong sa akin niya iyon sinasabi. Hindi na niya hinintay pa ang tugon ko at nauna na siyang naglakad papalayo. Akala ko makakapag lakwatsa na ako. Last month din kasi nagbakasyon si Archille kaya ako ang gumawa sa mga nakaatas sa kanya. "Sho! Umalis ka na nga," nabuburat kong na sambit kay Warren na mag-kasalubong ang kilay. "Ayoko! Sasamahan ko kayo sa pamamasyal," para siyang kuya ko kung makapagsalita. Pinanlakihan ko siya ng mata para hindi na makipag talastasan dahil wala na akong lakas. “Alam mong magagalit sila Yuhance. Kilala mo naman ang mga kuya mo, lagi ka pa naman nilang hinahabilin sa amin.” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Pwersahan kong tinanggal ang kamay niya. Tsaka ko tinadyakan ang isang paa niya. Ayon, napa-okay sign siya, serve him right. Hinintay ko muna na makalayo si Warren bago ko harapin ang guest. "Good morning sir! Welcome to Isla Herrua. Ang islang makapagbibigay sa iyo ng kaligayahan at kapayapaan!" pagbati ko. Kahit na matamlay ako dahil sa dismaya na nararamdaman. Hindi ko ipinahalata iyon at masigla na binati ang guest Hindi siya sumagot ngunit mapapansin sa kanyang mukha na natatawa siya. Kaya naman seryoso ang aking mukha. "May nakakatawa po ba sa mukha ko?" naguguluhan na tanong ko. "O nakakatawa po ba ang sinabi ko?" Hindi siya sumagot bagkus ang pinipigilan niyang tawa ay nailabas na nga siya. Napipilitan na sumabay ako sa pagtawa niya. "I'm sorry," natatawa pa din niyang paghingi ng patawad. "Natutuwa lang ako sa sinabi mong bibigyan ako ng kaligayahan ng isla na ito." Pilyo siyang ngumiti kaya pilit akong ngumiti sa kanya. "Tara na nga lamang sa silid." Natatawa niyang sambit at nauna pa siyang maglakad. "Sir! Mali po ang tinatahak niyo." May kalakasan ang boses na litanya ko. Napalingon siya saka siya napakamot ng marealize ang sinabi ko. Itinuro ko naman ang daan at inunahan siya sa paglalakad para iguide. Tahimik lamang kami habang tinatahak ang daan patungo sa kanyang silid. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng kanyang silid at inabot ko ang susi na dinaanan namin kanina sa guard house. Napasandal siya sa pinto habang tumitig sa akin dahilan upang mailang ako. Gosh, naman huwag mo akong titigan ng ganyan natutunaw ako "May dumi po ba ako sa mukha?" Gustong-gusto kong batukan ang sarili dahil sa nautal ako. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili dahil sa nagdedeliryo na sa aking loob. Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo ng lalaki na ito ang sarap iuwi. "Wala," sabay tawa niya. "Btw, Vlademir Jimenez." Nilahad niya ang kanyang kamay kaya inabot ko naman ito. "Britannia Galves po." Pagpapakilala ko naman. "Po?" Napapantastikuhan na tanong niya. "Bakit po? May problema po ba?" tanong ko. Di ko siya gets, alien ba siya? Siya lang kasi nakakaintindi ng sinasabi niya. "How old are you," nakangiti na tanong niya. "25 po," maikling sagot ko. Manhid yata siya hindi ba niya nahahalata na kanina ko pa gustong umalis. Kung pwede lang talaga huwag sagutin ang mga tanong ng guest magiging pipi talaga ako rito. Kahit mapanis pa ang laway ko. "I'm 2 years older, kaya kung pwede crop the po." Pinasingkit niya ang isang mata. Anwebe, huwag ka ngang magpacute jan baka iuwi na talaga kita. Isako ko na kaya? Yun pala ibig sabihin niya. Todo reklamo pa ako dito ako lang naman pala ang slow. "Okay po, ay este okay." nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "Just call me Vlad," saad niya na ikinatango ko. "And can I call you mine?" malandi niyang hayag na ikinangiti ko ng pilit. "Joke," sunod niyang saad habang natatawa. "Bri na lamang." sabi ko para naman matapos na. "Okay then," sa wakas binuksan na niya ang pinto sa kanyang silid. Akala ko isasara na niya ang pinto ng nakasilip ang kanyang ulo sa pinto,"See you later, mushroom." binigyan niya ako ng ngiting nakakapang-akit. Bumilis ang t***k ng puso ko. Gosh, ano ba itong nangyayari sa akin? Para akong nasaniban, nakakapanibago. Pagkasara niya ng pinto ay umalis din kaagad ako. Wala na siya sa aking harapan pero ang mukha niya ay tumatak sa aking isipan. Kaya naman para na akong praning dito. Hindi alam kung paano tanggalin ang mukha niya sa isipan ko. "Britannia Galves! Ano bang nangyari sa iyo, lalaki lang yun!" Inis na sambit ko sa aking sarili at pinagsasampal ang pisngi para iwaksi ang mukha ng lalaki sa aking isipan. "Sinong lalaki?" Napatalon ako dahil sa gulat sa kung sino man ang may-ari ng boses na iyon. "Ayy butiki!!" Napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Napatingin ako sa taong gumulat sa akin. Si Grey kasama ang iba pa naming mga kaibigan. "Grey naman! Wag ka ngang nanggugulat!" Pinagpapalo ko siya at todo sangga lang naman siya. "Kanina pa kami tawag ng tawag sayo," sabat naman ni Haile. “Ano bang nangyari sayo?” tanong ni Haile na mahihimigan ang pag-aalala. "Bakit mo ba sinasampal ang sarili mo?" Si Grey, hinawakan ang pisngi na sa tingin ko ay ineexamine. "Wala, may katangahan kasi akong nagawa." Palusot ko na lamang. "Sino yung lalaki na sinambit mo kanina?" Si Troy na seryoso ang tingin sa akin. "Si Warren yun," mahirap silang mapaniwala kaya naman siniguro ko na mapapaniwala ko sila sa kasinungalingan ko. "Inaasar kasi niya ako kanina kaya ayon naiinis na naman ako sa kanya." Sumimangot ako saka yumakap kay Haile na nasa tabi ko. "Bakit ka niya inaasar?" Gusto ko na lamang ulit batukan ang sarili. Talaga naman na wala akong kawala sa mga ito. Baka kung ano na naman ang gagawin nila sa bagong guest pag sinabi ko ang totoo. "Britannia!" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Hera. Napatingin kaming lahat sa kanya. Mayroon siyang kausap kaya sinenyasan niya lamang akong lumapit. Kinuha ko na ang pagkakataon para makatakas "Bye guys." Sambit ko na lamang at walang lingon na tumakbo papunta kay Hera. Tawag sila ng tawag pero hindi ko na sila pinansin pa. Buti naman at nakatakas na ako sa mga bakulaw na iyon. Hulog talaga ng langit si Hera. Para akong karne na natustado sa uling na nagliliyab ang apoy. "Hi!" bati ko kay Hera pati na rin sa mga kasama niya na sa hinuha ko ay guests dito sa isla. "Pam has an emergency," heto na naman siya. Binabawi ko na, hindi siya hulog ng langit. Hinulog siya ni satanas para guluhin ang tahimik kong buhay. Palit na lang kaya kami siya na yung boss ako na yung empleyado. Kung hindi ko lamang kaibigan ito baka sinesante ko na. "Hera hindi ko kayang pagsabayin ang dalawa," paalala ko sa kanya baka nakakalimutan niyang binigyan niya ako ng responsibilidad kani-kanina lang din. "But, Bri alam mo naman na baguhan ang karamihan sa mga tour guide ng hotel mo.” Sinusuyo niya ako sa paraan ng paghawak ng kamay ko. Napapikit na lamang ako. Syempre matalik kong kaibigan iyan. Alam na alam ang kahinaan ko. Karamihan kasi sa mga empleyado kong dalubhasa sa pagiging tourist guide ay resigned na. Ang dahilan nila ay gusto nilang subukan ang buhay sa lungsod. Matagal din kasi ang pamamalagi nila rito sa isla at gusto din nilang maexperience ang buhay sa lungsod. "Anong gusto mo hatiin ko ang sarili ko?" naiinis na din talaga ako kaya hindi ko na mapigilan ang pagtaasan siya ng boses. Alam naman niyang wala pa akong pahinga. Last week pagkatapos makauwi ng mga guests last month. Busy ako sa pinapatayo naming bagong gusali dito sa isla. Binabalak kasi naming magkaroon ng karaoke lounge building last year pa lang at ngayong taon isinasagawa ang pag-papatayo. "I wouldn't be a burden." Nakaagaw ng atensyon ko ang guest na kasama ni Hera. "I'm sorry sir, pero kasi baka ayaw ng naka assign sa aking tourist na may kasama siya sa pamamasyal dito sa isla." Tumingin ako kay Hera nakikiusap na huwag ng ipilit pa. "Hera alam mo naman ang patakaran dito sa isla diba?" nagpapahiwatig na alalahanin niya ang mga rules ng hotel pagdating sa mga turista. "I'm sorry sir, but can you stay in your room for now? While I find someone who can be your tourist guide." Pagsuko ni Hera na pinakiusapan ang guest. "Why not na for a while makisabit muna ako sa lakad ng turista na hawak mo?" Nakatingin niyang sambit sa akin na nakapag-panganga sa akin. Nagkatinginan kami ni Hera. Hindi pa man siya nagsasalita ay alam kung nakumbinsi na naman siya sa sinabi ng turista. Isara ko na lamang kaya itong hotel para wala na akong sakit ng ulo. Tinahak ko ang pagiging negosyante kasi ang akala ko wala masyadong gagawin kapag owner ka. Nakakadismaya lamang talaga at puro mga kaibigan ko ang empleyado ko. Yan tuloy parang ako yung empleyado nila sa lagay ko ngayon. Binigyan ko ng nagmamakaawang tingin si Hera. Pero ang gaga tinaasan lamang ako ng kilay. "Hanggang sa may makita silang maging tour guide ko,” sambit ng turista. Ang kulit naman ng lalaki na ito hindi ko alam kung bingi ba talaga siya o may nakaharang lamang sa kanyang tenga. Kainis bagay na bagay sila ni Hera, mapilit. Pinakalma ko ang sarili at nginitian ang turista kahit na gustong gusto ko na siya ng itapon sa karagatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD