Chapter 2: The Pride of Herrua

2157 Words
"Sino siya?" Si Vlademir Tinutukoy ang guests na pinagkatiwala sa akin ni Hera. Siya pala si Darius yun ang pakilala niya sa akin kanina. Ang daldal niya nakakapang-init ng ulo buti na lamang at tumawag si Vlademir sa management kanina. "Iyon na nga sana ang sasabihin ko. Nagkaroon kasi ulit ng emergency yung isa naming tour guide," nakayukong sambit ko. "Isasama ko po sana siya sa pamamasyal hanggang sa makahanap ng magiging tour guide niya." Kinagat ko na lamang ang labi dulot ng hiya. Alam kong ang kapal ng mukha kong makiusap sa kanya. Hindi na ito tama, nalalabag na ang patakaran ng hotel ko. Baka hindi pa siya satisfied sa serbisyo ng hotel ko. "As long as hindi siya magiging problema okay lamang sa akin," mahinahon na hayag ni Vlademir. "Vlademir pala bro," pagpapakilala niya kay Darius at nilahad ang kamay para makipag-shake hands. "Darius po," magalang na pagpapakilala ni Darius at nakangiting tinanggap ang nakalahad na kamay ni Vlademir. "Ilang taon ka na?" nahihiwagaan na tanong ni Vlademir na kagaya ko din ay napapantastikuhan dahil karamihan sa guest rito ay may katandaan na. "17 pa lamang po," kaya naman pala ang bata pa ng mukha. “Sikat po ba kayo sa lungsod?” usisa ni Darius. Natulala si Vlademir,”Hindi, simpleng tao lang ako.” Tumango na lamang si Darius. Bilang pagsang-ayon sa tinuran ni Vlademir. Nahihiwagaan ako sa pakay ni Darius dito sa isla. Sa ilang taon pag-operate ng hotel ko ay ngayon pa lamang may bumisita sa isla na minor. Si Hera kasi ang naka-assigned sa booking ng mga guests. Magsasalita pa sana si Vlademir ngunit hindi na ito natuloy dahil dumating na ang sasakyan namin papunta sa hardin ng isla. Ang Herrua Hardin ay isa sa ipinagmamalaking tourist spot dito sa isla. Bukod sa hindi man made ang napakaliit nitong falls ay napakaraming mga bulaklak na kaaya-aya. Sa gitna ng hardin ay mayroong lawa na nagiging swimming pool. By schedule ang pagpunta rito para mapanatili ang kalinisan at maenjoy ng mga turista ang Hardin. Walang nagbabantay dito pero may headquarters na hindi kalayuan para may saklolo sakaling magka-emergency. Kailangan lamang pindutin ng turista ang buton na nakakabit sa kubo para humingi ng tulong. "Welcome to Herrua Garden," masayang hayag ko sabay ang pagbukas sa gate ng hardin. Halos lahat ng turista na bumisita dito ay hindi makapaniwala sa nakikita. Kahit naman ako na laging bumisita dito ay hindi pa rin makapaniwala na mayroong ganitong lugar dito sa ibabaw ng lupa. Sino ba naman kasing hindi mamamangha kung ang Hardin ng Herrua ay parang Hardin ng isang diwata. Namamangha na nagtatakbo si Darius para lapitan ang mga paru paro na nagsisiliparan. Nakakatuwa siyang pagmasdan, bata pa nga siya. Napatawa na lamang ako sa naisip ko. Kung kanina naiinis ako sa batang iyan, ngayon nakakaaliw na siya. "Ang hardin ng Herrua lamang ang hardin na magpaparanas sa inyo kung ano ang pakiramdam na mapunta sa langit." nakangiti kong sambit. Maraming nagsasabi na hindi makatotohanan ang hardin. Well, tama naman talaga sila kaya nga pinapareha namin ito sa langit kung saan sinasabi nilang walang makakatalo sa kagandahan ng hardin ng langit. Napa-ubo si Vlademir na hindi pa nakaka-lagpas sa gate kaya naman napatingin ako sa kanya. Binigyan ko siya ng ‘okay ka lang ba look’ pero ang bakulaw nginisian lamang ako. "Ano kayang pakiramdam na mapunta sa langit na sinasabi mo, matry nga." Malisyoso siyang ngumiti saka pumasok sa hardin. Naguguluhan naman na naiwan ako habang ang dalawa ay naglilibot-libot na sa hardin. Pinoproseso sa isipan ko ang sinambit ni Vlademir. At ng makuha ko ang pahiwatig ng kanyang mga salita ay nasampal ko na lamang ang sarili sa gulat. "Gosh, Britannia ang dumi ng utak mo nasobrahan ka na naman sa pag-aanalisa." Saway ko na lamang sa sarili at sumunod sa dalawa na tumampisaw na sa lawa. "Ate Bri! Tara na!" Si Darius na nasisiyahan sa paglubog ng katawan sa tubig. Nagtungo muna ako sa kubo para magpalit ng panligo. T-shirt at pants kasi ang suot ko. Hindi na ako nakapag palit dahil sa mga bakulaw na humarang sa akin kanina at ang pangungulit sa akin ni Hera. Buti na lamang at may extra shirt ako sa bag at undies. Suot-suot ang t-shirt na puti at cycling ay nagtungo na ako sa kinaroroonan nila. Nadatnan ko si Darius na busy sa pakikipaghabulan sa mga paru paro. At si Vlademir naman ay kakaahon lamang sa tubig. Nagkahulian kami ng tingin. Ang lagkit ng kanyang tingin dahilan upang hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. "Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nakasaksi ng kaakit-akit na hardin." Narinig kong sambit ni Vlademir habang nasa akin ang tingin. Nagpalinga-linga ako para lumanghap ng hangin dahil kinakapos ako sa mga tingin niya. Bakit ba ang lakas ng epekto niya sa akin? Kainis para tuloy akong katawa-tawa sa mga kinikilos ko. Ang kabang nararamdaman ko ay naging double ng umahon siya sa lawa. Palapit siya ng palapit kaya naman naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Hanggang sa isang dangkal na lamang ang layo niya. Kinabahan ako na baka marinig niya ang malakas na pintig ng puso ko. Laking pasasalamat ko na lamang kay Darius dahil sinagip niya ako mula sa malalagkit na titig ni Vlademir. "Ahhhhhhhh!!!" Si Darius na hindi magkamayaw sa pagtakbo habang hinahabol siya ni Duggy. Si Duggy ay aso, siya ang nagbabantay dito sa Hardin sakali man may magtangkang pumasok sa Hardin at kumuha ng mga halaman. Marami kasing mga wild plants dito. "Duggy! Duggy" Tawag ko sa aso na tumigil naman sa paghabol kay Darius. Napatakbo palapit ang aso sa akin ng makita ako. At malambing itong nagsumiksik sa akin ng akayin ko siya. Mabait si Duggy lalo na sa mga tao dito sadyang mabagsik lang siya sa mga turista. Kaya kailangan talaga ng mga tour guide na makakasama ang mga turista na kilala ni Duggy para hindi sila kagatin ng aso. "Namiss mo ba ako?" Kausap ko sa kanya at inalalayan siya patungo sa kanyang tahanan. Tumahol naman ito na para bang sinasagot ang tanong ko. Kaya naman hinagod ko ang mga balahibo niya. Bago ito ipasok sa bahay bahayan niya. "Bye Duggy, pakabait ka," pamamaalam ko sa aso bago ito iwan at balikan sila Vlademir at Darius. Nadatnan kong inaasikaso ni Vlademir si Darius. Mukhang may sugat ito. Binilisan ko ang paglalakad para makarating agad sa kinaroroonan nila. Tama nga ang hinala ko dahil may sugat si Darius sa kanyang tuhod. "Bumalik na lamang tayo sa kabahayan," suhestiyon ko. Inakay ni Vlademir si Darius patungo sa sinakyan naming golf cart. Yung golf cart ay may solar panel para hindi masyadong maging polluted dito sa isla. Pwedeng sumakay ang apat na katao sa cart kabilang ang driver. Sinakay ni Vlademir si Darius sa cart kung saan naroon ang driver na tumatambay. Sumakay ako sa cart. Pinagtaka ko na nakatayo lamang si Vlademir, hindi siya sumakay. "Hindi ka sasama?" tanong ko. Umiling siya,"By schedule ang pagpunta rito diba? Susulitin ko na baka hindi na ako makasingit pag nagkataon." Nakangiti niyang paalala. Tama ang sinabi niya baka mahirapan siyang makabalik sa susunod na mga araw. Pero naman kasi, alangan iwan ko siya rito. Ayoko din naman na ipagkatiwala na lamang si Darius kay manong Hilario. "Ihahatid ko muna si Darius sa hospital, babalikan kita dito," sabi ko. "Huwag kang mag likot-likot dito maraming mababangis na hayop." Banta ko sa lalaki na sama ay umobra. Totoo talaga na maraming mababangis na hayop dito hindi ko lamang siya tinatakot. "Okay, then I'll wait for you here." Sambit niya bago kami talikuran at nagtungo sa lawa. Pinagmamasdan ko ang kanyang likod. Hindi talaga ako kampante na iwan siyang mag-isa. Kaya naman pinabilisan ko sa pagmamaneho si manong. Upang makabalik ako agad. Bka ano pang mangyari sa bakulaw na iyon. Madali kaming nakarating sa clinic. Mabuti na lamang at narito si nurse Sash ngayon. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi siya pumasok dahil sa kanyang anak. "Nurse, kayo na lamang po ang bahala sa kanya," bilin ko kay nurse Sash. Agad-agad din akong umalis. Pinaiwan ko na lamang si kuya Hilario para may kasama si Darius. Kinuha ko iyong golf cart. Ipapasundo ko na lamang sila kay kuya Karding isang driver din. Pagkarating ko sa hardin ay hindi ko makita ang anino ni Vlademir kaya naman kinabahan ako. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko kaya nagtatakbo ako habang isinisigaw ang pangalan niya. "Vlademir! Vlademir!" Sigaw ako ng sigaw ngunit walang sumasagot. "Saan naman kaya nagsusuot ang bakulaw." Isatinig ko na may halong pag-aalala. "Sinabi ko naman sa kanyang maraming mabangis na hayop dito bakit ang tigas-tigas ng ulo ng bakulaw na iyon." Inis na sambit ko na napapadyak-padyak. Reklamo ako ng reklamo rito ng may biglang bumuhat sa akin. Napasigaw ako sa takot. Sa tanang buhay ko ngayon pa lamang ako natakot ng ganito sa pamamalagi ko sa isla. "Hoyyyy! Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?" Hindi siya sumagot kaya pinagsusuntok ko ang kanyang likuran na walang damit. "Ano ba? Kung pera ang habol mo bibigyan kita huwag mo lamang akong saktan." Mangiyak-ngiyak ko ng pakiusap. Bakit ba ang malas-malas ko sa araw na ito lord. Lord naman, huwag mo pa akong kunin di pa nga ako nagka jowa. Tapos hindi ko pa naenjoy ang pagiging dalaga ko. Iparanas mo naman po sa akin yun bago mo ako kunin. Taim-tim akong nanalangin. Nakapikit ang mga mata, na umaasang sana ay pakinggan niya. "Marami po akong pera kung gusto niyo iyo na po lahat huwag niyo lang po akong papatayin." Alok ko pero hagikhik niya lamang na pinipilit niyang huwag ilabas ang aking narinig. Teka, parang pamilyar ang boses niya. Sinubukan kong silipin ang mukha niya at tama nga ang kutob. "Papatayin mo ba ako sa takot!" bulyaw ko sa kanya. Ang bakulaw nakuha mong ngumisi. Nakuha pa talaga niyang ngumisi. Pinag-alala na nga niya ako, tinakot pa ako. "Ibaba mo nga ako," inis na sambit ko na hindi niya sinunod. "Isa! Sabing ibaba mo ako!" Talagang ginagalit ako ni bakulaw. "Ayaw mo talaga akong ibaba, tignan natin ngayon," banta ko pero hindi siya nabahala. "Huwag mo akong sisisihin binalaan na kita." Huling sambit ko saka kinagat ang kanyang balikat. "Arayyyyy!" Namimilipit siya sa sakit kaya naman nabitawan niya ako. Buti na lamang at naging handa ako kaya maganda ang pag-lapag ko sa lupa. Pinamaywangan ko siya habang iniinda niya ang sakit dulot ng mga pangil ko. Ako pang aswang ang ginagalit niya, tsk! Kaninang nakayuko siya ay ang tapang-tapang kong tarayan siya. Subalit ng makita ko ang maamong niyang mukha ay natupi ako. Walang ingay na lumalabas sa kanyang bibig ngunit mapapansin na nasasaktan siya sa kagat ko. Kaya naman naging malambot na naman ang puso ko at humingi sa kanya ng tawad. "Sorry, hindi ko sinasadya." Nahihiyang hayag ko habang nakayuko. "Ikaw naman kasi sinabi na kasing ibaba mo ako." Napanguso na lamang ako dahil sa naguguilty ako sa ginawa ko. Hindi siya kumibo kaya naman nilapitan ko siya para haplusin ang parte na kinagat ko. Ito kasi yung ginagawa sa akin ni kuya kapag may masakit sa katawan. Basta walang sugat hinahaplos-haplo nila para mawala ang hapdi nito. "Kiss mo na lang kaya," pilyo niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sungit," parinig pa niya ngunit di ko na siya pinansin at nagtungo sa kubo. "Kiss mo na kasi ah para mawala ang hapdi," dada niya mula sa likuran ko Sumunod pala siya, hindi ko pa din siya pinansin at diretso lamang sa paglalakad. Pumasok ako sa loob ng kubo at uupo na sana ng kabigin niya ako paharap sa na kinalaki ng mga mata ko. Eto na naman ang nag karerahan sa loob-loob ko. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Tipong kinakabahan ako kapag malapit siya. Pinagpapawisan kapag titig na titig siya. Sobrang lakas talaga ng epekto niya sa akin na di ko maintindihan kung bakit ko yun nararamdaman. I never entered into a relationship. Kahit na maraming nanligaw sa akin. At ni minsan hindi ko naramdaman sa mga sumubok manligaw sa akin noon ang pakiramdam na naibibigay sa akin ng lalaki na ito. Maliban na lamang sa isang tao. "Oh, pumupula ang pisngi mo," nahihiwagaan niyang saad na mas lalong ikinainit ng pisngi ko kaya naman natulak ko siya. "Nagblublush ka ba?" nang-aasar niyang sambit kaya naman ay napatalikod ako. "Hindi ah," gustong-gusto kong tampalin ang bibig ko dahil sa pagka-defensive nito. "Defensive," aniya na tuwang-tuwa sa mga kinikilos ko. "Hindi nga kasi," suway ko. Ngunit hindi pa din siya tumigil sa kakatawa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka nga jan," mahihimigan ang inis sa aking boses. Naglakad na ako palabas ng hardin at naramdaman ko naman ang pagsunod niya. At hanggang sa sumakay kami sa golf cart ay ayaw pa din niya akong tigilan sa pang-aasar niya. Malas niya lamang nag-insists siyang magdrive kaya ayon batok ang nakuha sa akin. Serve him right hahahha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD