Chapter 3: Tempted

2016 Words
Nakahiga lamang ako sa kwarto ko. Buti na lamang at walang lakad si bakulaw kaya matiwasay ang buhay ko ngayong gabi. Si Darius naman ay nasa kanyang silid na. Di pa siya masyadong makalakad kaya kailangan niyang manatili sa kanyang silid. Gusto ko sanang ayain ang mga kaibigan kong mag-inom pero naalala kong umalis pala sila. Magsasaya na sana ako dahil walang mangungulit sa akin pero nakakalungkot lamang kasing wala akong kainuman at manlilibre sa akin. Nageemote ako dito dahil pakiramdam ko lonely ako today. Biglang nagring ang telepono sa kabilang side ng table ko. Ito lang ang allowed na gamitin dito sa isla. In case may kailangan ang mga turista sa mga tour guide nila. "Britannia's on the line," sambit ko pagkasagot ko pa lamang ng tawag. "Punta ka dito sa room ko." Kilala ko ang may-ari ng boses. Kala ko ba wala siyang lakad. Ano ba naman yan kala ko pa naman kung makakapag-pahinga ako mula sa kanya. "Bakit? Kala ko ba wala kang lakad ngayon?" tanong ko. "Wala nga, basta punta ka na lamang dito," Bossy niyang sabi saka ako pinatayan ng tawag. Napanganga na lang ako sa inasta niya at umiling-iling. Nagbihis ako dahil naka-pajama na ako ready na sanang matulog. Dahil nga istorbo ang Lolo niyo di magpapalit na naman ako. Sinuot ko na lamang ang t-shirt na bigay sa akin ni kuya at saka jersey short ang suot pambaba. Paglabas ko ng bahay sinalubong ako ng ihip ng hangin, kay lamig. Gusto ko sanang bumalik ulit sa loob para kumuha ng jacket pero tinatamad na ako. Kaya naman naglakad na ako sa direksyon kung saan ang silid ng bakulaw. Ang tinutuluyan nga pala ng mga guests ay hindi building style. Parang isang village ang hotel ko. Maraming mga bahay ang nakatayo na gawa sa mga kahoy. Para siyang old fashioned house. Nasa tapat na ako ng pinto. Dinig na dinig ko ang halakhak nilang dalawa ni Darius mula sa loob. "Ha? Bat narito siya, kala ko ba nagpapahinga na." naisatinig ko na lamang ng wala sa oras. Kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at niluwa nito si bakulaw. "Narito ka na pala," ani niya. Mabilis kong sinalo ang hinagis niyang apple. Ang gago muntik pa sa mukha ko. Kay sarap talagang ipatapon sa dagat, kainis. Naglakad siya at nilampasan ako kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. Sumenyas siyang sumunod ako sa kanya. Dahil masunurin naman ako ay sumunod ako. "Saan tayo pupunta? Hindi ba si Darius yung kasama mo sa loob?" tanong ko. Malalaki ang hakbang niya kaya hinahabol ko siya. Di siya na yung biniyayaan ng tangkad. Sarap niyang tadyakan. "Huyyy! Kausapin mo nga ako!" inis kong singhal. Di niya ako pinapansin para akong hangin lamang dito sa likuran niya. Napatigil siya na hindi ko inaasahan kaya naman natama ang mukha ko sa likuran niya. "Aray ko naman," sobrang tigas ng likuran niya parang bato siguro nag-gygym ito. "Ano ba naman yan! Ang sakit," reklamo na ako ng reklamo dito wala pa din akong narinig na response niya. Ang sakit ng ulo ko kainis. Hinilot ko ito baka may bukol na para kasing bakal balikat ni bakulaw. "Saan ba kasi tayo pupunta?" pag-alboroto ko. Sinabi ko nga huwag ko na lamang siyang kausapin. Naglalakad-lakad pa kami na para bang may hinahanap siya. Masakit na din yung paa ko sa layo ng linakad namin. Halos paikot-ikot lang naman Tumingin ako sa relo ko at alas diyes na pala. Isang oras din pala kaming palakad-lakad. At hindi ko parin mapagtanto kung anong hinahanap ng kasama ko. "Ayon!" Nakuha ng pansin ko ang biglaan niyang pagsasalita. "Sa wakas nagsalita ka rin, akala ko pipi ka na," saad ko saka ko siya inismiran. "Ano ba kasi yung hinahanap mo?" walang kaalam-alam na tanong ko sa kanya. Hindi na naman ako sinagot. Imbes na maghintay ng sagot niya ay napatingin na lamang ako sa kung saan direksyon naka-focus ang kanyang mga mata. "Bar? Seriously?" hindi makapaniwala na hayag ko. Kanina pa namin nadaanan yan. Sa mahigit limang ikot namin dito tapos bar lang pala ang hinahanap niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil nasa tagong parte ng isla ang bar. Kung hindi mo pagigihan ang pagmamasid sa paligid hindi mo talaga makikita ang bar. "Bar lang naman pala, sana sinabi mo na lamang sa akin," magkasalubong ang kilay na sambit ko habang nakapameywang sa harapan niya. "Kapag sinabi ko ba, sasama ka?" nanghahamon na ani niya. "Syempre," nagdadalawang isip kung anong isasagot ko. "Diba? Tama ako hindi," ani niya. Naglakad na sa direksyon papasok sa bar. Tama naman siya. Lahat kasi ng activities or lakad ng mga guests naka-schedule. May karapatang tumanggi ang mga tour guide nila kapag wala sa activities o lakad na nakasched. Kay Warren itong bar kaya nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi. Kilala kasi ako ng mga staff dito pati mga customers nila maliban na lamang siguro sa mga guests. Baka maikwento pa nila na may kasama akong lalaki na nagpunta sa bar. Kawawa naman si bakulaw pag nagkataon. Tutustaduhin na naman siya ng mga mokong kong kaibigan. "Good evening ma'am Britannia," bati sa akin ni Hugo isang waiter dito sa bar ni Warren. Isa siyang kaibigan ni Warren na nagmula sa lungsod at pinangarap na makapag-trabaho dito sa isla. Ayon nga tinupad ni Warren ang pangarap niya. "Secret lang natin to ah." Kuntsaba ko sa kanya para hindi siya mag-sumbong kela kuya at sa mga mokong na iyon. "Oo naman ma'am kayo pa." Kinindatan niya ako dahilan para matawa ako. Kunwaring tinulak ko naman siya,"Kaya nag-kakasundo tayo eh," Ginantihan ko ang kindat niya na kinatawa naming dalawa. Nag-aasaran pa kami ni Hugo ng may humawak sa palapulsuhan ko at tinangay ako palayo kay Hugo. Tumingin ako sa lapastangan na taong humihila na lang bigla. Si bakulaw pala, kumaway na lamang ako kay Hugo para mag-paalam. Dito sa tabi ng dagat napili ni Vlademir na pumwesto. Nag-lagay din kasi sila ng table dito sa labas pero mga limang table lamang. Para sa may drama sa buhay. "Aluh, may problema ka ba?" panic na tanong ko. Wala akong experience kung paano ihandle ang mga taong may problema. Wala pa naman kasing nagiging problema sila kuya pati yung mga kaibigan ko. Maliban na lamang kay Haile na iniwan ng first love niya. Di ko talaga siya makausap noon. Kaya hindi ako lumapit hanggat hindi pa siya okay noon.. Baka kasi maging pabigat lang aka. Kasi hindi ko din naman siya matutulungan kaya hinayaan ko na lamang na sila Warren ang dumamay sa kanya. "Alam mo kung hihingi ka ng advice sa akin huwag mo na ituloy wala kang mapapalang sagot." Umiling-iling pa ako habang nagbubukas na siya ng dalawang bote ng San Mig apple. "Pinagsasabi mo?" parang tangang sambit niya. Inismiran ko siya,"Ano bang trip mo?" Tinaas niya ang isang bote ng alak,"Inom lang naman pala ba't pa ako isinama," Kinuha ko ang isang bote ng binuksan niya at tinungga ito. Umiinom ako ng alak pero not totally na ginagawa ko itong hubby kapag may problema ako. "Boring umiinom mag-isa," sambit niya habang nakatitig sa nagsasayawan na tubig. "Mas boring naman kasama ka," bulong lamang sana iyon pero naka-abot pa din sa pandinig niya. "Ako boring?" tinuro pa niya ang sarili. Napatango ako na ikinaismid niya. Uminom siya ulit at pinunasan ang butil na nakatakas sa kanyang bibig. Pagkatapos ay tumitig siya sa akin dahilan upang mailang ako. Bumaling ang tingin ko. Tuwing napapatingin ako sa kanya nahuhulu ko pa din ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Nakakairita na yang titig mo," sita ko. Hindi na ako mapakali sa kinakaupuan ko. Para naman kasing mangangain siya, kinikilabutan ako. "Bakit? Titig lang naman ah," depensa niya at tinuon ang atensyon sa bote ng alak. "Titig na parang nangangain," hayag ko saka nilagok ang laman ng bote. "Kinakain na nga kita," nasamid ako sa naging sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Totoo nga, sa panaginip nga lang." Pilyo siyang ngumiti kaya tinadyakan ko ang paa niya. "Aray, bakit? Gusto mo?" nasisiyahan na hayag niya. "Alin?" kunot noo na tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinapat ang bibig sa aking tainga,"Kainin kita," Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. "Huminga ka naman, ayokong mawala ka magiging akin ka pa," hirit pa niya. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Kung saan ako hahawak upang kumuha ng lakas. Kung saan ako titingin dahil isang dangkal na lamang at magdadmpi na ang aming mga labi. Nilapit niya ang upuan sa tabi ko saka umupo. Nakaharap siya sa akin. Napa-haplos siya sa aking hita na nagdulot ng kilit sa aking sistema. Dagdag pang kay lamig ng panahon. "Ano? Gusto mo ba?" nang-aakit na tanong niya. Impokrita ako kung sasabihin kong walang epekto sa akin ang ginagawa niya ngayon. Hindi ko masasabing gusto ko ngunit hindi ko din naman masasabing ayaw ko. "Sabihin mo lang willing akong dalhin ka sa langit," ginawaran niya ako ng ngiting ang hirap tanggihan pero hindi ako makasagot. Ang kamay niyang nasa hita ko ay pumaitaas at pumasok sa loob ng damit ko. Hindi ko siya sinita dahilan upang napangiti siya. "Alam mo ba?" Nilapit niya ang upuan ko sa kanya dahilan para maging isang dangkal na lamang ang layo namin. Bawat pagbukas ng bibig niya ay siyang paggalaw ng kamay niya papaitaas sa hinaharap ko. Hindi ko itatangging gusto ko ang ginagawa niya. Ang pakiramdam na ito ay ngayon ko lamang naramdaman. At siya lang ang nakapag-paramdam sa akin ng ganito. "Unang kita ko pa lamang sayo gustong-gusto na kitang angkinin." Habang nilalamas ang hinaharap ko ay siya namang pagsipsip niya sa aking leeg. "Uhhhmmm," ipit kong singhal dahil sa sensasyong dulot ng kanyang ginagawa. "Ganyan nga," naramdaman ko ang pag-ngisi niya dahil sa nakadampi ang kanyang mga labi sa aking leeg. Nilamas pa niya ng nilamas ang aking dibdib. Salitan sa kanan at kaliwa. Halos magpigil ako sa paghinga para pigilan ang halinghing na gustong kumawala sa bibig ko. "Huwag mong pigilan mas lalo lamang akong ginaganahan." Hinalikan niya ang bawat sulok ng leeg ko at wala akong magwa kundi ang tanggapin ang kanyang mga labi. "Baka may makakita sa atin dito," sambit ko. Hindi ko gugustuhin na malaman nila kuya na nakikipag-landian ako sa guests na hindi ko pa lubusang kilala. Kung ano pang gawin nila kay Vlademir pag nagkataon. "Then, gusto mong ituloy natin sa tinutuluyan ko?" Nakatingin na siya sa mga mata ko kaya napaiwas ako, bigla akong kinapitan ng hiya. "How cute," di man ako nakatingin sa kanya alam kong nakangiti siya ngayon. "Tara na sa tinutuluyan ko," aya niya saka hinawakan ang kamay ko. Nasa kalagitnaan na kami ng daan papunta sa tinutuluyan niya ng maalala naming dalawa na naroon pala si Darius. Nagkatinginan kami, ako ang unang umiwas ng tingin. "May motel ba rito?" deretsahan niyang tanong na kinasamid ko kahit wala akong iniinom. Paanong ang dali lamang sa lalaking ito na sabihin ang mga ganong bahay. Walang motel dito, pero alam ko kung ano ang motel. "Nariyan na pala kayo," bungad ni Darius na nakasalubong namin. "Uuwi ka na?" Si Vlademir. "Oo, di ko na kayo nahintay inaantok na din ako," sagot naman ni Darius. "Mabuti naman kung ganun," hindi naman halatang nasisiyahan siya, tsk. "Byee," paalam niya kay Darius saka ako hinila. Kumaway na lamang ako kay Darius na pailing-iling sa kinatatayuan niya. Naweirduhan siguro sa kinikilos ng bakulaw na kasama ko. Pagbukas niya ng pinto at dali-dali siyang pumasok sa loob. Naiwan naman ako sa labas na nagdadalawang isip kung ituloy ko pa ba o aatras na. Napahiyaw ako dahil sa paghila sa akin ni Vlademir. Pinasandal niya ako sa pader na malapit sa pintuan. "Bawal ng magback out," saad niya. Ginawaran niya ako ng halik. Kaya naman nawala ang agam-agam ko. Binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. Halos suntukin ko ang kanyang balikat ibaba lamang ako pero matigas talaga ang ulo. Itinapon niya ako sa kama kaya sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong magawa kung hindi tanggapin na lamang ng buong puso ang bawat galaw na ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD