Masama ang tingin ni Jeric kay Piper habang nasa loob na sila ng bahay, hindi naman makatingin si Piper kay Jeric habang naka-upo sa rattan na upuan. Nakakabingi ang katahimikan at nakakailang ang titig ni Jeric, mas okay pala na maingay ito kesa titigan lang siya. Sa labas ng bintana, nagsisimula nang dumilim ang langit habang ang mga huling sinag ng araw ay pumapasok sa sala. Pigil ni Piper ang hininga niya habang may hawak na baso ng tubig na kalahati nalang ang laman. Nakakrus ang mga braso ni Jeric sa dibd*b, nakasimangot, at halatang hindi natutuwa sa sitwasyon pero nag titimpi na magalit. Sa harapan niya nakatayo si Jeric na parang isang abogado sa korte na naghahanda nang maglatag ng ebidensya laban sa akusado at ang akusado ay walang iba kundi siya. Parang gusto na siyang kasuha

