bc

Mr. goodlooking Haciendero- R-18

book_age18+
99
FOLLOW
1.0K
READ
family
HE
escape while being pregnant
opposites attract
friends to lovers
playboy
heir/heiress
bxg
city
small town
musclebear
addiction
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

Buong buhay ni Piper Guzman, isa lang ang pangarap niya ang maka-alis ng La Huerta Estate. Pangarap niya ang mag trabaho sa Maynila. Magkaroon ng freedom, trabaho na maganda, bagong simula. Isang hakbang na lang… ngunit hanggang sa ninakaw ng kambal niyang si Viper ang ₱200,000 na pera ng hacienda at tuluyang naglaho.

Na-stroke ang ama nila at hindi kinaya ang ginawa ng kapatid niyang closet queen.

At may ultimatum na binitawan ang may-ari ng hacienda. Si Jeric La Huerta ang guwapo at machong chickboy ng hacienda.“Find Viper. Or Piolo’s pays for his crime.” Ipapakulong nito ang ama nila ni Viper sa kasalanan ng kapatid.

So Piper did the Imposible.

She cut her hair.

She hid her curves.

And she became Viper. Overnight!

Hindi siya nakilala ni Jeric—kahit sa unang suntok na dumapo sa mukha niya. Hard. Cold. Final. Pero imbes na galit ang maramdaman niya… bakit parang kinilig pa ang puso niya after halos tumalsik na ang ngipin niya sa lakas ng suntok na natanggap niya rito.

Araw-araw silang magkasama dahil wala daw itong tiwala sa kanya.

Araw-araw siyang pinagbabayad at may pinirmahan na kontrata na 2 years siyang mag tatrabaho ng walang sweldo sa hacienda.

At habang lumilipas ang mga araw, mas nagiging malapit sila sa isa’t-isa.

Until Jeric starts asking himself the questions he never thought he’d ask.

Why do I care about him?

Why does his smile mess me up?

Am I really falling for a guy?

Hindi alam ni Jeric na ang lalaking kinagigiliwan niya…

ay ang babaeng matagal na niyang hinahanap-hanap.

At habang mas tumitibok ang puso nila, mas lumalapit ang katotohanan—

From Piper to Viper… how long can a lie survive love?

chap-preview
Free preview
The Day Everything Changed
"Bakit kailangan mo pang lumuwas ng Maynila, sabi naman sa akin ni Sir Jeric pag nakatapos ka na ng pag-aaral mo bibigyan ka niya ng magandang posisyon dito sa hacienda at malaking sahod na gaya sa Maynila daw." komento ng ama habang nag-aalmusal sila. "Tay, naman diba sabi ko naman po sa inyo. Gusto ko ng umalis dito, gusto ko naman pong makarating ng Manila." giit naman ni Pyper na panay ang lingon dahil anong oras na hindi pa nalabas ng silid si Viper. "Pero ano bang mapapala mo sa Maynila kung mangungupahan ka doon, saka napaka delikado na ng Maynila ngayon. Yung suswelduhin mo dun kaya naman ipasahod sayo ni Sir Jeric." Tumarak naman ang mata ni Pyper. "Tay, 22 years na akong dito nakatira. Syempre naman po gusto ko din kahit papaano makaalis dito." "Ayaw mo na ba dito sa Hacienda? Pero dito ka lumaki at nagka_ "Tay, hindi yung ang punto ko po. Syempre po gusto ko din dito. Pero Tay, hindi atin ang lupa kinatitirikan ng bahay natin, nakikitira lang po tayo dito. Gusto ko din po na makanatikha naman tayo ng sarili natin bahay at lupa. Yung atin talaga." napabuga naman ng hangin si Pio. "Hindi talaga ako sang-ayon sa balak mo na yan." iling pa din ng ama na hindi na kumibo. Sabay sumigaw na ito para tawagin si Viper dahil nga hindi pa ito nalabas ng kuwarto. "Viper, ano ba tanghali na. Masusugod na tayo ng tao dito." "Bakit po tay." "Abay yan kapatid mo, hanggang ngayon hindi pa nakakapag pasweldo sa mga tauhan ng hacienda, galit na ang mga manggagawa." "Abay bakit daw po?" takang tanong ni Pyper. "Nagkaproblema daw sa banko, inaayos pa." "Ahh! Ngayon daw po ayos naman na?" "Abay hindi ko pa nga alam, puntahan mo na nga at gisingin mo na. Anong oras na oh!" wika pa ni Pio na itinuro ang wall clock. Tumayo naman si Pyper habang ngumunguya pa. "Per!" sigaw ni Py. Kakatok na sana si Pyper ng marinig ang isang sigaw mula sa maindoor nila. "Kuya Pio! Kuya!" sigaw ng Auntie Maria pinsan ng Tatay niya na sa hacienda na din nagkaasawa at anak. "Anu ga iyon at kung makasigaw ka naman ay inam, para kang balakatak na hindi maige. "Si Viper, lumayas!" "Ano?" mapatayong sigaw ni Pio. Nag mamadali naman na lumapit si Maria at ipinakita rito ang text message na galing kay Viper. Mabilis naman na pumasok si Pyper sa kuwarto ng kapatid at deretso sa closet nito at doon na pagtanto na lumayas nga ang kapatid dahil wala doon ang maleta nila, natataranta naman na tumakbo naman sa mesa na malapit sa kama si Pyper at hinanap ang mga importanteng dokumento na ilang araw ng napapansin ni Py na inaayos ng kapatid. At wala doon sang filling case nito kaya napapikit nalang si Pyper na parang nanghina ang tuhod. "Kuya Pio." malakas na sigaw ng Auntie Maria niya kasunod noon ang malakas na lagabog. Kaya napatakbo palabas ng kuwarto si Pyper. "Tay!" sigaw ni Pyper ng makita ang ama na nakahandusay sa sahig habang nag sisigaw ang auntie niya na nag-iiyak. "Aunite, auntie humingi kayo ng tulong dali po." naiiyak na lang din na sigaw ni Pyper habang pilit na ibinabangon ang ama na walang malay. "Tay! Tay!" sigaw niya habang isinasampay niya sa balikat ang mga braso ng ama, habang ang auntie naman niya at nag tatakbo na na sumisigaw ng tulong. Pinasan naman ni Pyper ang ama sa likod niya na walang lahirap-hirap. Babae siya oo, pero batak din siya sa mabibigat na trabaho kapag nasama siya sa ama sa pag dedeliver ng mga inaning kape na kaing-kaing kung ibaba sa mga umoorder para gawing kapeng barako. Payat at hindi naman katangkaran ang ama niya na tingin niya nasa 60-70 kilos lang kaya hindi nahirapan si Pyper na buhatin ito. Paglabas niya nag bahay sakto naman parating ang Kuya Jhello niya na pinsan din niya na humahangos din na pumasok sa loob ng bahay nila para kunin ang susi ng lumang pick-up na ginagamit ng ama kapag nag-iikot ito sa tanimam ng kape. - - - - " Anong sinasabi mo?"galit na bulalas ni Jeric habang naglalakad siya papasok ng manor at salubungin siya ng kanang kamay niya na si Kervin. "Hindi na namin makita si Viper, tinangay niya ang pera ng pang pasweldo sa mga tauhan sa kapehan." napahinto si Jeric sa narinig saka napalingon sabay mura. "Tawagin n'yo si Mang Pio." galit na angil ni Jeric. "Wala si Mang Pio, isinugod sa hospital." mas malakas ang naging mura ni Jeric sa nalaman. "Asan si Pyper?" "Hindi ko alam, malamang kasama siya ni Mang Pio." "Hanapin n'yo si Viper, wala akong pakialam kung paano basta hanapin n'yo." galit na utos ni Jeric saka tinawagan ang admin office ng hacienda. "Ibigay n'yo ang sweldo ng mga tauhan sa kapihan, mag tatransfer ako ng pera." utos ni Jeric habang muling lumabas ng mansion. Kadarating lang niya from LA dahil bumisita siya sa nobya na si Bia, 6 days lang siyang nawala. May malaking problema na agad na sumalubong sa kanya. Pumuwesto ni Jeric sa ilalim ng puno ng talisay saka gamit ang dalawang daliri malakas siyang sumipol. Ilang minuto lang siyang nag hintay nakita na niya ang humahagibis na takbo ni Stardust. Ang stallion horse niya na kulay puti na meron mga batik-batik na itim na parang dumi sa balahibo nito kaya sa unang tingin aakalain mo parang ang dumi nito pero ang totoo ganun sadya ang kulay nito. Likas lang itong nakakalat sa loob ng hacienda, ayaw nitong nakatali nag wawala kaya hinayaan na lang na nakawala pero dahil na trained niya ito. Isang sipol lang niya ang bilis nitong dumating. At wala din sino man ang nakakasakay dito, kundi siya lamang. Wala itong pinapayagan na humawak or wala itong sinusunod na utos maliban sa kanya. Tinapik niya ito sa katawan nito saka mabilis na sumampa sa likod, pagkahawak niya sa renda nito agad na kumaripas ng takbo sa kalawakan ng hacienda. Sandali lang narating na niya ang pinaka opisina ng hacienda kung nasaan ang karamihan ng manggagawa ng kapihan na mga naka abang roon na pawang mga parang nalugi sa sugal ang iba naman ay halatang galit na. "Sir Jeric." sigaw pa ng isa ng makita siyang bumaba ng kabayo. Napalingon ang lahat at biglang umaliwalas ang anyo ng lahat na parang tuwang-tuwa ng makita siya. "Sir Jeric, kailangan na po namin ng sahod namin baka naman po magagawan n'yo ng paraan." sumamo pa ng isang matandang lalaki. Tumango naman si Jeric na humingi ng pasensya sa lahat na nag yuko ng ulo. "Pinaayos ko na po ang payroll niyo pasensya na po. Hindi ko po inasahan na mangyayari ito, umasa po kayo na hindi na ito mauulit." Wika ni Jeric na pinalakpakan ng mga tauhan na naroon na tuwang-tuwa sa magandang balita. Nagpaalam naman na si Jeric na pumasok na sa loob ng admin. "Ruth at my office, dalahin mo ang files ni Viper." galit na utos ni Jeric sa admin head na nag mamadali naman tumalikod para kunin ang files ni Viper. "Sir Jeric, ito na po." wika pa ni Ruth ng pumasok na sa loob ng opisina ng amo. Kinuha ni Jeric ang folder at isa-isa na tingnan ang mga personal details nitong nakalagay. Then napatingin sa picture nito na 2x2 na naka attache sa record. "Is this Viper?" takang tanong ni Jeric na iniharap ang folder kay Ruth habang itinuruto ang picture. "Yes sir," muling tinititigan ni Jeric sa larawan, ngayon lang niya na pagtanto na kamukha pala ni Viper ang kapatid nitong babae. Ngayon lang kasi niya natitigan ng mabuti ang mukha nito ng ganun kalapit. "Sir, tingin ko po hindi lang yan ang problema natin, hindi pa comfirm pero mukhang mas malaki ang damage sa mga client natin." kumunot ang noo ni Jeric na binitawan ang folder at napaangat ng tingin kay Ruth. "Anong ibig mong sabihin?" "3 big client po natin ang inutos kong puntahan ngayon sa taga purchasing." "oh tapos?" napalunok naman si Ruth na halatang kabado pa na sabihin ang problema. "Wag kang pasuspense Ruth sabihin mo na habang hindi pa nagdidilim ang husto ang paningin ko." napangiwi naman si Ruth. "Kanina po kasi nakatanggap ng tawag si Emma, tinatanong po ng taga greenscafe' kung kelan darating ang order nilang 100 sack ng kape?" kumunot ang noo ni Jeric. "Naideliver na yun diba bago ako umalis last week?" "Opo, yun po ang nasa record natin?" "Oh anong nangyari." "Hindi ko pa po sure pero inaalam na po namin kung saan napunta yung 100 sack na kape na nawawala." awang naman ang bibig ni Jeric sa narinig. "Sabi mo tatlong problema ano pa yung 2?" napakamot ng ulo si Ruth. "Isang big client po natin ang umalis ang isang mall supermarket sa kabilang bayan." "What bakit?" "Same scenario sir, walang dumating na deliveries sa kanila ng mga fresh fruits na inorder nila." napapikit na si Jeric. "Yung isa ano?" "Yung isang planta po ng gawaan ng coco milk sa Laguna, magsasampa daw po ng kaso dahil na transfer na yung bayad sa isang tons na Coconut na inorder pero walang dumating na coconut sa kanila last week. Na weekly nalang daw ipinapangako na idedeliver at —." itinaas ni Jeric ang kamay. Malinaw na sa kanya ang lahat ng nangyari. "Magkano ang perang nawawala sa pasahod ng mga taga kapehan?" "200k po sir." "And then 3 client ang nag rereklamo na walang deliveries sa kanila pero sa ends natin na deliver lahat tama ba?" tumango si Ruth ng sunod-sunod. Sakto naman na pumasok si Kervin na sakto din ipapatawag sana niya. "Saan napunta ang mga deliveries na nawawala at asan ang mga bayad ng lahat ng yun." tanong niya kay Kervin na siyang in-charge kapag wala siya pero sa hitsura nito mukhang tulad niya nagtiwala lang din sa tauhan na maayos ang trabaho ng lahat ng empleyado at walang mang gagago. "Tingin ko sir, na disposed at naging pera ang lahat ng nawawalang deliveries." inis na dinampot ni Jeric ang folder at iniharap ang folder na may picture ni Viper. "Sabihin n'yo sa akin? Ganito ba talaga ang mukha ni Viper noon?" parehas na umiling ang dalawa. "Ilong, Eyelid and Jawline ang napansin namin nabago sa kanya Sir." wika ni Ruth. "Exactly!" sabay palo sa folder ni Viper, kaya nagtataka siya kung bakit bigla naging kamukha ni Pyper ng sobra si Viper although alam naman nilang lahat na kambal ang dalawa. "Ang tanong kelan pa niya na ipagawa ang mga iyan ng di natin na mamalayan?" tanong ni Jeric. "Tingin ko last year pa, nauna yung ilong." "Kapag wala siya at sinasabi na busy sa school niya at di nakakapasok. Tingin ko po Sir nasa healing process siya kapag na wawala siya bigla." "At tingin ko po sir, nagpatong-patong nalang yung mga nawawalang deliveries. Nagagawan niya ng paraan noong mga una kaya hindi natin na papansin, natatakpan niya ang mga butas at kaya siya lumayas ngayon ay dahil hindi na kayang itago ang damage." marahas na napabuga ng hangin si Jeric. "Paano niya nagawang mag-isa ang lahat ng yun tiyak na may kasabwat siya dito sa loob ng hacienda." "Malamang boss yung tatay n'ya, masyado po kasi kayong nagtiwala sa pamilya nila." wika ni Kervin na ikinataas ng tingin ni Jeric dito na which is may point ito. Ginawa nyang head ng kapehan si Mang Pio ama ni Viper at si Viper naman inilagay niya sa deliveries in-charge since ang ama nito ang driver ng mga truck ng delivery nila. Bukod dun nag-aaral pa si Viper at ang deliveries lang ang pinakamagaan na trabaho na hindi makaka apekto sa school nito. "Alamin n'yo ang lagay ni Mang Pio sa hospital, kapag hindi nakita si Viper. Siya ang mananagot sa ginawa ng anak niya. Hindi puwedeng walang mananagot ng lahat ng kaguluhan na ito." tumango naman si Kervin saka nag paalam na pupunta na ito ng hospital para alamin. "At Ruth iutos mo kay Maggie alamin ang lahat ng damage ng deliveries, baka magagawan pa natin ng paraan. Ako na ang personal na pupunta sa 3 na damage na client." utos ni Jeric kay Ruth na agad na umalis habang naiwan naman sa opisina si Jeric habang napapamura. Bigla parang sumakit ang ulo niya na muling tiningnan ang picture ni Viper na inis na tinuklap at pinong pinag pupunit. Na iinis siyang makita na kamukha nito si Pyper, "Wag kang papakita sa akin bakla ka! Alisan kita ng bayag." gigil na binayo niya ang mesa saka tinawagan ang amang si Jared dahil sa kinahaharap na problema.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook