The Threat

2581 Words
Panay ang pahid ni Py ng luha sa pisngi niya habang nakatingin sa amang nakahiga sa kama. Katatapos lang ng operasyon nito dahil meron pumutok na ugat sa ulo nito na kung hindi na agapan posibleng ikamatay nito. Na stroke ito sa labis na pagkabigla ng nalaman nilang ginawa ni Viper. Amoy antiseptic at gamot ang buong silid ng ama na kinuha niya, sa isang iglap lahat ng perang naipon ng ama niya sa 30 years nitong pag tatrabaho halos napabayad na sa hospital dahil sa operasyon nito. Nakatayo si Pyper sa gilid ng kama, hawak ang kamay ng ama na puno ng kalyo at sobrang tigas na isang patunay kung gaano na ito katagal na nag tatrabaho para itaguyod sila ni Viper na mag-isa. Namatay ang ina nila noon nasa elementary pa lang sila na aksidente ito sa kuwadra ng mga kabayo noon habang nag tuturok ng mga kabayo dahil veterinarian ang ina sa hacienda La Huerta. Aksidente lang ang lahat na sipa ang ina nila ng kabayo at nabali ang spinal cord nito ganun din ang leeg kaya on the spot namatay ang ina na hindi man lang nadala sa hospital. Mula noon mag-isa ng itinaguyod sila ng ama pero meron mga ilang pagakakataon na meron itong isinasamang bagong nobya sa bahay nila na alam nila ni Viper na ginagawa lang iyon ng ama nila para lang meron tumayong ina sa kanila ngunit hindi nag tatagal ang mga babaeng pumasok sa buhay ng ama nila. Kapag nakukulong na sa bahay at naiiwan sila sa ina-inahan madalas nasasaktan sila ni Viper, umabot pa sa punto na isinako na sila ni Viper ng huling kinasama ng ama buti nalang noon dumating si Jeric ang apo ng may ari ng La Huerta Estate na kalaro ni Viper. Pinakawalan sila nito at itinakas pauwi sa manor ng La Huerta. Wala kasi noon ang tatay nila nasa delivery kaya naman galit na galit ang ama ng malaman at ipinakulong ang huling babaeng ibinahay nito. Alam nila kung gaano kalaki ang sakripisyo ng ama nila para lang itaguyod silang dalawa ni Viper kaya hindi siya makapaniwala na nagawa ni Viper ang magnakaw at tumakas. Never naman nag kulang sa pangarap at turo sa magandang asal sa kanila ang ma. Hindi naman sila mahirap at never naman silang nagutom. Hindi man sila nakapag aral sa private school still hindi naman sila kinapos sa edukasyon. Tapos ng accountancy si Viper at board passer din ito, ahead ito sa kanya ng 2 years dahil maaga itong nakapasok noon sa school habang siya naman ay tinamaan daw ng dengue noon kaya hindi napasabay ng pasok kay Viper kahit kambal sila. Noong nag high school naman siya napilitan siyang mag pahinto-hinto sa pag-aaral dahil sakitin siya at labas masok sa hospital noon dahil sa katigasan ng ulo niya “Tay…” mahinang bulong niya. “Gising ka na po, please…” tawag ni Py sa ama na hindi man lang nag response kahit konti. Naka upo siya sa upuan sa tabi ng kama, pilit na pinipigilan na umiyak kahit gustong-gusto na niya. Pero alam niyang wala naman magagawa ang luha niya kahit mag-iiyak pa siya doon. Nagagalit siya kay Viper, gusto niya itong hanapin at gulpihin sa bugbog dahil hindi siya makapaniwala na magagawa nito ang magnakaw. Kung hindi lang siya lumayas baka hindi nangyari ito, wala sana ang ama nila sa bingit ng alanganin. Kundi lang sana ito—. Hindi niya natapos ang nasa isip dahil may biglang huminto sa tapat ng pinto ng kwarto ng ama saka kumatok ng tatlong beses. Hindi malakas at hindi rin magaan sapat lang para iparamdam na may dumating na hindi niya gugustuhing kausapin sa mga oras na yun. Paglingon ni Pyper kasabay ng pag bukas ng pinto, isang lalaki ang pumasok. Maayos ang pananamit malinis, matangkad at halatang may dalang balita na hindi maganda. At kilala niya ito si Sir Kervin ang kanang kamay ni Jeric La Huerta. Tumigil ito ilang hakbang mula sa kama, sinipat si Mang Pio, saka ibinaling ang tingin kay Pyper na parang ini-scan siya mula ulo hanggang paa, tumikhim muna si Kervin bago nag salita. “So you’re Pyper,” malamig nitong turan. Hindi agad nakasagot si Pyper, tumayo lang siya, pilit inaayos ang sarili na humarap rito. “O-opo,” mahina niyang sagot. “Ano po ang kailangan ninyo?” kabadong tanong ni Pyper kahit meron na siyang idea. Pakiramdam ng dalaga pati t***k ng puso niya na ririnig na din niya na sumasabay sa beep ng monitoring ng heartbeat ng ama. “Let’s not waste time,” diretsong sabi ni Kervin. “Nasaan si Viper?” Nanikip ang dibdib ni Pyper pakiramdam niya hihikain siya ng di oras sa unang tanong pa lang. “H-hindi ko po alam,” sagot niya. “Umalis po siya—” “Wrong answer,” putol ni Kervin, bahagyang ngumisi na halatang galit pero nag titimpi lang. “You know exactly where he is.” Umiling si Pyper, mas mabilis kasabay ng mabilis din niyang pag pahid ng luha na umagos sa pisngi. “Hindi po talaga—” Lumapit si Kervin, sapat lang para maramdaman ni Pyper ang bigat ng presensya nito na alam naman niyang tinatakot lang siya dahil kilala naman niya itong mabait. Sadyang mabigat lang ang problema na nilikha ng kapatid niya. “Listen carefully,” mababang boses nito. “Your twin stole more than two hundred thousand pesos.” Napatigil si Pyper na parang nagulat pa. “H-hindi lang po… 200,000?” garalgal niyang tanong dahil buong pag-asa niya payroll ang tinangay ng kapatid niya, pero sa timbre ng sinabi nito mukhang hindi lang iyon ang tangay ng kapatid. Umayos ng tayo si Kervin at isinilid ang dalawang kamay sa bulsa. “That’s just the payroll. There are missing deliveries. Coffee, Fruits, Coconut and paid in full but never delivered.” Parang may humampas sa sentido ni Pyper sa narinig. “Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang total damage,” dagdag ni Kervin. “But trust me, it’s big. Very big.” Napahawak si Pyper sa gilid ng kama ng ama habang bumibilis ang kabog ng puso niya. “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” Biglang ngumiti si Kervin—pero hindi iyon ngiting nagagalak. Ngiti iyon na parang warning. “Someone has to pay.” napalunok si Pyper na muling mabilis na pinalis ang luha sa pisngi. “Kung hindi lalabas si Viper,” malamig na sambit ni Kervin, “your father will.” Napasinghap si Pyper at agad na naintindihan ang nais nitong ipahiwatig. “H-hindi po puwede—wala pong alam si Tay!” “Legally,” sagot ni Kervin, “he was the head of the coffee operations. He signed documents. He authorized deliveries. Whether he knew or not doesn’t matter.” Napaatras si Pyper at di makapaniwala na tumingin sa ama na hindi pa nga dinedeklara ng doktor kung ligtas na ba o hindi pa. Mag hihintay pa sila ng 48 hrs bago ideklara na stable na ito. “Sir Jeric is being generous,” dagdag pa ni Kervin. “He’s giving your family a chance. Mag pasalamat kayo.” “Anong chance po?” halos pabulong na tanong ni Pyper. “Bring us Viper.” malamig nitong sagot na pakiramdam ni Pyper mas lalo lang niyang gustong maiyak. “Kung hindi,” patuloy ni Kervin, “Your father will be charged. Fraud. Estafa. Breach of trust.” napasinghap si Pyper na tuluyan ng napahikbi na lumingon sa ama. “Please…” pakiusap niya. “May sakit po ang tatay ko. Hindi po niya kakayanin—” “That’s not our problem,” malamig na sagot ni Kervin. “You have forty-eight hours.” Napaangat ang ulo ni Pyper na napalingon dito. “Forty-eight hours para saan?” “Para ilabas si Viper,” mariing sabi ni Kervin. “Or prepare your father for jail. Once na maka recover siya dito." Parang gumuho ang mundo ni Pyper. “Hindi po magpapakita si Viper,” mahina niyang sambit. “Tiyak po na takot na po siya. Tumakas na po siya—” “So you admit he’s guilty,” mabilis na singit ni Kervin. Natahimik si Pyper maling sagot pa ang nasabi niya kaya lalo na siyang napayuko. Alam niyang kahit anong sabihin niya, talo sila. Lumakad na si Kervin papunta sa pinto para umalis, pero bago lumabas ay huminto muna ito sandali. “One more thing,” sabi niya habang nakatalikod. “If you try to run, hide, or lie—Sir Jeric will personally make sure you regret it.” wika pa nito saka tuluyan ng umalis at naiwan si Pyper na bumagsak na lang ng upo sa sahig ng biglang manghina ang tuhod niya. Napatingin siya sa kamay ng ama saka napahikbi nalang. - - - - - - "Seryoso ka ba talaga ako ang kinakabahan sa gagawin mong to Pyper." Ani Jhello na may hawak na gunting sa kamay. Hindi naman umimik si Pyper na nakatingin sa salamin na nasa loob ng banyo habang naroon sila ng pinsan niyang si Jhello na kahalili niyang nag babantay sa Tatay niya. Walang luha na nalabas sa mga mata niya, wala na siyang lakas para umiyak pa. Isa na lang ang malinaw sa isip niya, may makukulong sa pamilya nila kung hindi lalabas si Viper at hindi siya papayag na ang tatay niya iyon. Pumikit siya sandali kahapon pa niya tinaggap na hindi na babalik si Viper, kilala niya si Viper. Sa laki ng ginawa nitong gulo tiyak niyang hindi na nito kakayanin na humarap sa tatay nila. Hindi na ito magpapakita, iniwan na sila at kung walang lalabas na Viper… may kukunin sila. Kaya mabuting siya na lang kesa ang Tatay niya. "Pumunta ka nalang kay Sir Jeric, kilala ko si Sir Jeric mabait yun. Lalo na kay Tiyo, tiyak na kung magkiki-usap ka baka —." "Si Sir Kervin na mismo ang nag sabi may kailangan managot at tingin mo ba simpleng problema lang ito na kakayanin ng iyak at sorry lang. Kahit lumuhod pa ako at umiyak ng dugo malabong kaawaan ako ni Sir Jeric. Tandaan mo ang mga mababait ang mas nakakatakot na magalit." ani Pyper napabuga naman ng hangin si Jhello. Parehas silang mag pinsan na tumingin sa salamin at doon nakikita nila si Pyper ang maganda babae na hindi akalain na haharap sa ganitong klaseng gulo na nilikha ng kakambal. Mahaba ang buhok niya na kulot, natural brown ang kulay na namana niya sa ina na kulay buhok ng mais ika nga ng iba. Malinaw nilang nakikita ang mukha ng kambal niya sa mukha niya. Kambal sila kaya iisa ang feature nila hindi man identical pero ang laki ng pagkakapareho. Pareho ang hugis ng mata, pareho ang ilong, pareho ang panga. Na dati naman hindi ganun kapareho kaya nagtataka pa sila ng Tatay niya nitong mga nakakaraan. 2 linggo lang siyang nawala sa bahay nila dahil nga lumuwas siya ng Manila. At nag stay sa bahay ng isang tiyahin na naroon, ito ang nag offer sa kanya na doon mag trabaho kung gusto niya. Kaya balak sana niyang i-grab pero dahil sa nangyari mukhang malabo na syang naka alis sa hacienda na ito. Bihira silang magkita ni Viper dahil sa staff house ito natira malapit sa admin, tamad itong umuwi sa bahay nila na nasa loob lang din naman ng La Huerta Estate. Bakit? Kasi naka aircon ang staff room, ng mag sabog ng kaartehan sa mundo sinalo iyon ng kakambal niyang malakas ang kutob niyang bakla talaga ayaw lang lumantad dahil takot sa tatay nila. Pero ng makita niya ito ng huli, panga nito ang napansin nila ng ama, namamaga kasi noon ang sabi lang nito nasakit ang ngipin kaya na niwala naman sila, pero ng tumatagal numinipis ang panga nito at nag mumukha na itong babae. Parang habang tumatagal nagiging mukha na silang identical kaibahan lang maiksi ang buhok nito at medyo maliit at mas matangkad siya ng 3 pulgada. "Simulan mo na dali habang malakas pa ang loob ko." utos ni Pyper napabuga naman ng hangin si Jhello. "Natatakot ako sa plano mo, pero bahala ka malaki ka na. Mananalangin na lang ako at mananalig mabuting tao si Sir Jeric at tiyak na maayos din ito." sabay itinali na ang buhok niya at sinumulan ng gupitin ang buhok niya kasabay ng pag bagsak ng buhok niya sa sahig ang pag bagsak din ng luha niya. “Hindi ko ginusto ‘to…” pabulong niyang sabi sa sarili habang nakatingin sa salamin. “Pero wala na akong choice. Hindi ko pababayaan si Tatay na managot sa kasalanan ni Viper." "Sasapakin ko talaga ang bakla na yun pag nakita ko. Wag lang kaming magkita." Ani Jhello na halatang masama ang loob at na aawa sa kanya. - - - - - - Kinabukasan, maaga siyang umalis ng ospital at heto na siya ngayon sa sala ng La Huerta Manor at iniintay ang pagbaba ng hari ng La Huerta Estate. Si Jeric La Huerta ang nag-iisang nag mana sa libo-libong ektarya ng lupain ng La Huerta kahit 8 naman magkakapatid ang mga ito. Hindi niya alam ang dahilan basta bihira niyang makita ang pamilya ni Sir Jeric doon pero ang parents nito madalas naroon every week. Napatingin siya sa sapatos na suot, sapatos itongni Viper. Lahat ng suot niya damit ni Viper, hindi mo na makikita si Pyper na laging naka bestida or kaya leggins. Hindi na pambabae ang suot niya, kundi Pantalon, T-shirt na pinatungan ng polo, Sapatos na safety boots required na sapatos sa loob ng hacienda. Kagabi palang nag practice na siya ng lakad ni Viper kung paano ito mag salita na madali naman dahil normal na baklain talaga noon pa man si Viper ayaw lang talagang umamin. Na alaala pa niya ang sinabi nya sa saril niya kagabi. “From now on, hindi na ako si Pyper.” mariin niyang usal sa harapan ng salamin kagabi, huminga pa siya nang malalim. “Ako na si Viper.” At sa mga oras ngayon isang babae ang nawala, isang katauhan ang mawawala at isang kasinungalingang ang tatakip sa lahat ng kamalian. "Viper." dumadagumdom na bungad ng isang britonong tinig na ikinataas ng tingin ni Pyper na muntik ng bumagsak ang panga kung di napigilan. Paano ba naman isang lalaki ang pababa ngayon ng hagdan naka itim na short may earpod ang isang tenga at higit sa lahat hubad baro at konti nalang baba ng short nito parang makikita na niya ang hindi dapat makita. Pag lapit nito hindi inasahan ni Pyper ang gagawin ng binatang amo, lumipad ang kamao nito at tumama iyon sa panga niya solid na solid at bumulagta siya sa sahig na halos magdilim ang paningin, pero imbis na itim na liwanag ang makita niya ng mapatingin kay Jeric ng nakahiga na siyang nakatihaya parang kulay pink ang paligid habang nag nining ning sa kagawupuhan si Sir Jeric. Panga niya ang tumalsik sa lakas ng suntok nito pero mukhang puso niya ang tinamaan sa lakas ng impact ng dating nito. Lord! Ano ba to... handa ko naman pagbayaran ang kasalanan ng kapatid ko pero bakit naman pati puso ko balak n'yong idamay. Ang unfair naman... "Sir, I love you na agad." "Anong sinabi mo?" sigaw ni Jeric na parang eskandalong-eskadalo sa narinig na mukhang malakas papala ang pagkakasabi ni Pyper na akala niya sa isip lang niya. "Lord kunin n'yo na po ako... utang na loob!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD