Pagbalik ni Jeric sa Manor, hindi pa rin tuluyang nawawala sa isip niya ang eksenang nadatnan niya sa bahay nina Piper. Piper na nakatapis. Kita ang cleavage at hita na halos konti na lang kita na din niya ang hindi dapat makita. Napailing siya habang marahang bumaba mula sa likod ni Stardust. Hinaplos niya ang leeg ng kabayo, parang doon ibinubuhos ang kalituhan niya. He even told her na pakakasalan niya ito bigla kapag napatunayan na hindi lang si Viper ang salarin sa nakawan. Ano bang na iisip niya at nasabi niya iyon bigla. Knowing na may girlfriend talaga siyang nasa US lang, kaya pati langit natutol sa pinag sasabi niya kanina na basta nalang lumabas sa bibig niya. “Hindi ko alam na siya ang aabutan ko…saka malay ko bang nakahubad siya at naliligo. Akala ko si Viper ang makikita k

