Lumipas ang ilang linggo na parang isang iglap lang. Ang dating maingay na tunog ng mga makina sa loob ng kuwarto ni Piper na halos isang taon din niyang naging tahanan ay napalitan ng tahimik na kapaligiran at huni ng hangin at mga ibon sa labas. Sa wakas, pinayagan na rin sila Piper at ang baby nilang si Ginger na makauwi sa bahay nila at makabalik sa dati nilang mga buhay pero hindi siya pumayag na sa La Huerta Manor tumira. At kahit ilang beses pa siyang pilitin, kahit pa mismong ina na si Lyza mismo ang kumausap sa kanya ay iisa lang ang sagot niya. “Hindi ako uuwi doon kung nandun si Bia.” At doon nagtapos ang usapan ng walang mahabang paliwanagan at kumbinsihan dahil malinaw naman na naiintindihan siya ng mga ito kaya hindi na din pinilit ni Jeric. Kaya ngayon… Sa maliit pero m

