Pagpasok ni Piper sa hacienda bilang si Viper, after ipark ang electronic bike niya at magsimulang maglakad saan naman kaya siya itatapon ni Sir Kervin, nag simula siyang mag stretching habang naglalakad, tiyak kung saan nanaman may mahirap na trabaho dun siya nito ilalagay. Napapikit pa siya sandali ng sinalubong agad siya ng amoy ng lupa, damo, at araw na bagong sikat. Karaniwan na dapat iyon para sa kanya, ilang araw na rin siyang pabalik-balik doon pero ngayong umaga, parang mas mabigat ang hangin. Hindi pa man siya tuluyang nakakatapak sa gitna ng bakuran nakarinig siya ng busina sa likuran niya at nakita niya si Sir Kervin sakay ng isang estradang luma na kinakargahan minsan ng kung ano-ano sa hacienda. “Hoy, ikaw!” tawag pa ni Kervin na sumungaw ang ulo sa bintana kaya napalingon

