“Veronica,” tawag ni Kervin na ikinalingon naman ni Veronica, Nasa labas siya ng admin office. Sinadya niyang mag pagabi dahil nga sa plano niyang pakikipagsabayan ng plano kay Kervin at Bia. Matira matibay tingnan niya lang kung sino ang babagsak pagkatapos ng araw na ito. Tumawag na siya kay Mang Pio at ibinilin na pag wala pa siya bandang 10pm hanapin na siya at isang tao lang ang sasamahan niya si Kervin. Ayaw pa siyang payagan nito, bakit daw siya sasama kay Kervin kung pinag hihinalaan na nila na may ginagawang masama sa hacienda pero nanindigan lang siya na may gusto lang siyang alamin. At wala ng nagawa si Mang Pio, kailangan ng matapos ng mabilisan ang kawalanghiyaan ni Kervin. "Sir Kervin." ganting bati niya rito na pormal ang tono pero may halong pilit na lambing. Ngumiti na

