Tahimik ang loob ng sasakyan habang pauwi sila mula sa bayan. Habang si Bia ay kausap nito sa speaker phone ang pamilya nitong na nasa Paete, Laguna pala. Sinabi nitong buntis na ito at hindi pa alam ni Jeric, tuwang-tuwa ang buong pamilya ni Bia at kanya-kanyang tanong kung kelan daw mamanhikan ang pamilya ni Jeric. At kung kelan sasabihin ni Bia ang pagbubuntis nito pero gaya ng excuse ni Bia kanina. Sinabi nito na comatose ang bunsong kakambal ni Jeric kaya hindi pa ito makabuwelo, na agad naman na intindihan ng pamilya ni Bia na sinabi na lang sabihin ang mga ito kapag ma manhikan na si Jeric. Usual si Bia pa rin ang nagmamaneho, parehong kamay sa manibela habang paminsan-minsan ay napapangiti mag-isa. After nitong makipag-usap sa family nito. Halata pa rin ang saya sa mukha nito kah

