“Anong ginagawa mo dito?” Kinabahan at na gulat na napalingon siya agad sa bagong dating na boses. Nakatayo si Kervin Morada, nakapamulsa habang nakatingin sa kanya na parang nagpalinga-linga pa. Naningkit ang mga mata nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “Ang aga-aga nandito ka sa gawing ito?” tanong nito. “Hindi naman dito ang trabaho mo.” Bahagyang natigilan si Piper pero agad siyang nakaisip ng dahilan. “Ah… nagpagamot lang ako kay Ka Galo,” sagot niya sabay hawak sa likod niya na sinabayan pa niya ng konting ngiwi. “Masakit kasi ang likod ko.” Tumaas ang isang kilay ni Kervin. “Talaga?” “Opo.” Pero imbes na maniwala, napairap lang ito. “Alam mo, Viper… ang galing mo talaga gumawa ng dahilan. Kung kaya mong lokohin ang lahat puwes hindi ako." Napakunot ang noo

