[ Pangwalong Tabas - 5 ] Iba talaga yung ulan. Hihina tapos lalakas--walang tigil. Nasa sala kami ni Yuki. Si Aton inutusan kong mamalengke. Pinakita sa akin ni Yuki iyong poster. Maganda yung pagkakakulay--buhay na buhay. Tapos habang nasa sala kami, si Lola nasa likod naglalaba, may masisilungan naman dun. Naikwento ko kay Yuki na nagtresspassing ako sa kwarto nya kasi nga tumawag si kuya Eron. Todo sorry siya kasi wala talaga sya nun. Siya pa talaga ang nagsorry. Hehe---kinamusta nya kuya niya. Sinabi ko naman ang kalagayan ni Eron. Ilang saglit pa. Dumating si Aton basang-basa. "Grabeng ulan. Walang kwenta yung dinala kong payong nabasa parin ako." Sabi ni Aton. Nasa pintuan siya noon. Tumayo ako at lumapit, kinuha ko yung supot na pinamili nya. "Hubarin mo yan damit mo. Para masam

