[Pangwalong Tabas - 4] "Eron." Mahina kong pagkompirma. Pero siguradong sigurado naman akong siya iyon. Mala-anghel kaya siyang bumulong. "Amos ko?" Pagkompirma nya rin. "Ako nga to bhe." Pagkasabi ko nun. Napaluha talaga ako, hindi kasi ako makapaniwalang--nakausap ko siya ulit. Akala ko kasi talaga. Huli na ako eh. Okay lang umiyak. Wala namang nakakakita sa akin. At walang ideya si Eron na nagdadrama ang pinakagwapo nyang boyfriend. Hehe. "Akala ko hindi kita makakausap. Pangtatlong dialled ko na, akala ko pa nakatulog na kayo ni bunso kakaantay eh. Bakit ba hindi nyo kaagad nasagot?" Tuloy tuloy nyang pagtatanong. "Akala ko rin bhe hindi kita makakausap. Kapapasok ko lang dito sa kwarto ni bunso. Wala kasi sya, nasa classmate nya pala. Kaya wala siyang alam na tatawag ka." Paliwa

