Chapter 1: The Woman He Hated
Mahigpit na hinawakan ni Althea ang folder na nakadikit sa kanyang dibdib habang nakatayo sa harap ng malaking pinto ng opisina.
Kahit dalawang taon na siyang nagtatrabaho para kay Don Ricardo Ricci, hindi pa rin siya masanay sa laki ng Ricci Empire na dating Ricci Milling Company. Parang bawat sulok nito ay sumisigaw ng kayamanan.
Huminga siya nang malalim bago kumatok.
"Come in."
Agad niyang binuksan ang pinto. Ngumiti siya nang makita ang matandang lalaki sa likod ng mesa.
"Good morning po, Sir." Magalang niyang bati ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay natigilan siya.
May isa pang tao sa loob!
Isang lalaki. Matangkad. Nakatayo sa gilid ng bintana habang nakatanaw sa labas.
Nang maramdaman nito ang kanyang presensya, dahan-dahan itong lumingon papunta sa kanya. At sa isang iglap, tila nanikip ang dibdib ni Althea.
Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Malamig at matalim.
Parang may kasalanan siya kahit wala naman siyang ginagawa.
"Althea."
Naputol ang kanyang pag-iisip nang tawagin siya ni Don Ricardo.
"Lumapit ka." Utos nito na ikinasunod niya.
Pakiramdam niya ay nakasunod pa rin sa kanya ang mga mata ng lalaki. Hindi niya iyon gusto at pakiramdam niya ay naiilang siya.
"Meet my son." Ani nito kasabay ng pagtingin niya sa lalaki.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Anak? Ito ba si Lennon Trey Ricci?
Tama siya. Ito ang lalaking madalas niyang marinig sa mga board meetings pero hindi niya pa nakikita kahit isang beses.
"Good morning po…" magalang siyang yumuko nang bahagya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Pero hindi ito sumagot. Sa halip, lalo lamang tumigas ang ekspresyon ng lalaki.
May ilang segundo ang namutawing katahimikan. Hindi siya komportable. Hindi normal para sa kanya.
Hanggang sa tuluyang nagsalita si Lennon.
"Bakit siya nandito?”
Napakurap si Althea.
Hindi niya agad naintindihan ang tanong nito.
At nang makita niyang sa kanya nakatingin ang lalaki, unti-unting nanlamig ang kanyang mga kamay.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Don Ricardo.
"Bakit siya nandito?" ulit ni Lennon.
Mas malamig ang boses nito at mas matigas. Parang may nakatagong galit.
Lalo siyang naguluhan.
Hindi pa sila nito nagkikita kahit minsan at puro pangalan lang nito ang naririnig niya sa loob at labas ng mansyon at opisina.
Wala siyang maalalang pagkakataong nagkaroon siya ng problema rito. Kaya bakit parang galit na galit ito sa kanya?
"She's my personal assistant–” pakilala ni Don Ricardo pero agad na pinutol ng lalaki ang sinasabi nito.
"I know." Nanatiling nakatitig si Lennon sa kanya.
At sa unang pagkakataon sa buhay niya, gusto niya mawala na lamang sa lugar na iyon.
May kakaiba sa mga mata ng lalaki.
Parang may hinahanap. Parang may gustong patunayan.
At pakiramdam niya, siya ang target nito.
"Althea."
Muli siyang bumaling kay Don Ricardo.
"Pakidala nga itong mga dokumentong ito sa legal department."
"Yes po."
Agad niyang kinuha ang mga papeles. At halos nagmamadali siyang lumabas ng opisina.
Ngunit bago tuluyang magsara ang pinto, narinig niya ang malamig na boses ni Lennon.
"Hanggang kailan mo balak itago ang babae mong 'yan sa akin?"
Nanigas siya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso niya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
Ngunit sa unang pagkakataon...
Pakiramdam niya ay may bagay na matagal nang itinatago sa kanya. Hindi niya alam kung anong bagay iyon dahil inosente siya.
Matagal na siyang nagtatrabaho bilang personal assistant ni Don Ricardo at wala siyang naging problema sa trabaho niya at sa pakikitungo niya sa amo niya.
Malaki ang utang na loob niya kay Don Ricardo kaya bakit siya pinagiisipan ng masama ng lalaking iyon?
Nagkukumahog siyang tumungo sa legal department dala ang dokumentong pinapaabot sa kanya ni Don Ricardo.
“Oh, bakit parang namumutla ka yata?” Bungad sa kanya ni Dulce. Maigi siya nitong tinitingnan.
“Maputla ba?” natatawa niyang tanong kay Dulce. Mas inilapit pa nito ang mukha para mapatunayan na maputla talaga siya.
“Huy, oo! Siguro nagpakapuyat ka na naman ng panonood ng kinaaadikan mong drama, ano?”
Bahagyang siyang natawa at lihim na nakampante.
“Hanggang alas diyes lang naman…” Ginawa niyang kaswal ang tono ng boses niya para hindi mahalata ang kaba na nararamdaman niya.
“Diyan ka na muna, dadalhin ko lang ‘to sa legal department. Sabay tayong umuwi ha?” Saka siya tuluyang pumasok sa loob ng legal department office para ibigay kay Miss Karen ang dokumento.
Pagkalabas ni Althea sa opisina ng legal department ay agad siyang napahawak sa dibdib. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Lennon.
"Hanggang kailan mo balak itago ang babae mong 'yan sa akin?"
Ano bang ibig sabihin noon?
Bakit parang may kasalanan siya sa lalaking iyon
Pagbalik niya sa kanyang mesa ay agad siyang nagulat nang makita ang isang mamahaling relo na nakapatong doon.
Hindi iyon sa kanya. Napakunot-noo siya.
"Kanino 'to?" bulong niya.
Maya-maya ay dumating si Dulce.
"Ay, nakita mo na pala!"
"Nakita ko ang alin?" lito niyang sagot kay Dulce.
"'Yung relo ni Sir Lennon."
Parang may kung anong bumagsak sa sikmura niya.
"Ha?" Naguguluhan pa siya.
"Kanina dumaan siya dito. Mukhang hinahanap ka. Tapos iniwan niya 'yan."
Lalong kumunot ang noo niya.
Bakit siya hahanapin ni Lennon?
At bakit iniwanan nito ang relo nito sa mesa niya?
Hindi pa siya nakakapagtanong nang tumunog ang telepono sa kanyang desk.
Agad niya itong sinagot.
"Office of Mr. Ricci, good afternoon."
Ilang segundo ang lumipas. Pagkatapos ay narinig niya ang malamig at pamilyar na boses.
"Dalhin mo ang relo ko sa rooftop."
Nanigas siya bigla.
"S-Sir?"
"Now."
At agad nitong pinatay ang tawag.
Napatingin si Althea sa relo. Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya hindi aksidenteng naiwan iyon doon. Pero na kahit ganun ang mga naiisip niya, nagmadali pa rin siyang tumungo sa rooftop.
Kahit medyo gumagabi na ay mas inuna niya pa rin na dalhin ang relo kay Lennon kahit medyo…labag sa loob niya.
Dahan-dahang binuksan ni Althea ang pinto ng rooftop. Agad siyang sinalubong ng malamig na hangin. Biglang guminhawa ang pakiramdam niya pero hindi lahat ay nagawang tangayin ng hangin ang mga bumabagabag sa loob niya.
Nakatalikod si Lennon sa kanya. Hawak niya ang relo nito habang nag-aalinlangang lumapit.
"Sir, naiwan n'yo po ang—" hindi niya natapos ang sasabihin at napakagat na lamang siya ng kanyang ibabang labi dahil biglang nagsalita si Lennon.
"Sabihin mo nga sa akin, Althea..." Dahan-dahan itong lumingon sa kanya.
Nanigas ang buong katawan niya nang makita ang galit sa mga mata nito.
"Magkano ang ibinayad sa'yo ng ama ko para magsinungaling?"
Nabitawan niya bigla ang relo.