Ixara Fuentes simple babae lumaki sa isang simple pamumuhay. Katamtaman ang taas,
may mapungay na mata at matangos na ilong,ngunit maiitim. NBSB no boyfriend since Birth.
Panganay sa tatlo magkakapatid. Ang aking mga magulang ay abala namamahala sa amin munti
lupain.Malimit andito kami naga-stay sa farm,ayaw kasi namin nakahiwalay kina Mama at Papa.
Kaya okay lang sa amin dalawa magkapatid ang maglakad ng isang oras bago makarating sa
paaralan.Ako 3rd year High School.Si Isay 1st year high School at si Adrian naman next year pa s’ya mag-aaral.
“Ate tara na,pasok na tayo ang tagal tagal mo naman mag ayos!” sigaw ni Isay pangalawa ko
kapatid.
“Oo na sandali lang inaayos ko lang ito buhok ko”sagot ko naman.
“Hay naku,hayaan mo na ‘yan di ka parin naman gaganda kahit ano gawin mo!” sabi ng nakakabwisit ko
kapatid akala mo naman ang ganda n’ya.Hmp!Nasa isip ko lang hehehe
“Kung makapagsalita ka ah, tara na nga!Kainis ka naman ang
aga aga pa nagmamadali.Inihanda mo na ba baunan natin?tanong ko sa kanya.
“Inaayos na ni Mama”.sagot ni Isay. Naku talaga ito kapatid ko di talaga maasahan.
“Ma,aalis na po kami.”abala s’ya sa paglalagay ng pagkain namin sa lunch box.
“Ito baon n’yo mag-ingat kayo dalawa,ilagay nyo na ito baunan nyo ng pagkain sa lalagyan
nyo”utos nito kay Isay.Pinababaunan lang kami ni Mama ng pagkain para sa tanghalian namin.Para sigurado daw sya healthy ang ulam naming at malinis ang pagkain.
“Ma,dinagdagan mo po ba ng gulay ‘yong lunch box ko?”sabi ni Isay
“Oo dinagdagan ko na.”sagot nito.
“Sige po Mama.Salamat po sa paghahanda.”paglalambing ng maldita ko kapatid.
“Ate,pasalubong ko ah,wag mo kalilimutan”.singit ng bunso ko kapatid na si Adrian ng makita paalis na kami.
“Oo ba,sige na tapusin mo na pagkain mo,papasok na kami dalawa ng ate mo.”paalam ko dito
habang ginugulo ang buhok.
“Ma,asan po pala si papa?”tanong ko kay mama, di ko kasi makita sa loob ng bahay.Maaga siguro pumunta sa taniman ng Mais.Napakasipag talaga ng Papa namin.
“Andoon sa may taniman,doon n’yo na lang daanan para makapag-paalam kayo.”sabi ni Mama.
“Sige po,bye po”tapos nagmano na kami bago umalis.
Pagdating sa taniman hindi namin nakita si Papa,siguro nasa dulo sya.Sumigaw na lang kami para mag-paalam.
Habang naglalakad kami mag-kapatid nakasalubong namin si lolo Kiko may dala dala sako.Pupunta siguro sa amin para tulungan si Papa sa taniman.Si lolo tiyuhin s’ya ni Papa pero kung ituring ang Papa namin ay higit pa sa tunay n’ya anak.Matanda na kasi sya ng makapag-isip na mag-asawa kaya hindi na nabiyayaan ng anak.Tapos maaga din nawala si lola.Kaya sa amin na lang n’ya binubuhos ang atensyon n’ya.
“Lolo mano po.”sabi namin magkapatid.Iniabot naman nya kamay n’ya sa amin magkapatid.
“Ingat kayo sa pagpasok mga apo ha?”sabi nito.
“Yes po lolo,alis na po kami.”paalam namin ni Isay.
“Si Adrian gising na ba?.”pahabol nito.
“Opo,andon po kumakain na nang umalis po kami,si Papa po nasa taniman naman na po.”sabi ko.
Tango lang naman ang tugon ni lolo.
Nag-start na kami maglakad 15 minutes pa bago kami makalabas sa lupain ng mga Fuentes. Malayo-layo din ang farm sa kalsada.Habang naglalakad kami tinatanaw ko ang mga bundok at mga puno sa dinadaanan namin. Ito ang gusto ko talaga dito sa farm ang pagmasdan ang mga tanawin tuwing umaga.Makita ang mga puno ng mais,na may mga bunga na din pero di pa pwede kainin dahil baby corn pa sila.Para sa akin nakapa-bango talaga ng amoy nito,lumapit ako sa isang puno at kumuha ng buhok ng mais.Nilaro ko ito habang naglalakad kami dalawa ni Isay.